one shot ii
“Oy Nath, patulong naman ako.” Sabi sakin nung kaklase kong lalake, nakaplease position pa siya.
“Bahala ka jan.” Sabi ko habang tinutuloy ko ang pagsusulat sa mga lectures na namiss ko, secretary kasi ako.
“Sige na Nath. Bibigay ko sayo yung letter ko na isusulat mo.”
Tinignan ko si Toby na nasa gilid ko habang naka please sign parin, “okay fine.” Sabi ko sakanya at nilabas ko yung itim na planner ko. “Kelan ka ulit manliligaw?”
Tinangal nya yung please sign niya at parang nagning-ning pa yung mga mata niya, “bukas na sana, may plano ka na?”
Di ko siya pinansin habang nagsusulat ako sa planner ko, “hmm, pagkatapos ng bukas, si James naman tapos next week si Adrian naman.” Bulong ko.
“Ang daming nakabook sayo ah? Malapit na kasi magvalentines day, tapos birthday mo pa.” Sabi ni Toby sabay tawa. “Ang gara nga eh, madaming nagpapaplano sayo tungkol sa panliligaw, madaming nagpapatulong sayo sa panliligaw, tapos ang dami mo pang binusted na nanligaw sayo, tapos yung taong gusto mo di ka magustuhan pabalik eno?”
Tinitigan ko siya ng masama, “bahala ka bukas.” Sabi ko sabay tayo.
Tumayo din siya, “joke lang. Patulong ha? Thank you.”
Yan ang trabaho ko, ever since first year ako. Taga plano kung paano manliligaw, kung ano yung strategy na gagawin. Kung kelangan ba ng mga bulaklak, anong klaseng bulaklak, rose, daisy, sunflower ba o buong puno na may ugat pa ang bibigay mo. Taga sabi kung ano yung sasabihin at gagawin mo, luluhod ba o tutuwad o hahawakan yung kamay ng manliligaw o magsasayaw ng cha cha. Taga sulat din sa mga cartolina at maliliit na post it notes. Kumbaga, planner para sa mga manliligaw ako. Yan ang role ko. Sa dami dami ng tinulungan ko, minsan napapaisip ako, kelan kaya, yung ako naman? Yung ako naman yung pagpaplanuhan ng mga ganitong bagay.
--x
Shit. Malalate na ako, mag sisix na at nasa jeep pa ako.
“Manong para!” Sigaw ko habang nagmamadaling bumaba sa jeep.
Tumakbo ako papunta sa gate habang bitbit bitbit yung bag kong may mga puting rosas at post it notes na ididikit sana namin sa pader. Dali dali akong umakyat sa third floor, doon ko kasi pinlano ang lahat. Dahil dun yung room noong liligawan ni Toby.
“Late ka na!”
“Sorry!” Binaba ko yung bag ko, at kinuha ko yung bag na may mga rosas. Inabot ko sakanya, at tumuro, “dun ka tumayo sa loob ng room nila.” Sabi ko sakanya. Inilabas ko yung mga puting rosas at binigay sakanya, bawat rosas, andon yung dahilan kung bakit gustong manligaw ni Toby.
“Salamat talaga Nath!” Sabi niya.
“Oo na, manahimik ka at pumunta ka na don, malapit nang mag 6:30!” Sabi ko sakanya.
Agad naman siyang sumunod, humarap ulit siya at kumaway, “salamat!”
Tumango lang ako at nag-ok sign, yumuko ako at hinipan ko yung bangs ko, kinuha ko yung mga post it notes na may mga quotes at yung letter ni Toby para doon sa nililigawan niya. Inilabas ko din yung dispenser at pinagdidikit yung mga post it notes sa pader. Tapos, yung yes and no, nakadikit sa magkabilang dulo ng pintuan, kung saan papasok yung nililigawan ni Toby, yun yung kasagutan nya. Saktong pagkadikit ko nung no sa kabilang dulo, biglang dumating yung liligawan ni Toby kaya napatingin ako at tumabi sa gilid. Habang yung mga estudyante mula sa ibang section ay naglalabasan na. Napasandal ako sa pader at nagpunas ng pawis, tinignan ko yung reaksyon ng babae at mukang natuwa naman siya at kinikilig. Yung mga reaction din nung mga tao, nakakatuwa.