CHAPTER 39

1.9M 35.2K 13.2K
                                    

CHAPTER 39

People said that happiness was so hard to chase, not easy to have and it could be easily taken away from you. But for Valerian Volkzki, happiness had a name. And she was Grace Oquendo. His very lovely bride.

"Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na 'to," wika ni Knight na umiiling-iling pa. "Siguradong hindi ka na makikipag-inuman sa 'kin. Hindi na tayo magba-bonding. Wala na."

Gustong kutusan ni Valerian ang kaibigan. "Velazquez, mag-aasawa ako, hindi magpapakamatay. Kung makapagsalita ka naman parang namamaalam na ako."

Mahinang natawa ang kausap. "Hindi ka ba namamaalam? Sasakalin ka na—este, ikakasal ka na."

Valerian rolled his eyes. "Velazquez, huwag kang madrama. Baka pagkamalan tayo."

"Hindi pa ba?" Malakas na tumawa ang loko. "Sabi nga ni Shun, may future daw tayo, eh."

"Mang-asar ka pa." Iniumang niya ang kamao. "Bubugbugin kita, pangako iyan."

Knight shook his head while chuckling hard. "I can always get into your nerves, huh?"

"Isn't that what they called friendship, always annoying each other?" balik-usisa niya.

That put a small happy smile on Knight's face. "Yeah. I guess so."

Humugot ng isang malalim na hininga si Valerian, saka tinapik ang balikat ni Knight. "Thanks for being my best friend, Knight. Salamat at pinagtiyagaan mo ang kabaliwan ko." There. He finally said it out loud.

"Ito ang unang beses na tinawag mo ako sa pangalan ko." Halata ang gulat sa mukha nito. "And, ahm, don't mention it." Nag-iwas ito ng tingin pero nakita niya ang masayang ngiti sa mga labi. "I'm happy for you, man. Finally. This day has come. After more than two weeks of preparation, mangyayari na ang pinakainaasam mo." Bumaling ito sa kanya. "Handa ka na, Val?" tanong nitom sabay tapik ng balikat niya.

Huminga siya muna nang malalim bago sinimulang pagalawin ang jumbo jet. "I'm ready. Let's fly this baby up."

Sobrang ingat ni Valerian habang pinapalipad ang eroplanong may isandaang kataong sakay, kasama na sa bilang ang bride niya at siya, saka ang pilotong papalit sa kanya kapag nasa himpapawid na ang jumbo jet.

This day should be perfect. It was his wedding day after all.



"Mag-uumpisa na," bulong sa kanya ni Nali habang inaayos ang bahagya niyang nagusot na gown.

Kailangan kasi niyang umupo at mag-seat belt nang mag-take off ang eroplano. At ngayon nga na nasa himpapawid na ang Jumbo Jet 143, narinig na ni Grace ang pagkanta ng sikat na singer na inupahan ni Valerian para sa kasal nila.

Valerian and their very expensive wedding. All of this was prepared and organized by her groom Talagang hindi iyon normal because Valerian didn't want a simple wedding.

Nang pumasok siya kanina sa eroplano, kailangan pa siyang piringan para hindi makita ang loob n'on at agad siyang dinala sa parteng buntot ng eroplano para doon maghintay.

Her sister and father were with her. Si Nali ang maid of honor niya. Isa naman si Tessmarie sa napili niyang bride's maids and the rest were her newfound friends, Valerian's friends' wives. Her Tito Fujii was also present.

Napatingin si Grace sa kurtina na tanging sagabal para makita niya ang pagdadausan ng kasal nila ni Valerian. Ang totoo, kinakabahan siya nang sobra. Maybe this was what a woman felt during her wedding. Nakakakaba na nakaka-excite.

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon