CHAPTER 11
Abala si Grace nang araw na 'yon sa clinic niya kasi may pasyente siyang kamamatay lang. It broke her heart to see Max's dead. Medyo may katandaan na rin kasi ang aso kaya siguro bumigay na ang katawan, but still, her heart saddened.
Masakit para sa kanya na ibalita sa may-ari nito na patay na ang pinakamamahal nitong aso pero nilakasan niya ang loob niya at pinadalhan ng mensahe si Mrs. Co.
Napahikbi siya habang nagta-type ng mensahe. Masakit sa puso ang mamatayan ng aso na halos sampung taon mo ring nakasama. She could still remember her very first dog named Enzo. Ang lambing ng aso niyang iyon kaya nang mawala, umiyak talaga siya at binigyan ito ng maayos na burol.
Nang mai-send na niya ang mensahe, umupo siya sa swivel chair, saka tinext si Valerian. Alam niyang abala ito sa trabaho pero kailangan niya ng kausap ngayon. Her heart was still aching.
Huhuhu. Grace hit send.
Segundo lang ang binilang niya nang mag-ring ang cell phone niya. Agad na napawi ang lungkot na nararamdaman niya nang makitang si Valerian ang tumatawag.
"What happened? Shit! Kailangan mo ako ngayon? Fuck! Nasa Davao ako ngayon for some business meeting. Shit, Grace, what's the meaning of that huhuhu?" He was cussing and rambling at the same time.
Nakakainis na nagmumura na naman ito pero nakakatuwa dahil halatang nag-alala ito sa text niyang huhuhu.
Suminghot-singhot siya. "Kasi namatay na si Max."
"Are you okay, moon cake?" Halatang nag-aalala ito. "Kailangan mo ba ako diyan sa tabi mo?"
Humikbi si Grace. "Akala ko ba nasa Davao ka?" Suminghot-singhot siya. "Malayo ka kaya sa akin, hindi mo ba alam 'yon?"
"I know. Pero lilipad ako pabalik ng Manila ngayon din kung kailangan mo ako." Malambing ang boses nito. "Anyway, sino ba itong si Max? Kamag-anak mo?"
"No." She sobbed. "He's a dog, one of my patients."
Ilang minutong natahimik ang kabilang linya. Napangiwi siya nang marinig ang sunod-sunod na pagmumura ni Valerian.
"Valerian! Stop cussing!" singhal niya.
"Fuck!" he hissed. "Akala ko naman kung sino si Max sa buhay mo. Fuck, moon cake, I'm willing to lose a million peso contract here in Davao so I could be with you."
Grace sobbed when she heard the name Max. "Kawawa naman si Max, namatay na siya. Valerian, naaawa ako sa kanya. Masakit sa puso."
Napabuntong-hininga ito. "Fine, pagbalik ko diyan sa Manila, pasyal tayo para mawala sa isip mo si Max."
Napangiti siya. "Talaga, Valerian, baby?" Na-excite siya agad. "Saan naman tayo mamamasyal?"
"Fuck!" he cursed again making her grimaced.
"Valerian, huwag ka sabing magmumura, eh!" Nalukot ang mukha niya. "Masakit sa tainga."
"Sorry, moon cake, napapamura talaga ako kapag tinatawag mo akong baby," pag-amin nito. "It's just that, it sounds sweet and my heart can't take it. Kailangan kong magmura para mailabas itong nakakanginig-butong pakiramdam na tanging ikaw lang ang kayang magparamdam sa akin."
Sumikdo ang puso niya at nalukob ng saya. "You're welcome. Anyway, saan mo ako dadalhin?"
"Basta. Ako ang bahala."
"Okay." She giggled excitedly. "Sige, ba-bye na, baka nakakaabala na ako sa 'yo."
"Nah, you're more important to me than that million peso contract."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 11: Valerian Volkzki
General FictionLUSTING over Grace Oquendo was not good for Valerian Volkzki's health. He should be working his ass off and firing his employees who go against his will. Dapat ay nagpapayaman siya imbes na ini-stalk si Grace Oquendo. Lahat ng ginagawa niya ay kabal...