"I'm sorry sa inasal ko kanina, ako nga pala si Ace" pagpapakilala ng ASAWA ko hahaha!!! from now on asawa ko na siya ˋ▽ˊ hihihi
ang gwaaapoo!!!! brown hair na felling ko minarinate sa cream silk tapos medyo singkit ang mata blue eyes, hindi mapagkakailang galing siya sa aphrodite race
"ahhh! miss! okey ka lang?" tanong ni ace
"ahhh... yeah I'm fine, nag lag lang ang character ko " pagpapalusot ko
"ahhh! sorry ulit ha!"
"ano ka ba! okey lang yun no! siguro kung ako ang nasa pwesto mo gagawin ko din yun" pagpapaliwanag ko slash! ang landeee ko lang!
"you are?" tanong ni ace
"youre wif--- este youre friendly neighborhood katherine!!" pagpapakilala ko
"tara papakilala kita sa mga kasama ko!" pangangalok ko kay ace sabay higit sa kamay niya
TSANSING!!! HIHIHI KYAAAHH!!!!
nakarating kaming dalawa sa kinaroroonan nina joan na nakahawak padin ako sa kamay niya
"GUYS! MEET ACE!" pagpapakilala ko sa kanila
"Ace! that's joan, jolly, mica and keyan" pagpapakilala ko sa kanila habang tinuturo na parang fish sa market
"so! pinag palit mo na ako?!" pagdadrama ni keyan
alam ko ang ginagawa niya! wala talaga siyang ka tuwa tuwang ugali, nakuu! pag kami lang talagang dalawa ang magkasama nakuu! talaga! i pi pk ko ang avatar niya
"katherine! parang may nagagalit ata sa pagkahawak mo!" sambit ni Ace
pssshh.....
nakita ko ang ngiting tagumpay ni keyan
binigyan ko lang siya ng PATAY-KA-SA-AKIN-MAMAYA LOOK
"so ikaw pala ang tinutukoy ni grehilda, ang summoned na galing sa aphrodite race " sambit ni joan
"ikwento mo na! sabi kasi ni grehilda ikaw na daw ang magkukwento" sabi ni mica
pinaupo na ako ni ace sa may sofa then nag start na siyang mag kwento
"napunta ako dito dahil sa quest na kinuha niyo din, buhay pa ang ama nina grehilda, siya din ang dahilan kumg bakit ako nanatiling nakatago at ligtas sa lugar na ito, according sa ama ni grehilda na si Lucas, normal ang pamumuhay noon, mga tagapag bantay ang mga lalaki at ang mga mas batang lalaki naman ang mga farmers samantang ang mga babae naman ay mga normal na villagers lamang until may isang god ang pumunta dito, tinanggap ng mga elders ang diyos na ito ngunit pag katapos ng kanilang conversation ay nag bago ang lahat, naging corrupted ang mga elders pinatipon niya ang lahat ng mga kalalakihan then after that naging corrupted na ang mga lalaking orcs, at kung bakit? that is still a mystery for us, any question?"
mahabang pagkukwento ni Ace
tinaas ko ang aking kamay 0^◇^0)/
"taga saan ka? I mean anong server mo?" pagtatanong ko
"Bakit pakiramdam ko wala sa ikinuwento ni Ace ang tanong ni katherine" pagpaparinig ni mica
"KATHERINE!!!!!" singhal ni joan
"bakit tinanong niya naman kung may tanong diba?" pagpapaliwanag ko
"bakit si Lucas hindi na apektuhan ng corruption?" pag tatanong ni joan
"dahil nasa loob si papa sa loob ng bahay noon, ang ray na nag co convert ng mga orcs into corrupted ay hindi nakalagpas ng bahay until lumabas siya ng bahay namin" pagsisingit ni grehilda
BINABASA MO ANG
Rise of summoned
Science Fictionvrmmorpg named R.O.S or Rise of summoned ang kakarelease na laro sa pilipinas nababalitaang sikat na sikat na laro sa ibang bansa, ito ang laro na nagpabago sa buhay ng ibang tao, ito ang laro na ikaw ang gagawa ng sarili mong kapalaran, find out...