nagising ako mga 4 something, nagtaka nga ako dahil almost 12 na ako nakatulog kagabi, pero napag isip isip ko na halos maghapon akong tulog yesterday kakalaro ng R.O.S kaya sa tingin ko may reason ako kung bakit ganito ako kaagang gumising.
ginawa ko ang morning rituals ko, habang nakaharap ako sa salamin napansin ko ang pagtaba ko, is this because of the game? kain tulog lang kasi ang nagaganap sa maghapon ko eh!
so instead na mag log in ako pumalit ako ng damit, nakasuot ako ng short na pang exercise at sando, mag ja jogging ako mwahahahaha!!!!
************
halos tinatakbo ko ang buong village namin dahil I really decided na kailangan kong magpapayat,
habang tumatakbo malapit sa clubhouse napansin ko ang isang lalaking naglalaro ng basketball mag isa, medyo madilim pa pero may mga ilaw naman sa court,
medyo pamilyar ang naglalaro doon! saan ko ba siya nakita? <(ˍ ˍ*)?
aha!
yung lalaking gluta kagabi, mukhang may pagkakabalahan ako tuwing umaga ha! hihihi
tinitigan ko lang siya dito mula sa malayo, tinatanong ko pa din sa sarili ko kung siya ba si Ace
nang makita kong paalis na si 'Ace' kuno ay dali dali akong nagsisipag takbo palayo, ewan ko ba pero yun yung sinasabi ng instinct ko,
*********
nasa loob na kami game at kasalukuyang nilalabanan ang sangkatutak na mga orcs nasa 1st floor palang kami, actually hanggang 4th floor ang temple na ito,
according kay grehilda:
1st floor- mga loyal orcs
2nd floor- mga armoured orcs
3rd floor- mga priestest orcs
4th floor- ang elder
tulad nga ng sinabi ko nasa 1st floor palang kami ngunit hindi ko alam kung bakit hindi pa lumalaban si Ace galit na nga si keyan eh!!
"KATHERINE!!! SA LIKOD MO!!" na feel ko ang lamig ng espada ng orcs sa balikat ko dahil hindi ako nakaiwas na feel ko ang 50% pain na inupdate ng kung sino man!! ╰_╯
mabuti nalang at gumana ang passive skill ko na smokeEscape naging usok nalang ang katawan ko at nagblink sa likod ng kalaban bigla ko naisip ang latest kong skill, ginamitan ko ito ng soulGrab kinuha ko ang dark ceres ko at itinarak sa likod niya hanggang bumaon ang kamay ko tsaka ko ito hinugot mula sa katawan niya, nagbigay ito ng 10% damage kada segundo kaya di nagtagal at namatay din agad ang orcs
lumingon ako saglit kay Ace at parang nakuha na niya ang susi sa gate, kanina pa kasi jan sa may hagdan pilit binubuksan ang gate
"BUKAS NA PWEDE NINYO YAN IWAN!!!" pagsisigaw ni Ace
agad naman kaming tumakbo papalapit sakanya ngunit sumusunod pa talaga ang mga orcs
"MICA!!! BARRIER!!!" paguutos ni joan
agad namang nag cast si mica ng barrier lumabas sa staff niya ang purong kulay blue na liwanag na bumara sa dinaanan namin
nang masigurado namin na wala nang sumusunod sa amin, bagsak lahat kami dahil sa pagod,
tiningnan ko ang status ko at laking gulat ko nang makitang halos na drain ang mp ko,
nag summon ako ng tatlong mana potion at dalawang health potion at ikinabit sa belt ko, kinuha ko ang isang mana potion at ininom,
BINABASA MO ANG
Rise of summoned
Science Fictionvrmmorpg named R.O.S or Rise of summoned ang kakarelease na laro sa pilipinas nababalitaang sikat na sikat na laro sa ibang bansa, ito ang laro na nagpabago sa buhay ng ibang tao, ito ang laro na ikaw ang gagawa ng sarili mong kapalaran, find out...