mga 1 linggo akong nag hunt para pag ipunan ang isang bagay, yun ang paggawa ko ng weapon ko,
well hindi pa namin na umpisahan gawin ang weapon ko, tutulungan daw ako ni joan sa paggawa ng weapon ko,
mag hunt at mag hunt yan ang ginagawa ko, ginagawa namin, dahil sa mababa pa ang level ko si joan ang nag tank well dapat lang no,
pinupuntirya namin yung may mga armas para sa mga bakal na kakailanganin namin pero yung pinupuntirya namin ay halos high level, mga level 30, up mga ganun, well si joan level 98 na, eh ako? level 21!! wala pang magandang set, wala pang permanenteng weapon,
habang nag lalakad lakad ako sa dilim, gabi na kasi eh, at sa bubong ako dumadaan, iwas abala, nasa Iris village ako kung saan ang mga high grade stone ay naglipana, si joan naman ay nag log out na, bukas nalang daw namin ipag patuloy ang paghunt, habang namamahinga ako sa taas ng watch tower ng village, naisipan kong mag quest, hindi ko pa kasi na experience ang pag quest eh,
nag log out muna ako at pumunta sa site ng R.O.S,
naghanap ako ng quest na madali lang,
nakuha naman ang attention ko ang quest ng • SICK LANDLORD
tiningnan ko ang map kung saan ito matatagpuan,
after kong makuha ang direksyon, nag log in ulet ako,
tinalon ko mula sa watchtower hanggang sa pinaka maabot kong bobong tsaka nag sisitakbo sa kabubungan, ang bubung dito ay hindi yero kaya hindi maingay!
nang nasa bubungan na ako, ini equip ko naman ang all white dress ko na bigay ni joan, ito lang kasi ang maganda sa set ko, puro kasi gawa ko at wala akong mabasehang design ang mga natitirang set sa inventory ko
after kong mai equip, tumalon ako mula sa bubong ng bahay ba ito tsaka kumatok ng tatlong beses,
pinag buksan naman ako ng npc na nakatira, ang maganda pa sa larong ito ang mga npc ay malayang magagawa ang gusto nila, para silang tao, ang pinag kaiba nga lang ay wala silang inventory na tulad ng mga summoned o players pero ang iba sa kanila ay may mga level,
back to the quest, tinanong ako ng katulong kung ano ang ipinunta ko dito, sinabi ko naman na ang ipinunta ko dito ay ang land lord
iginuide niya ako patungo sa kwarto ng landlord,
"heto na po ang kwarto ng landlord sana ay maggamot mo po siya! " sincere na sabi nung katulong, kumatok naman ang katulong tapos pinapasok kami nung landlord tsaka ako inihatid palapit sa kama kung saan nakahiga ang maputlang landlord,
"sana ay matulungan mo ako, munting summoned " wika nito sa akin
"ano po ba ang lagay niyo, mga nararamdaman? " tanong ko habang hinahanda ang paggawa ng health potion dahil feeling ko wala naman siyang injury
"health potion can't cure me" sabi nito, naku nag iinglish na
"bakit po, pwede po ba ikwento mo" pag re request ko
"ganito kasi yan, isa ako sa pinakamayamang tao dito sa Iris village, may roon akong 8 minahan at 10 sariling lupa tapos mero --" pinutol ko ang sasabihin niya
"okay! I get it ikaw ang pinakamayaman nasaan ang big deal at nasaan ang point?? " tanong ko
"sorry, ikaw lang kasi ang nakinig sa kwento ko, so ayun nga, dahil sa nag hahangad ako ng dagdag kayamanan nakipag sundo ako sa isang dark elf na doblehin ang kayaman ko pero maykapalit, hindi niya sinabi ang kapalit na tinutukoy niya kaya pumayag ako, isang taong masagana ang buhay namin dahil sa dark elf na iyon, ngunit isang araw dumating ang dark elf sa bahay at sinabing araw na ng pag sisingil, tinanong ko ito kung ano ang kabayaran pero nag chant lang siya at umalis, pag katapos mg insidenteng yun hindi na nagigising ang aking anak, pero buhay pa ito at tumitibok pa ang puso nito, yun ang problena ko, kaya ako nag kakaganito, hindi talaga ako ang may sakit, kahit healers na summoned ay hindi ito magamot" pagkasabi nun nung landlord umiyak na ito, pagmamahal nga naman ng ama
BINABASA MO ANG
Rise of summoned
Science Fictionvrmmorpg named R.O.S or Rise of summoned ang kakarelease na laro sa pilipinas nababalitaang sikat na sikat na laro sa ibang bansa, ito ang laro na nagpabago sa buhay ng ibang tao, ito ang laro na ikaw ang gagawa ng sarili mong kapalaran, find out...