Chapter 3: Girl Next Door

44 6 4
                                    

Aiden's POV

   Nagising ako sa matinding sikat ng araw na mula sa bintana ng kwarto ko.

   Hayyy.Nakakatamad bumangon!

   Gabi na kasi akong naka uwi kahapon galing sa pagcacar racing namin buong araw ng barkada ko.

  Nag bar din kami pagkatapos naming magkarera.

Alam niyo na medyo Bad Boys.

  Hindi naman talaga ako isang pure good boy. Sa totoo nga kaya kong makipagbasag ulo buong araw at iviolate lahat ng rule at regulations na pwedeng iviolate.

   Kaya ko ding maging isang cold- hearted guy na mas malaming pa sa ice ang mata at kasing tigas ng bato ang puso.

  Pero mabait naman talaga ako sa mga taong mahal ko at mga taong mabait din sakin.

  Teka lang! Tama na ang pagpapakilala at ituloy na natin ang kwento.

  At dahil tinatamad pa nga akong bumangon ay pinilit ko lang ang sarili ko na tumayo saglit para ihawi ang kurtina ng bintana para hindi na pumasok ang sikat ng araw at makatukog na ako ulit.

Pero pagkatingin ko sa bintana may nakita akong isang sasakyan sa sa harap ng katapat naming bahay.

Bagong lipat siguro yan.Nasabi ko sa isip ko.

Nung nakaraang linggo kasi umalis na ang pamilyang nakatira diyan.

Ilang sandali lang ay may lumabas na matangkad na babae mula sa sasakyan at nagsimula nang ipasok ang mga gamit niya sa loob ng bahay.

Teka parang pamilyar sakin ang babeng yan.Tama! Siya yung nakita namin ni Gadie sa park noong isang araw.

Naalala ko pa na kinagat ni Gadie ang dulo ng damit niya at halatang nagustuhan siya ng alaga ko pero nagmamadali siya nun kaya hindi na kami nagkakilala.

Ewan ko ba pero parang may nagtutulak sakin na tumulong sa pagbubuhat ng mga gamit bg babaeng yun. Siya lang yata ang titira dyan eh.

Mag-isa din ako dito sa bahay dahil gusto ko nang maging independent na anak. Ayoko ko nang umasa kina Mom at Dad dahil nakapagtapos na rin naman ako sa pag-aaral.

Dahil sa hindi nga malamang dahilan ay hindi na ako bumalik ulit sa pagtulog at naghilamos na at bumaba na para tulungan ang bago kong kapit bahay.

Siguro nga gusto ko lang siyang  iwelcome dito sa bago niyang subdivision na tirirhan bilang isang friendly na kapitbahay.

So ayun na nga. Lumabas na ako at pinuntahan ang babeng iyon na patuloy pa rin sa paghakot ng mga gamit niya papasok sa bahay.

"Miss gusto mo ba ng tulong?" panimula ko

Tiningnan niya muna ako sandali

"Wait lang kuya.Diba ikaw yung nakita sa park noong isang araw kasama ang aso mo?"

"Tama. Ako nga yun. So do you need help?"

"Ok lang ba sayo kuya?"

"Oo naman. Sige tulungan na kita"

Tumulong na ako sa paghakot ng mga gamit niya at hindi nagtagal ay natapos namin kaagad ang ginagawa namin.

"Nako salamat po kuya ha. Naabala yata kita." sabi niya.

"Ano kaba, wala yun. Ako rin naman ang nagsabi na tutulong ako sayo."sagot ko nang nakangiti

"Salamat talaga kuya ha" at ngumiti din siya sakin

"Wag mo nalang akong tawagin na kuya. Ilang taon ka na ba?"

"20 years young pa"

"Hahaha. Tingnan mo, magkaparehas lang naman pala tayo ng edad"

Ngumiti lang siya.

"Bye the way hindi pa nga pala ako nakapagpakilala sayo. Ako si Aiden. Nakatira lang ako sa tapat ng bago mong bahay so magkapitbahay lang tayo" pagpapakilala ko.

"Ako nga pala si Gail. Kaya pala ako nagmamadali nung isang araw na nagkita tayo sa park ay dahil tinitingnan namin ni Dad itong bagong bahay na lilipatan ko.Asan na pala yung cute mong aso?" sabi naman niya

"Well, nice to meet you Gail. Yung aso ko nandon lang sa bahay. Natutulog pa."

"Nice to meet you din kuya, I mean Aiden."

At nagshake hands kami.

"Anyway, dahil tinulungan mo ako gusto mo bang mag breakfast sa bahay? Tutal wala naman akong kasama at bilang thanks offering na rin sa pagtulong mo sakin."

"Sige ba. Pero babalik muna ako sa bahay ko at maliligo pa ako. Kakagising ko palang kasi."

"Sige tamang-tama din maghahanda muna ako ng breakfast."

"Sige uwi muna ako. Babalik ako mamaya."

"Okay Aiden."

"See you later Gail" paalam ko

"See you later too Aiden." nakangiti niyang sagot

ME and YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon