Chapter 7: Unregistered Number

43 3 6
                                    

Aiden's POV

   Habang naglalaro kami sa arcade ngayon bigla akong kinalabit ni Klein (Klayn), isa sa mga katropa ko.

  "Bro, may nakatitig na magandang binibini sayo oh!" sabay turo niya sa babaeng nakaupo malapit sa arcade na napapansin ko ring nakatitig sa akin.

   "Lapitin ka talaga ng mga chix dude!" tukso naman ni Josh sa akin

    " Maganda naman. Pero hindi ko type eh. Sa inyo nalang."

     "Grabe ka naman bro! Pero sige, hihingin ko nalang number niyan mamaya." singit pa ni Josh

    Binatukan naman siya ni Oliver.

   "Kahit kailan talaga, ang babaero mo Josh." sabi ni Oliver

    "Gwapo naman" sabay kindat ni Josh

    "San banda? Di ko makita eh. Hahaha" sabi naman ni Klein at nagtawanan nalang kami.

    "Mga bro!Si Laurice nga pala, girlfriend ko." Pagpapakilala ni Blake sa girlfriend niya. Nandito na pala sila nang hindi namin namamalayan.

       "H-hi" nahihiyang sabi ni Laurice

      "Mukhang nahihiya pa si Laurice satin oh. Wag ka nang mahiya samin, girlfriend ka naman ng kaibigan namin eh."

      Ngumiti lang si Laurice.

      "Nga pala Laurice, pwede ba akong manghingi ng number nung kasama mo kanina?" Biglang singit ni Josh.

     "Alin don? Yung nakaupo na may dalang maraming shopping bags o yung mataas na naka jeans?"

     "Yung nakaupo. Pero pwede na ring silang dalawa.Okay lang ba?"

    Nakatanggap na naman ulit siya ng batok, hindi lang kay Oliver kundi kay Klein na rin.

    "Aray! Ano ba naman kayo. Pumapag-ibig na nga ako, ayaw niyo naman. Mga KJ!"

     "Ang pag-ibig kusa yang dumadating. At ang mga babae hindi dapat pinaglalaruan."makahulugang sabi ni Oliver.

     "Nagsalita ang love expert. Hiyang-hiya naman ako sayo Oliver!" bulyaw ni Josh sa kanya.

  "Hahahahahahhah" at nagtawanan nalang kami. Nakisali na rin si Laurice.

   "Eto na number niya Josh oh. Tamang-tama naghahanap din yun ng Mr. Right niya." Sabi ni Laurice

    "Talaga? Itinadhana nga talaga kami mga 'tol!" masayang sabi ni Josh.

     "Umayos ka nga Josh! Para kang ewan dyan eh. Hahaha"  sabi ko naman

     "Hay naku. Matagal na yang ewan bro, mas lumala lang ngayon." Klein

  "Hahahahahhaha" at dahil dun sa sinabi ni Klein ay nagtawanan ulit kami.

    "Huwag mong gagawan ng kung anong kalokohan ang kaibigan ko Josh ah?" bilin ni Laurice sa kanya

   "Makakaasa ka Laurice. Ano nga pala ang pangalan niya?"

    " Ella Javier. Tsaka huwag mo na ring sabihin na ako ang nagbigay ng number niya sayo. Baka kalbuhin ako non. May pagka-amazona pa naman yun minsan. Hahaha" sabi niya

  " Sure. " sabay kindat niya.

    "Uyy tama na mga bro. Baka magselos na si Blake." sabi ni Oliver

    "Ulol! Bakit naman ako magseselos? Eh di hamak naman na mas gwapo naman ako sa inyo" sagot ni Blake.

    "Hayy naku. Eto talagang boyfriend mo Laurice, may pagkamahangin minsan. Masanay ka nalang. Haha" sabi ko.

ME and YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon