Chapter 4 ----> The revelation and The epic Meeting :)

395 10 2
                                    

 OMG !! it's Saturday ! anong gagawin ko.

parang feeling ko tuloy, sana pala sumunod nalang ako kila james, dapat pala hindi nalang ako pumayag na makipagkita..

kinakabahan tuloy ko ngaun..

kanina pa ako sa harap ng salamin, papalit palit ng damit, 

iikot..

magpapalit..

iikot ilit...

magpapalit nanaman

haaayy !! ewan !! hindi ko alam ! 

1pm na.. hndi pa din ako nakakapag decide..

kumatok si mama, 

" anak ? can't decide ?? "

"opo ma.. naloloka na nga po ako eh.. "

"kalandian mo kasi eh makikipag date ka tapos ngayon maloka loka ka sa pag papaganda ! " nak ng !! NANAY KITA DIBA ??

" mama naman ehh... "

" halika nga dito " inayos nya ang bohok ko, nakatali kasi ang bohok ko lagi, pero nilugay ni mama yun, " alam mo mandy anak, mas maganda ang babae kapag nakikita ang bohok nya, lalo na sayo, try mo naman ilugay ang bohok mo, hindi yung laging naka pusod, nagmumukha kang manang eh, " ngumiti lang ako, may tiwala ako kay mama, magaling sya pagdating sa mga fashion, nagtatrabaho si mama sa isang cosmetic and clothing company..

nilagyan nya ako ng light make-up at pinahiram nya ako ng isang light pink dress na 1 inch above the knee, madaming damit na magaganda si mama, pero hindi ko yon hinihiram sa kanya kahit ipilit nya pang ibigay sakin. di kasi ako mahilig magsuot nun eh.. ito ang first time ko mag make-up, 

ayan marvin ah !! nag effort ako !! :)

tumayo ako at iniharap ni ako ni mama sa salamin, 

hindi ko nakilala ang sarili ko..

ako ba to ?

mandy ?? ikaw ba yan ??

magandang babae ang nakikita ko sa salamin..

" anak ! dapat pala noon pa kita inayusan !  ikaw kasi eh ! kapag inaayusan kita dati para kang manok ! kailangan pa makipag habulan sayo ! " natawa kami ni mama, at agad nya ding hinawakan ang ulo ko " sabihin mo sakin kapag inaway ka ni james ahh.. " 

 ano daw ?? si james ??

" mama hindi po ako makikipag kita kay james ! "

" ay hindi ba ? eh kanino ?? tsaka bat andito si james ?? kaya nga ako umakyat dito eh.. "

" anoo ??!! "

agad kaming bumaba ni mama...

pag baba ko.. naabutan ko si james na nasa kusina, kumakain ng tinapay..

" hoy ! lalaki ! anong ginagawa mo ?? akin na nga yan !! " inagaw ko sa kanya ang tinapay pero wala syang kibo.. nakatingin lang sya sakin.. 

ano ba ! wag ka nga tumingin !!!

hinampas ko sya sa likod tsaka sya natauhan..

" ano ba ! para kang tangang nakatulala dyan ! ano ba ginagawa mo dito.. "

" huh ?? a-ano kasi.." napakamot sya sa ulo

" sasama ka noh ! "

" h-hoy hindi ah !! kapal ng mukha mo ! mag isa ka noh ! "

Online sweetheart <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon