Natapos ang araw ni Danie ng masaya. Ngayon lang niya nalaman na ganoon pala ang pakiramdam kapag nagmamahal. Mas Magana siya sa kanyang pag-aaral. Hindi na siguro ako malelate neto.Naisip niya. Si Xavier kasi ang presidente ng klase. Kaya araw araw maaga siyang ;pumapasok.
Pauwi na si Danie ng may nagvibrate sa bulsa niya
Fr: Xavier Ko <3
Hintayin kita sa gate. Hatid kita sa inyo.
---
Bigla siyang kinabahan. Paano pag makita sila ng kanyang mga magulang? Tiyak malaman nilang may relasyon sila. Natatakot siyan sa maaaring mangyari.
Nireplayan niya ito.
To: Xavier Ko <3
Hanggang sakayan mo nalang ako ihatid ha? kaya ko naman.
---
Paalis na sana siya ng may sumigaw sa kanya!
"Daniiiiiiieee!!!...." si Erica pala.
"oh? what do you want? 'di ba susunduin ka ni Marco? haha" asar niya sa bestfriend niya.
"Ay nako Danie. Ok lng sana kung ako talaga susunduin niya. Kaso nagpapasama nananaman yun na sunduin si Mae. Madudurog lang ang puso ko." Pagdradrama ng kaibigan nito.
"hahaha. Bakit ba kasi hanggang friends lang talaga kami? Hindi naman siya gusto ng Mae na 'yyun, noh! Hindi niya parin napansin ang beauty ko kahit araw araw kaming magkasama.. Ano nagustuhan niya dun sa Mae na yun?. Ehh ang payat payat kaya nun! duhh," Dagdag pa ni Erica. Si Danie naman ay hindi mapigilang tumawa sa drama ng kaibigan nito.
Dalawang taon nang may gusto si Erica sa pinsan ni Xavier na si Marco John Cruz. Araw araw nagpapasama ito kay Erica na pumunta sa classroom ni Mae, kapitbahay nina Erica. Hindi alam ni Marco na may gusto si Erica sa kanya.
Pababana sila ng hagdan ng may tumawag kay Erca.
"Hoy Panget!" Hindi pinansin ni Erica. Alam niya kung sino iyon. Isa lang ang may lakas ng loob na tumawag sa kanya ng ganoon. Ang ganda ganda niya raw para tawaging pangit!
"Hoy matabang panget na mahilig sa Siopao!" Aba't lokong to! dinamay pa ang paborito niyang pagkain. Nasaisip ni Erica.
"Best, tawag ka ata ni Marco Oh! hahah" sabi ni Danie.
hindi nilingunan ni Erica si Marco. Hinila niya si Erica at mabilis na naglakad. Malapit na sila sa gate ng may humawak sa kabila niyang kamay.
"Huyy, Jane, sorry na.. Eto oh may Siopao ako.. sayo na lang." Si Marco. Jane kasi ang tawag nito sa dalaga.
"eeh. Tigilan mo nga ako John. sabi ko na sayo na di ako pangit! ikaw nga diyan, Kapre!!!" asar din ni Erica.
"aahh. Kapre pala ah.. Akin na lang ulit itong Siopao. Special pa naman ito. May halong itlog, at binili ko pa 'to dun kina Aling Bebang. Ang famous Bebang's Siopao!" Pang-iingit ni Marco. Iyon kasi parating bumibili si Erica. Ang paboritonyang tindahan ng Siopao.
"Balita ko kanina last na raw 'to kasi may nagbili daw ng 100pcs. para daw sa mga batang lansangan. Ay, sayang naman. sarap talga nito oh.." Dagdag pa ni Marco. Tumawa nalang si Danie sa kakulitan ng mga Kaibigan niya. Napansin niyang kakaunti na lang ang mga istudyante dahill ang karamihan ay nagsiuwian na.

BINABASA MO ANG
Legal Kami ng Boyfriend Ko
Novela JuvenilNaranasan niyo na bang umibig? Nagkaboyfriend ka pero hindi mo kayang i-express ang pag-ibig mo sa kanya dahil hindi alam ng mga magulang mo na may boypren ka na? Yung gusto mo siyang makasama pero natatakot ka na baka malaman ng magulang mo at bak...