3rd XD

41 1 0
                                    

ERICA's POV

Ako si Erica Jane Gaviola ang Bestii ni Bebe Danie. Hindi gaya nya, ok lang sa aking mga parents ang magBf ako. Sabi ng Nanay ko kung lalo daw nila akong pagbabawalan, mas lalo daw akong maglilihim. Ayaw nilang Mabariwara ang buhay ko. Kung may nanliligaw daw sakin, papuntahin ko raw sa bahay at dito manligaw. Atleast raw makilala nila.

Eh wala namang nanliligaw sa kin. Walang may gustong manligaw dahil ang taba taba ko. Sinong maysabi? eh 'di yung si Marco na yun. Noon pa lang crush ko na siya. 3 years ko na siyang crush. Nagdodownload ako ng mga pictures niya sa fb. Yung kantang sinulat niya para kay may na pinarecord niya sakin nandito rin sa laptop ko. Saksi ang laptop ko sa pag-ibig ko kay Marco. haha. Ang drama lang noh?

'Di ko alam kung bakit parati niya 'kong niyayaya 'pag pupunta kami sa building nina Mae para masulyap niya. Hindi naman niya ito kinakausap. Tinanong ko siya minsan kung bakit hindi niya lapitan. "Makita ko lang siya sapat na." Ewan ko kung anong nakita niya kay Mae. Ang payat kaya noon, sabi nila sexy daw? Ewan. O baka sadyang bitter lang talaga ako pagdating kay Mae.

Lagi na lang niya akong inaasar na mataba ako, na pangit ko daw dahil mataba ako. Porke ba't chubby, pangit agad? 'Di ba pwedeng .. Aissh,. Masarap kasing kumain. Hindi naman talaga ako kataba. mga 50 klos lang. Matangkad naman ako kaya ok lang yun.

Naalala ko pa dati na bumisita siya dito sa bahay. Akala ko ako ang dinalaw niya. Kinikilig pa nga ako noon. Pero siyempre di ko pinahalata.yun. Kasi may fruits pa siyang dala. Tapos tinanong ko siya kung bakit siya andito tapos tinanong nya kung saan raw  ang bahay ni Mae. Mae nanaman! Tapos yung fruits ay sinusuhulan lang pala ako..  Pero nung marating namin ang bahay, biglang umayaw at niyaya akong pumunta sa park. Ang saya ko nung araw na iyon pero siyempre di ko sinabi.

Nagbukas ako ngayon ng tablet ko. Nagfefacebook nanaman ako. Nagstastalk sa profile ni Marco. Yung lang naman talaga ang gawain ko araw araw. Araw araw may status kasi siyang pinopost. Minsan mga random na bagay lang. Pero minsan tungkol dun sa kanyang 'iniibig' daw.

ayun at nagstaus siya "Minsan gusto ko na talagang sabihin sayo na gusto kita. Ilang taon narin akong nagpaparamdam. Pero 'di ko magawang aminin."

Nagcomment ako "Eh duwag ka pala. Malay mo gusto ka rin niya?"

Aray. Ang sakit nun. Bakit ko pa yun natype?

Nagcomment na rin yung iba pa niyang kaibigan.

"Woah.. Inlove ka tol? Supot ka pa! hahahaha"

"admit it before its too late"

"torpe mo! Drama!"

Umalis na ako sa timeline niya at pumunta sa sarili kong timeline. Nagpost rin ako.

"May Crush ako. Ikaw ang Clue!"

Nag play ako ng music

Mahal Kita Pero Di Mo Lang Alam

by Rocksteddy

Matagal ko nang gustong malaman mo

matagal ko nang itinatago-tago ‘to

nahihiyang magsalita at umuurong aking dila

pwede bang bukas na, ipagpaliban muna natin ‘to

Dahil kumukuha lang ng tyempo

upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero ‘di mo lang alam

mahal kita pero ‘di mo lang ramdam

mahal kita kahit ‘di mo na ako tinitignan

Legal Kami ng Boyfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon