Prologue

8 3 0
                                    

Verden's POV

"Should I bid my goodbye now?" Malungkot na tanong ko habang patuloy sa pagbagsak ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

"Verden, ingat ka dun huh? Wag mong pairalin ang pagiging tatanga tanga mo dun kasi hindi normal ang mga taong makakasama at makakasalamuha mo dun. Basta tandaan mo anak, ginagawa ko ito para sayo at para na din sa ikakakabuti mo pero mahal ka ng nanay" sabi naman sakin ni nanay habang pinupunasan nya ang mga luha sa pisngi ko kahit na naiyak na din naman sya.

"Nay naman ii... ok na sana kaso bakit kasama pa yung tatanga tanga part?" Kunwaring nagtatampong tanong ko pero ang totoo nyan, mamimiss ko tong si nanay.

"Haha... ikaw naman anak. Binibiro lang naman kita. O sya, kanina pa naghihintay yung sundo mo sa labas. Mahal kita anak , ingat ka" sabi ni nanay at tsaka nya ako ginayak patungo sa labas.

Isang mainit na yakap ang huling ibinigay ko kay nanay bago ako pumasok sa kalesang hatak hatak ng isang kabayong may pakpak.

"Handa ka na po ba Ms. Zardari?" Tanong nung lalaking nakasuot ng isang pormal na damit, suit yata ang tawag dun?

Tumingin muna ako sa kanya bago ngumiti at tumango kasabay ng pagsabi ko ng....

"Opo, handa na akong kaharapin ang mga pangyayaring hindi ko inaasahan" sabi ko at dun otomatikong umandar ang kalesa at ilang saglit lang...

Nasa himpapawid na Kami.

****


A/N: Bago pa Lang po ako pagdating sa ganto kaya po sana matulungan nyo akong mag improve using your comment or suggestions.



If ever po na may Mali sa story ko, wag kayong mahiya magsabi, Pero pls. lang say it in a nice way.

Yun lang, if you like this prologue pls. leave a vote:)


~Rilak_kuma

Top of the HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon