Verden's POV
Halos malaglag na yung panga ko sa sobrang paghanga.
Ako ngayon ay nakasakay pa din dito sa kalesang hatak nung kabayong may pak pak.
Nakatingin ako sa may baba habang lumilipad kami. Napakaganda talaga ng mundo na kinalakihan ko. Nakakalungkot lang isipin na kailangan ko ng iwan ito dahil masyadong delikado para sa akin.
Siguro nagtataka kayo dahil sa mga pinagsasabi ko ano? Ganito kasi iyan eh....
Flashback
"P-pero ang usapan natin, kukunin nyo sya pagdating ng kaniyang ika labing limang kaarawan"
"Tama ka, at bukas ang kaniyang ika labing limang kaarawan, bukas na magsisimula ang mga nakasaad sa propesiya. Hindi na siya maaring magtagal pa sa mundong ito Zardari. Mapapahamak lamang siya"
"At ano naman ang gusto mong palabasin?"
"Kukunin na namin siya ngayon din"
"Hindi! Hindi ako makapapayag! Bukas pa ang kaniyang kaarawan at hindi ngayon!"
"Ugh...."
Medyo naalipungatan ako ng may marinig akong sigaw mula sa labas ng kwarto ko.
Si nanay yata yun eh. Pero teka, bakit kaya sumigaw si nanay? Mukang may kausap yata sya.
Nakaka curious tuloy. Wala naman sigurong masama kung makinig ako kahit konti lang diba? Konti lang naman eh...
Nagkibit balikat ako bago tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama. Lumapit ako sa pinto at tsaka ko binuksan. Pero syempre, konti lang baka mahuli pa akong nakikinig sa usapan nila nanay.
0_0
Hala! Bakit may kausap na tutubi si nanay?! Pero teka?
Yung tutubi hugis tao! Tao na may pakpak! TUTUBING TAO!!!!!
Tinakpan ko kaagad yung bibig ko para maiwasan ko ang pagsigaw. Dahan dahan akong naglakad paatras habang nakatingin pa din sa kanila, pero wrong move yata ang ginawa ko kasi.....
*BOGSHHHH* may naapakan ako na kung anong bagay na naging dahilan para matumaba ako, at lumikha yon ng ingay.
"A-aray" mahinang daing ko habang hinihimas ko yung pwetan ko. Ang sakit nun, huhuhuhu....
Pero teka, parang may pares ng mata ang nakatingin sakin ah?
Inangat ko ang tingin ko at bumungad sa akin si nanay kasama yung TUTUBING TAO. Uh-oh... lagot ako nito.
"Ah....Eh...ih....oh....Uh? Hi?"
"Verdenia Amira Eloia Aviary Zardari!!!!!!!" Sigaw ni nanay sa buong pangalan ko. Pero nakatataka lang kasi muka syang hindi galit, sa katunayan pa nga muka syang nag aalala. Pero bakit?
*End of flashback*
And yun! Nalaman ko nalang na hindi ako tunay na anak ni nanay, na hindi ako ordinaryo katulad ng ibang tao dito, na kakaiba ako sa lahat, na special ako, na may kaya akong gawin bukod sa pagtulog, paghinga at pagkain. Hayyyy.... buhay parang life.... tch...
"Ms. Zardari, nandito na po tayo"
"Ahh.... ok po" sagot ko dun sa lalaking nakasuot
ng suit. Bumaba na ako mula sa kalesa at tsaka ko inilibot ang paningin ko sa lugar kung nasan ako ngayon. At ang reaksyon ko?NGA NGA!!!
Grahve..... ang laki naman ng palasyo na ito. Pero teka, akala ko sa isang iskwelahan kami pupunta?
Dala na din siguro ng pagka curious ko, mas minabuti ko ng magtanong.
"Akala ko po ba sa iskwelahan po tayo pupunta?"
Tango ang naging sagot ng lalaking naka suit.
"Eh bakit po tayo nasa harapan ng isang palasyo?"
"*chuckles* Hindi iyan isang palasyo Ms. Zardari, ayan ang iskwelahan kung saan ka mag aaral"
Nangunot yung noo ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko kasi ma process sa utak ko yun ei..
1%.......
2%........
3%.........
4%........
5%...........
100%!!!!!!!
"WHAT?!"
Eh?
***
I'm new to this so maybe you can help me using your comments and suggestions.
If you like this chapter, leave a vote or comment, that's all^_^
~Rilak_kuma
BINABASA MO ANG
Top of the Hill
FantasyOn the top of the Hill, there was an not so ordinary academy.