She's POV
Habang naglalakad ako papunta sa Classroom na pinapasukan ko, naririnig ko yung mga bulungan ng mga estudtyanteng nakatingin saken.
"Oh my gee girl! Who's that! Ang gwapo nya!!"
"I know right! Pero bakit parang ngayon ko lang siya nakita?"
"Maybe he's a transferee."
"Uy pare may bago. Mukhang maangas.!"
"Tsk! ang sarap bangasan!"
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa biglang tumahimik.
Andito na ko sa tapat ng classroom namin. Ang kwarto kung saan makakasama ko nanaman siya, sila!
*sigh*
"Kaya ko 'to." Bulong ko sa sarili ko.
Pinihit ko yung door knob at pumasok ako sa loob. Lahat sila napatingin saken. Bigla naman akong kinabahan.
"Class, nakalimutan kong sabihin sa inyo na may bago kayong kaklase. Please introduce your self Mr. Gonzales."
"Hi! I'm Six Gonzales, 17 years old from East Academy."
"Okay Mr. Gonzales you can seat now."
"Thank you Ma'am"
Naglakad na ko papunta sa likod. Doon na lang ako uupo. Pagka-upo ko napatingin ako sa kanya sa lalaking nanloko saken na kasama ang ahas kong ex-bestfriend. Nagulat ako ng makita kong nakatingin siya saken at nakakunot yung noo nya. Napayuko naman ako. Baka mamaya mamukaan pa ko ng hayup na manloloko na lalaking yun.! Tsk!
"Nga pala class. May isa pa kong announcement..... Wala na dito si Ms. Alexis Park. Nag-transfer na siya sa ibang school. Sayang, siya pa naman ang asset ng school natin. Maganda na matalino pa.!"
Nagbulungan yung mga classmates ko.
"Eh Ma'am, andito pa naman po ako ah!" Sabi ng ahas. Nginitian lang siya ni Ma'am.
Nagsimula ng magturo yung teacher namin pero parang wala akong ganang makinig.
Nakalimutan kong magpakilala sa inyo ng maayos. I'm Alexis Park ang dating Queen Bee ng school na 'to. Maganda, sexy, matalino, mabait, at friendly. Pero ngayon, LAHAT ng yun nagbago na dahil ngayon ako na si Six Gonzales. Isang taong kinamuhian ang dating siya dahil sa mga taong pinagkatiwalaan nya.
Flashback
Pagka bukas ko ng locker ko may nakita akong sulat. Napangiti naman ako ng makita ko kung kanino galing yun.
Babe,
Pagkatapos ng klase mo pumunta kang garden ha! I'll wait for you. I love you!
Lance
Pumunta nga ko sa garden ng school pagkatapos ng klase ko.
Habang naglalakad papuntang garden nagulat ako ng makasalubong ko ang bestfriend ko na si Hailee na may dalang red rose.
"Para sayo!" Ngumiti siya pero parang may lungkot sa mga mata nya.
"Para saan 'to?"
"Naghihintay siya sayo sa garden." Naglakad na siya paalis. Nagpatuloy naman akong maglakad papuntang garden. Nakasalubong ko naman si Jack, bestfriend siya ni Lance.
"Para sayo." Inabot nya saken yung rose na hawak nya. "Patay na patay talaga yung kaibigan ko na yun sayo."
"Ewan ko ba, sinungitan ko na nga at lahat lahat nung nanliligaw pa lang siya. Hindi naman ako nilubayan."
"Haha! Oh sige pumunta ka na doon. Mamaya pagselosan pa ko ng kumag na yon."
Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad. Dalawa na yung hawak kong roses. Tsk! Dami talagang pakulo ng Lance na yun. 3rd Monthsary kasi namin ngayon. Pagkatapos ng dalawang buwan na panliligaw sakin ni Lance, sinagot ko na siya.
Sikat din si Lance sa school namin. Varsity ng basketball team. Bukod don napaka gwapo nya, mabait at matalino.
"Para sayo." Masayang inabot sakin ni Carl yung hawak niyang rose. Napangiti naman ako. Isa rin siya sa kaibigan ni Lance. Napakamasayahin nya.
"Thanks. Last na ba 'to?"
"Haha! Hindi. Pero yung sunod sakin last na talaga yun. Sige na, puntahan mo na siya."
Nagpatuloy uli ako sa paglalakad. Habang papalapit ako ng papalapit sa gitna ng garden yung dadaanan ko, may mga nakakalat na petals ng rose.
Sa gitna naman may naka-ayos na table for two. Ang ganda ng pagkaka-ayos. Lumapit siya sakin ng nakangiti at inilahad nya yung braso nya. Humawak ako don.
"Do you like it? Nagpatulong ako kila Jack sa pag-aayos nito."
Humarap ako sa kanya at hinwakan ko yung dalawang kamay nya.
"Syempre naman! Pero hindi mo naman kailangang gawin 'to eh. Magkasama lang tayo at magtagal okay na ko dun." Niyakap nya ko and I hug him back.
"Syempre gagawin ko 'to. Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. At tsaka magsasama talaga tayo ng matagal. Ano man ang pagsubok na dumating, haharapin natin yun at hindi tayo susuko.Papatunayan natin sa lahat na merong forever. "
Kumalas na kami sa pagkakayakap. Tiningnan nya ko sa mata."Happy 3rd Monthsary babe. I love you. I love you. I love you!" Ngumiti ako.
"Tsk! Ang haba naman ng speech mo!" Sabi ko.Nag-pout siya. Natawa naman ako.. Pero sa totoo lang kinilig talaga ko sa mga sinabi nya.
"Panira ka naman ng moment Babe eh!" Hahaha! Ang cute nya tingnan!
Pinisil ko yung pisngi nya."Ooouuch! Mashaaakeet!"
"Ang cute mo kasi eh.. Para kang baby! Haha!" Binitawan ko na yung pisngi nya. Namula yun at hinimas himas nya.
"Syempre baby talaga ko! Baby mo ko eh! Haha!" Napangiti ako habang pinagmamasdan kong tumatawa siya.
"Oh bakit? May dumi ba ko sa mukha?" Kinapa-kapa nya yung mukha nya.
"Pffft. Haha! Wala! Gusto ko lang titigan ka!"
"Tsk! Baka matunaw ako nyan eh. Eh di wala ka ng gwapong boyfriend." Sabay kindat sakin
"Tsk! Kapal mo! Tara na nga gutom na ko!"
"Ahh.. Oo nga pala! Ako nagluto ng nakahain diyan!" Pagmamalaki nya sakin.
Umupo na kami.
"Baka mamaya may gayuma 'to ah!" Biro ko sa kanya.
"Hindi ko na kailangan yun! Nung una pa lang alam ko na din na may gusto ka sakin, pakipot ka lang eh! Hahahaha!"
"Ang kapal mo talaga!" Hinampas ko siya.
"Mahal mo naman! Bwahaha!"
"Tsk! Tsk! Whatever!"
"Dibaaaaa!~ hahaha! Love you too!"
---
Bitin ba? Sorry na! Hihi! Bawe ako sa next update! VOTE and COMMENT po kayo! :)
Ms. Author <3