Six
*Poke*
*Poke*
"Ano baaa!~ Alam ng natutulog yung tao eh!"
*Poke*
*Poke*
"Ano bang kailangan mo??!!" Inangat ko yung ulo ko para makita kung sino yung kalabit ng kalabit sakin.
"Carl! Anong kailangan mo? Alam mong natutulog ako eh! Tsk! Istor---"
Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang ma-realize ko kung ano yung sinabi ko. Ang gulo ko noh! Haha! Basta yun na yun!
"Huh!? Kilala mo ko? Paano? Diba bago ka lang dito?" Sunod-sunod na tanong nya. Nataranta naman ako.
"Ha!? Ah... Ehh.. A-ano kasi... Narinig ko lang kanina na sinabi yung pangalan mo kaya nalaman ko." Ngumiti ako ng pilit.
"Ahh ganun ba? Ahhm. Breaktime na. Gusto mo sumabay ka na sakin papunta sa cafeteria?"
"Hindi na. Hindi naman ako gutom."
"Okay. Sige pare punta na ko."
"Sige."
Naglakad na siya paalis. Haaay!! Napanaginipan ko nanaman yung mga pangyayaring yun. Sa dami ba naman ng pwedeng panaginipan yun pa! Psh! Talaga naman oh!
Nagulat ako ng biglang may humalik sa pisngi ko. Nakita ko si Hailee.
"Sorry, nabigla ba kita? Ganun lang talaga ko mag-welcome sa mga bagong students dito. Hope you don't mind." Ngumiti siya ng nakaka-akit. Psh! Nasusuka ako!
"Yeah. It's okay." Nginitian ko rin siya. Psh. Kukuskusin ko talaga ng mabuti mamaya yung pisngi ko. Bubuhusan ko ng alcohol at magpapa-facial ako.
"Here's my calling card." May inabot siya sakin. "Call me okay?" She winked at me then walk away.
Is she trying to seduce me!? Yuck! Pwe!! nilukot ko yung binigay nyang calling card at itinapon sa basurahan. Tsk! What a slut! May boyfriend na nga lumalandi pa.
----
"Good morning class!"
"Good morning Ma'am Tolentino!"
Kakatapos lang ng breaktime at eto lesson nanaman about Music!
"I will group you into 7 groups. Each group will have 4 members. Each group will have to create a presentation. You will sing a song. Each group will represent different countries."
"Here's your group.....
Blah! Blah! Blah!
Blah! Blah! Blah!
Blah! Blah! Blah!
United States:
Hailee
Jenicka
David
VincentBlah! Blah! Blah!
Blah! Blah! Blah!
And the last group will represent the country of south Korea:
Six
Carl
Lance
And JackThis is bullshit! Sa dami ba naman ng classmates ko sila pa ang mga ka-groupmates ko!? Shemay!! Ugh!!
"Aww, hon sayang hindi tayo magka-grupo." Rinig kong sabi ni Hailee kay Lance. Hindi naman siya pinansin ni Lance.
"Psh! Ang landi mo talaga!" Pabulong na sabi ko.
"Okay class, go to your respective groups and discuss about your presentation. You will present that next week on Valentine's Day at the field. All of the students will come to watch you so be prepared. Para na din itong contest. Kung sino man ang mananalo, syempre may prize. So goodluck!"
Ako na ang nag-adjust na pumunta sa pwesto nila Jack. Nakakahiya naman sa kanila eh noh!
"Nagsama-sama ang mga pogi!! Hahaha! Whoah pare, ka-group ka namin!" Si Carl yan. Kahit kailan talaga para siyang bata. Napaka-hyper!
"Tumigil ka nga diyan Carl! Isip bata! Kahit maliit na bagay ginagawa mong big deal!"
"Psh! Inggit ka lang! Bakla!!"
"Kaya pala sabi mo kanina na gwapo ako."
"Tsk! Binabawe ko na yun! Kami lang talagang tatlo ang gwapo!"
Haay! Lagi pa rin silang nag-aaway.
At habang nagtatalo pa rin sila napansin kong nakatitig sakin si Lance. Shemay! Baka namumukaan nya ko!"You're Six right?" Biglang tanong nya sakin. Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko nung marinig ko yung boses nya.
"Yes." Tipid na sagot ko.
"I'm Lance. Ahh.. By the way, Nagkita na ba tayo dati? You look so familiar."
Napatingin naman ako sa kanya.
"Huh!? Ahh.. Ehh. Sa tingin ko naman hindi pa. Ngayon lang kita nakita eh. Baka kamukha ko lang yun!" Pinagpapawisang sagot ko.
"Baka nga. So let's start then!" Tinanguan ko lang siya. "Hoy! Carl at Jack! Tama na nga yan! Lagi na lang kayo nag-aaway. Psh!" Sita sa kanila ni Lance. Hooo! Buti na lang nakalusot ako kanina.. Kinabahan ako dun ah.
Bago tumugil yung dalawa, nagtitigan muna sila. Ano 'to kung sinong unang kumurap talo? Hahaha! Maya-maya pa nagtarayan sila at naka cross arms pa sila. Aww, ang cute. Para silang babae kung magtarayan.
Dahil South Korea yung bansang ire-represent namin. Napag-kasinduan namin na kantahin yung song ng EXO na Don't Go.
"So guys, saan tayo pwedeng mag-practice? Hindi kasi pwede sa bahay eh. May mga bisita si Mom na magi-stay dun in 2 weeks." Sabi ni Lance.
"Sa inyo na lang Jack!" Suggest ni Carl.
"Ayoko ko nga!" Pagprotesta naman ni Jack.
"Grabe ka naman Jack! Wag mong sabihin may bisita din ang Mommy mo!"
"Wala! Sadyang ayaw ko lang! Mamaya magkalat ka pa sa bahay eh! Sa bahay nyo na lang!"
"Tsk! BAWAL!! May mga maids naman kayo ah!"
"Pake mo ba!? Eh sa ayaw ko eh!!"
Sasagot pa sana si Carl pero hindi ko na napigilang magsalita.
"Tama na nga yan. Sa bahay ko na lang. Ito ang address ko. Bukas na lang kayo pumunta, mga around 3pm."
Sabay na napa 'Yown' sina Jack at Carl. Nag apir pa. Minsan talaga nakakabaliw 'tong dalawang 'to.
"It's settled then. Kailangan na lang nating mag-practice ng maigi." - Lance
Napa-tingin ako sa kanya..... At nahuli nya ko.
"Ah a-ano balik na ko s-sa pwesto ko." Nauutal na sabi ko. Tsaka ako nagmadaling pumunta sa upuan ko.
Kinakabahan talaga ko pag tumitingin siya sakin..
Someone's POV
Unang tingin ko pa lang sa kanya, pamilyar na siya.
Habang iniisip ko kung saan ko siya unang nakita, biglang may nag-pop sa utak ko na isang pangyayari.
Napangisi ako ng marealize ko kung sino siya.
Kung sino at ano talaga si Six Gonzales.
---
Chapter2 end!! Isa lang ang masasabi ko. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. Hahaha!Ms. Author<3
Chanyeol' Wife