Kinabukasan pagkatapos ng klase, dumiretso agad ako sa condo unit ng kuya ko para makapag pahinga dahil mamaya pupunta dito sila Lance. Ngayon ang umpisa ng practice namin.
Nagbihis na ko at nahiga agad sa kama. Tiningnan ko sa relo ko kung anong oras na. It's 2:17 in the afternoon. Hay! I have only more than 40 mins to rest.
Actually meron naman talaga kong sariling condo unit but I can't use that! Makikilala ako nila Lance! Mas mabuti nang dito na lang ako sa condo ng kuya ko. Inalis ko lang yung ibang pictures dito na kasama ko si kuya dahil baka makilala ako ni Lance. But andito pa rin naman yung ibang pictures ni kuya.
Hindi naman kilala ni lance ang kuya ko. Oo, alam nyang may kuya ako but never pa nya itong nakita. Nasa kulungan kasi ang kuya ko. But I know, hindi siya masamang tao. Alam ko, napagbintangan lang siya. Hindi nya magagawa kahit kailan na pumatay ng tao. Lalo na kung yung taong yun ay yung babaeng pinakamamahal nya.
Pero kahit na walang kasalanan ang kuya ko nakulong pa rin siya. Bakit ganun? Bakit kung sino pa yung walang kasalanan at nagmamahal ng totoo yun pa yung mga nahihirapan at nasasaktan? Aish! Bakit kasi may mga bulag na tao na hindi makita yung katotohanan? Psh!
Habang naghahanap ako ng sagot sa tanong ko. Biglang may nagdorbell. Siguro sila na yan. Bumangon na ko para buksan yung pinto. At hindi nga ko nagkamali, sila nga!
"Hi Six!" Bati agad ni Carl. Napangiti naman ako.
"Come in! Upo muna kayo."
"Wow! Ang laki ng condo unit mo Six! Mag-isa mo lang nakatira dito?" Tanong ni Carl na namamangha.
"Yeah. It's huge, to think na mag-isa ka lang dito." Sabi naman ni Lance na inoobserbahan pa rin ang condo unit.
"Siguro nag-uuwi ka ng chika babe mo dito noh!? Sa susunod na mag-uuwi ka ng chix dito, tawagan mo naman ako! Mag share ka!" Si Jack naman yan. Kahit kailan talaga itong lalaking to!
Napailing na lang ako.
"Yes, I live here alone. But it's not my condo unit. Sa kuya ko to. And hindi ako naguuwi ng babae dito."
"Narinig mo yun Jack? Hindi siya nag-uuwi ng babae dito! Wag mong igaya si Six sayo! Matino siyang lalaki! Di tulad mo na puro kalibugan ang inaatupag! Hahaha!" Pang-aasar ni Carl kay Jack.
"Anong ibig mong sabihin!? Na malibog ako!?"
"Nagtanong ka pa! Oo! Malibog ka! Halata naman sa mukha mo! Ahahaha! Mukha ka kasing manyak! Wahaha!"
"Sumurobra ka na Carl ah!" Hinagisan ng unan ni Jack si Carl. Umiilag naman si Carl habang tawa pa rin ng tawa! "Kaysa naman sayong hinayupak na malaking tenga!"
"Kaysa naman sayo! The walking porn! Bwahaha!" Sa sobrang saya ni Carl, napaupo na siya sahig kakatawa at halos mapahampas na din siya sa sahig! The heck!? Napaka masiyahin talaga ng isang to! Napapatawa na rin tuloy ako! Hahaha!
Basta talaga pag nag asaran ng dalawang 'to laging si Jack ang talo. At ang umaawat naman sa kanila lagi ay si Lance. Hay parang mga bata talaga! Hahaha!
Babawi sana sa pang-aasar si Jack pero bigla ng nagsalita si Lance.
"Stop it! Jack and Carl! Hindi tayo pumunta dito para lang magtalo kayo!"
Napaupo naman ng maayos si Carl na nagpipigil ng tawa.
"Yang si Carl ang pagsabihan mo!" Si Jack sabay irap kay Carl.
"Yang si Carl ang pagsabihan mo! Nye nye nye~" Ginaya naman ni Carl yung sinabi ni Jack pero pina nipis nya yung boses nya at binelatan pa si jack. Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa.