Nagkataon... Nagkatagpo

38 1 1
                                    


"Grabe, wala na bang mas ta-trapik pa dito sa EDSA?"

Gigil na gigil na tinanong ni EJ ang sarili habang panay ang dungaw sa bintana ng bus kung saan siya nakasakay. Sa labas, animo mga langgam na nakapila sa kalsada ang sari-saring sasakyan habang usad pagong na binabaybay ang kahabaan ng EDSA. Matapos ang dalawang oras na pagkakaupo, narating din ni EJ ang universidad kung saan siya nag-aaral. Engineering student ang 18-taong gulang na ito. May katangkaran, malaki ang pangangatawan dahil isa siyang gym buff, at habulin ng mga kababaihan at ng mga nagbababae-babaehan dahil sa angkin nitong kgwapuhan. Palibhasa may lahing German dahil Furst ang apelyido niya.

Papasok na siya ng gate ng universidad ng biglang may bumato sa likod niya. Dagling lumingon si EJ at agad niyang nakita ang isang babaeng animo gulat na gulat habang nakatutop ang kanang kamay sa may bibig nito na para bang nanalo sa Miss Universe contest. Linapitan siyang bigla ni EJ at galit na tinanong ang babae.

"Miss, ba't mo naman ako binato? Ang sakit ng mansanas ha?"

Hindi malaman ng babae kung ano'ng sasabihin niya pero nakuha pa nitong magbiro.

"Napalakas ba?"

Lalong nabuwisit si EJ. Tiningnan nito sa mata ang babae. Maganda sana, sabi niya sa sarili. Brown eyes, may pagka-tisay at may katangkaran din. Pero parang mapang-asar. May naisip bigla si EJ.

"Sige, dahil inistorbo mo ako at late na ako sa first period ko, dapat pagbayaran mo ang ginawa mong pambabato sa akin."

Hindi makapalag ang babae pero sumagot ito.

"Bakit, anong balak mong gawin? Re-reypin mo ako? Sisigaw ako dito sa kalye, manyak ka!"

Napamulagat si EJ, sabay napaurong palayo.

"Uy, hindi no! Hindi ako rapist. Ano ba pangalan mo?

Yun, yun talaga ang intensyon niya. Yung pangalan, gusto niyang malaman. Nanghinayang kasi siyang palampasin ang pagkakataong makilala ang babae sa harap niya dahil sa totoo lang, maganda nga siya.

"Ha? Yun lang ba? Kala ko naman kung ano na. Apple. Apple Marie Hermosa. O yan, ha quits na tayo. At saka, sorry nga pala, di ko naman sinasadyang tamaan ka eh. Nadulas kasi ako kaya naihagis ko yung apple na kinakain ko. Sayang nga eh, ang mahal pa naman nun."

Natawa si EJ sa huling sinabi ni Apple pero pinigilan niya ang sarili. Ang cute niya lalo pag nakasimangot, sabi nito sa sarili habang sinusulyapan ng lihim ang mukha ni Apple.

"O sige di bale, halika, ibibili na lang kita ng bagong apple. Basta wag mo lang ulit isapol sa ulo ko ha?"

Nagkatawanan silang dalawa habang binagtas ang maliit na kalye papunta sa nagtitinda ng apple. Maya-maya pa, nakabalik na ulit sila sa may gate ng universidad.

"Sabi mo kanina taga-Cavite ka? Anong ginagawa mo dito sa Quezon City?" tanong ni EJ

"Magri-research ng mga tungkol sa business opportunities sa library ng universidad mo. Sabi kasi ng prof ko, marami daw kaming mababasa dito sa skul nyo tungkol sa business and marketing."

"Ano ba'ng kurso mo?"

"BS Business Management, major in Marketing" sabi ni Apple sabay tanong "Eh, ikaw?

"Electrical Engineering. Sa Pasay ako nakatira pero dito ko gusto mag-aral sa QC eh, para malayo sa bahay namin" sabay tawa nito.

Napatingin si EJ sa relo niya. Kaya pang pumasok kahit late na.

"So, pano, pasok na ako sa klase ko, major subject ko kasi ngayon eh. Ah, pwede ba makuha number mo? Anyway, friends na naman tayo di ba?"

"No problem," sabi ni Apple sabay pindot sa cellphone niya. "Salamat sa apple ha? At sorry ulit, sabay ngiti nito."

"Ok lang," sabi ni EJ.









Kaartehan BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon