Bistadong Pagpapanggap

21 1 0
                                    

Alas-onse na ng gabi pero pabiling-biling pa sa kama si Apple. Ipikit man niya ang mata niya, mukha ni EJ ang nakikita niya. Hindi siya mapakali. Parang kaiba siya sa mga nakilala niya. Parang may something siya, sabi niya sa sarili. Binuksan niya ulit ang laptop niya at pumasok siyang muli sa social media. Dinala siyang muli ng cursor niya sa account ni EJ. Feeling excited siya... gusto niyang makausap ang binatang ito na nagpapakiliti ng kanyang imahinasyon.

"Hi, EJ. Gising ka pa? Strawberry here... kwentuhan mo naman ako..." sabay send.

Sa mga sandaling iyon, hindi rin makatulog si EJ. Hindi pa kasi siya talagang inaantok. Iniisip niya kung anong oras siya magdi-jogging kinabukasan dahil parang tinatamad siya. Pero no pain no gain sabi nga niya. Bukas ang laptop niya kaya nagulat siya nang biglang nag-beep ito.

"May message ako sa ganitong oras?" pagtataka niya dahil lahat ng kaibigan niya sa social media ay mga ka-gym niya na disiplinado at maagang natutulog. Yung iba naman ay hindi basta-bastang nagsi-send ng message. Bukod doon, alam nang lahat ng kaibigan niya na ayaw niyang magpaistorbo sa gabi. Ipinagpapalagay niya kasi ang sarili niya na very private person kaya kakaunti lang ang kaibigan niya sa social media.

Nabasa niya ang message. Si Strawberry... pero teka... bakit Apple Hermosa ang account? Takang-taka siya. Sinagot niya ang message.

"Strawberry? Ah, oo gising pa ako, pero account mo ba to? Bakit Apple Hermosa ang nakalagay sa account mo?"

Tuwang-tuwa si Apple na nag-send si EJ. Binasa niya agad ang message. Bigla, para siyang binuhusan ng tubig na may yelo ng mabasa niya ang message.

"Oooopppsss! Ano ba yan! Nagkamali ako ng account! Anong gagawin ko?"

Hindi malaman ni Apple kung ano ang isasagot niya. Binatukan niya tuloy ang sarili niya sa katangahan niya.

"Kakahiya... ano na lang sasabihin niya... baka isipin niya ang landi ko" sabay takip ng unan sa mukha.

Maya-maya ay nag-ring ang telepono niya.

"Hello?"

"Hello, si Apple ba ito?"

"Oo, sino to?"

"Si EJ, remember binigay mo ang number mo sa akin?"

Lalong nanlamig ang buong katawan ni Apple. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya pero kasubuan na, sabi niya sa sarili.

"Hi EJ, napatawag ka?"

"Napatawag? Oo naman, usap tayo, Apple ba o Strawberry? Sino ka ba talaga? Baka naman Orange ang pangalan mong totoo?"

Hindi makasagot si Apple...

"EJ, sorry ha... galit ka ba?"

"Galit? Hindi naman. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan mong mag-iba ng identity. What for?"

Matagal ulit na hindi sumagot si Apple. Ano nga ba ang sasabihin niya? Sasabihin niya ba na umaadbentyur siya sa social media? Eh bakit nga ba siya nag-iiba ng identity? Wala siyang mai-rason.

"Hello, Apple, Strawberry? Andyan ka pa ba?"

"Ah, oo, andito pa ako. Pasensya ka na ha? Siguro mas maganda kung magkita tayo, para ma-redeem ko naman ang sarili ko sa 'yo. Okay lang?"

"Sige, kailan ba?"

"Bukas, three ng hapon, okay lang?

"Ok, sa mall na lang tayo sa Pasay?"

"Sige EJ, salamat. See you ha."

Matapos ibaba ni Apple ang linya ng telepono,natawa si EJ sa sarili. Weird ang babaeng ito pero parang nagkakainteres siya rito. Bakit kaya dala-dalawa ang identity niya? Malalaman niya rin, sabi niya sa sarili.







Kaartehan BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon