Sa kanyang kuwarto sa gabi, pampaalis pagod ni Apple ang mag-browse sa mga kaibigan sa social media. May account din siya dito at walang kapaguran sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Pero, lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaibigan, may isa pa siyang account kung saan, iba ang profile pic niya at iba rin ang pangalan niya. Dito sa kanyang false account niya sinusubukang makipagkilala sa iba't-ibang uri ng mga kaibigan. At kung sa totoong account niya siya ay siya, sa false account niya, level up ang pakikipagtalamitam niya sa mga virtual friends niya. At sa gabing ito, bilang si Strawberry Perez, maghahanap siya ng bagong kakilala. Naisip niya si EJ, ang bago niyang kakilala. Napangiti siya. Guwapo siya, matangkad, artista material. Siguro, ang daming nagkakandarapa sa kanya, sabi niya sa sarili. At bigla, naisip niyang hanapin ang pangalan nito.
"EJ Furst..." wala siyang makitang ganong pangalan, pero Furst meron. Biglang nadako ang paningin niya sa pangalang Edmund Josef Furst. Tinutok niya ang cursor sa pangalang ito at binuksan. Bigla, tumambad sa kanya ang larawan ni EJ. Para siyang nanalo sa jackpot na napasigaw ng "Yes!" Dagli niyang tiningnan ang profile ng binata. 100 friends lang? Choosy kaya siya? Ang mga pictures niya karamihan puro sarili niya – puro selfie na nasa gym siya, at yung iba, siguro kapatid niya yung batang babae. Tisay kasi at kamukha niya, parang mga 10 years old lang. May pictures din ng magulang niya siguro yun. Bukod dun, wala nang iba pa... wala man lang pictures ng kaklase niya, o kaya girlfriend... may girlfriend na kaya siya? Biglang naramdaman niya sa isang sulok ng kanyang puso na parang may nagsabing "Sana, wala siyang girlfriend." Tiningnan niya ang mga photos ng profile ni EJ pero wala na siyang masyadong nakita. Mukhang naka-private ang photos nito.
Matagal niyang tinitigan ang profile pic ni EJ at inisip ng mabuti kung ano'ng gagawin niya. Maya-maya pa, binuksan niya ang Message box nito at nag-iwan ng message:
"Hi Strawberry here, can we be friends?"
Alanganin pa siyang pindutin ang Send pero pikit-mata niya ring ginawa sabay sabi:
"Bahala na, kung sumagot, winner, kung hindi, eh di siomai..."
Sa mga sandaling iyon, sa parehong oras din, kasalukuyang naka-open ang account ni EJ. Nag-a-upload siya ng mga bagong pictures niya nang makita niyang may message sa kanya. Agad niya itong nakita at binuksan ang Message box niya.
"Hi Strawberry here, can we be friends?"
Napakunot-noo siya. Natawa rin. Pakiramdam niya cheap ang nag-send ng message.
"Sino kaya tong uma-adventure na to?" sabay sinarado ang message box.
Kahit minsan, di niya pinatulan ang mga ganitong message. Dahil ang tingin niya sa sarili niya ay isang pribadong tao, hindi niya ginawang laruan ang makipagkilala sa di-kakilala sa social media. Yun nga lang, sa gabing ito, para bang may nagtutulak sa kanyang makipaglokohan sa babaeng ito.
Tiningnan niyang muli ang message at binuksan ang account ni Strawberry Perez. Maganda siya, sabi niya sa isip. Mukhang artista. Maraming kaibigan, may lalaki, may babae. Nasa 2,067 na ang kaibigan niya. Palakaibigan siguro siya. Ano na kaya kung... natawa siya at sinagot ang message ni Strawberry.
"Hi, thanks for the message. You must be needing a friend right now?"
Pinindot niya ang Send at naghintay ng sagot. One minute... wala... 5 minutes... wala... tumalikod na siya sa laptop niya at akmang tatayo ng biglang nag-beep ang laptop... may message!
"Yes I do. Are you game?" sabi ng nasa message
Napatawa siya ng malakas. Bumalik siya sa kinaroroonan ng laptop niya, umupo, at nagsulat ng message.
"Yes, why not? Ilang taon ka na ba? Baka minor ka ha?"
"Minor ba ang 17?"
"Medyo lang, haha. Nakakagutom ang pangalan mo."
"Talaga, mahilig ka ba sa strawberry?"
"Di masyado, lalo na pag masim. Ikaw, maasim ka ba?"
"Haaa? Grabe ka, hindi no, naliligo ako palagi lol"
"Haha, no offense meant... joke lang. So, bakit mo naman naisip na makipagkaibigan sa akin? Malay mo rapist ako..."
"May rapist ba na ini-expose ang picture sa social media? Mukhang di naman... mabait ka ba?
"Oo mabait ako, at pogi... ikaw? Mabait ka ba?
"Oo naman... at maganda pa?
"haha.."
"haha.."
"Ano ba pwede ko itawag sa yo? Ako nga pala EJ na lang tawag mo sa akin. Ikaw?"
Napatawa sandali si Apple at sa isip niya sabi niya "Alam ko..."
"Ah, Strawberry na lang... wala akong nickname eh"
Magta-type pa sana si EJ pero biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at pumasok ang kapatid niyang babae. Si Bea.
"Kuya EJ, tawag ka na ni Mommy, kakain na daw tayo."
Sagrado ang dinner time sa bahay ni EJ kaya dagli siyang nagpaalam sa kausap.
"Sige Strawberry, dinner muna kami ha... talk to you later..."
Napasimangot si Apple... "Sayang" bulong nito.
"Ok sige EJ, nice meeting you here... til next time!"
BINABASA MO ANG
Kaartehan Blues
Short StoryAng maikling kwentong ito ay tungkol sa dalawang tipikal na kabataan sa kasalukuyang panahon. Si EJ ay 2nd year college sa isang prestihiyosong universidad sa Kalakhang Maynila samantalang si Apple naman ay college freshman sa isang pang-estadong un...