"Someday someone's gonna love me, the way I wanted you to love me.
Someday someone's gonna take your place."
~
[TINA's P.O.V.]
-
Ugh! Haggard. Akala ko talaga may mabibili ako sa mall. Paikot ikot ako wala namang nabibili.
5 hours din akong nagiisip kung anong gagawin ko sa mall. Ang boring mag self date. UGH!
*Riiing* *Riiing*
(Jasper Alec Calling...)"Sup?"
"Hi. I j-just w-wanna ask.." Nauutal utal. Hala. Kinakabahan. Hahaha.
"Alec? Hahaha. May kasalanan ka ba? Bakit parang kinakabahan ka?" Natatawa kong sabi.
"Sira. Gusto ko lang sana bumawe sayo, tutal hindi naman ako nakasama nung nag star city kayo." Mabilis nyang sabi.
"Ge. Pano?" Tamad kong sabi.
"Date?" Mahina nyang sabi. Hahaha.
"Ano?" Nagpipigil ako ng tawa at umaarteng mataray. Hahaha.
"Date tayo! Hahaha" tumawa narin ako nung tumawa sya. Jasper Alec makikipag date? Hahahaha.
"Alam mo minsan sakto ka talaga e. Ano Tara? Hahaha."
"Payag ka na?"
"Of course. A first date with jasper alec flores won't be so bad naman." Napangiti ako. Yeah. First date with him.
"YES! hahaha. Sunduin kita ha."
"Hahaha. Ok. Bye!"
Pagkaligo ko. Nagsuot lang ako ng printed white shirt, maong at roshe run.
*Diiiiing doooong"
"Comiiing!" Pagmamadali ko.
Pagbukas ko ng pinto, Hindi si alec ang sumalubong sakin. Driver nila.
"Manong Ben!" Nginitian ko sya. Sobrang bait kasi neto ni manong ben.
"Good evening po ma'am. Pinabibigay po ni sir." Inabot sakin ni manong yung malaking pink na box. "Pinapasundo narin po kayo ni sir." Nakangiti netong sabi.
"Nye. Bakit po? Asan po ba si alec?"
"May inaayos lang po." Kumindat si manong at ngumiti ng nakakaloko.
"Hahaha. That guy."
May nakalagay na note sa box. ("use this for our first date :)")
Pinapasok ko muna si manong sa loob at umakyat ako para buksan yung box sa kwarto.
Isang black dress, doll shoes and necklace na may maliliit na diamonds. Nahiya tuloy yung suot ko. And hindi ko rin in expect na gagawan ako ng ganto ni alec.
Sinuot ko agad ito at bumaba. Di nako masyadong nag ayos ng muka. Nagpulbo lang ako, mascara at lipstick.
"Wow ma'am. Ang ganda niyo po."
"Grabe ka mambola manong ben! Hahaha"
Sumakay na ako sa auto. "Manong san po ba tayo?"
"Kalma lang ma'am. Malapit lang toh." Ngumiti si manong.
--
Nakarating na kami. I checked my phone. 7:47pm. I really love night dates.
Pinagbuksan ako ng pinto ni mang ben. "Salamat po."
"Di ba bahay ni alec to?" Ang ganda. Never pa akong nakapasok dito. Mayaman naman talaga kasi tong si alec.
"Good evening ma'am. This way." Maid ata. I just followed her. And voila! Isang romantic date at their garden.
"Ang.." Magsasalita sana ako ng may biglang humawak sa kamay ko.
"Tina Emily Lao"
"A-alec?"
"You look beautiful tonight."
"Baliw ka." Hinampas ko sya sa dibdib.
*music plays*
Four letter word.
But I don't have the guts to say it.
Smile til it hurts.
But let's not make it complicated.Hinila nya ako sa gitna at sinayaw.
"Baliw sayo."
We've got a story.
But I'm about to change the ending.
Youre perfect for me.Tinignan nya ako sa mga mata ko. Nandun yung tingin nyang kakaiba.
"Tina.." Inalalayan nya ang ulo ko ilang ihiga sa dibdib nya. "Gusto kita.. Mali. Mahal na kita."
I'll be your shelter.
I'll be your storm.
I'll make you shiver.
I'll keep you warm.
Whatever weather.
Baby I'm yours.Dug dug. Dug dug.
Nagulat ako. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Alam kong mahal mo pa si sheen pero tina. Mas mamahalin kita."
Dug dug. Dug dug.
"Alec.." Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Tina. Just give me a chance." Mas humigpit ang yakap nya.
Be your forever,
Be your fray.
Baby I will be your everything."Tina Emily Lao. Please be my girl."
Dug dug. Dug dug.
.
To be continued...
-
-
-
(*NOTE*)
Hello po! Thank you! Thank you thank you for reading this. Salamat po sa pagtyatyagang basahin tong boring kong kwento. T^T ang galing. Natapos niyo hanggang chptr 5. Haha.
Sorry kung maikli yung kwento kada chapter. Haha. Peace. V(^e^)V
Di ko po talaga alam kung itutuloy ko. Hehe. Please feel free to comment down your opinions. Thanks po! Love lots <3
-ainabananabels :*