It was a cold and windy night in December. Brightly colored lights glistened in her eyes as she happily walked across the busy streets, filled with colorful lights and lanterns.
Everything looks spectacular and everybody seems to feel the happy vibe.
Marahil siguro ay dahil sa nalalapit na Pasko.
Pero iba ang araw na ito.
Lalong-lalo na para sa isang babaeng ito na ngayo'y nakatayo sa harapan ng isang sikat na restaurant.
Sino nga ba'ng hindi matutuwa? Lalo na kung birthday mo.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ang sarili mula sa salamin ng bintana. Maingat niyang inayos ang mahaba niyang itim na buhok at pati na rin ang puting bestidang kanyang suot. Mukha pa siyang nag-aaral sa high school pero hindi lang mga kaedad niya ang napapatingin sa kanyang taglay na ganda.
"Good evening. Ma'am!"
Mabilis siyang napatingin sa receptionist saka lumapit dito. "Table reserved for General Herrera?"
"Ms. Zea Herrera?"
Kaagad siyang tumango-tango.
"This way please." The receptionist escorted her towards the VIP room and quickly pulled out a seat for her. "Maam, in case you need anything, I'm just right outside."
"Alright, thanks!" Nginitian niya ito saka naupo. Tahimik niyang pinagmasdan ang buong silid. Mula sa mamahaling mga muwebles, makislap na chandelier hanggang sa naglalakihan na mga paintings. Ngunit bukod doon ay wala na siyang ibang mabalingan ng tingin maliban sa malaking LED TV na kasalukuyang nagpapalabas ng local news.
Pero hindi pa man niya gaanong naiintindihan ang pinapanood niya ay isang lalaki ang biglang pumasok sa loob ng silid.
"Ma'am Happy Birthday!"
Napangiti siya kaagad. Lalo na nang makita ang dala nitong pulang kahon na may puting ribbon sa ibabaw.
"Ipinabibigay po sa inyo ni General Herrera."
"Really? From my Dad?" ngiting-ngiti niyang tanong.
Iniabot nito sa kanya ang kahon at tinulungan pa na buksan.
"Oh my... paborito ko 'to!" Nagpapadyak siya sa tuwa nang makita ang red velvet cake na laman nito.
BREAKING NEWS:
Natagpuang patay ang sampung kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Elite task force unit na pinamumunuan ni General Herrera sa isang bakanteng warehouse sa Quezon.
Biglang tumigil ang tibok ng puso niya no'ng marinig ang binanggit na pangalan. Dahan-dahan siyang napalingon at pinakinggang mabuti ang balita.
Samantalang ang katawan naman ni General Herrera ay natagpuan sa loob ng isang opisina malapit sa warehouse. Wala na itong buhay at wala na rin ang ulo nito.
Everything became a blur. The words repeatedly echoed inside her head, but her mind refused to believe what she just heard. Her hands began to shake until she lost her grip on the box. The whole thing fell down and the cake splattered right onto the floor.
Mabilis niyang tiningnan ang lalaking kausap na ngayon ay nginingitian na siya nang masama.
BINABASA MO ANG
Undercover Girl
ActionExtreme beauty, intelligence and unique set of skills. I was only seventeen back then and everything was perfect. But not until they killed my father and took away the man that I love. Driven, I set out overseas to train to be the best special agent...