UG 6 - 1ST DAY HIGH

3.6K 189 72
                                    

White socks, check!

Black school shoes, check!

Blue checkered Uniform, check!

Red strappy school bag, check!

and a cutie silver headband.--- check na check!

All geared up, Zea went to school. Naglalakad pa lang siya sa sidewalk ng school ay ramdam na niya ang lahat ng matang nakatingin sa kanya.

"Bago siguro yan..."

"Oo, ngayon ko lang siya nakita."

"Grabe, nakita mo yung kutis niya. Kainggit."

She bit her lips. Halos napangiti si Zea sa mga naririnig niyang bulung-bulungan ng mga estudyante. Maraming nakasunod sa likod niya kaya marahan siyang naglakad patungo sa high school building.


"Miss... anong year mo?" may naglakas ng loob na kumausap sa kanya.

"4th year..."  mabilis niyang sagot at lumakad lang ng direcho.

"Kina-usap niya ako!" sigaw ng lalaki na kilig na kilig.


Patuloy na sana siya nang biglang may humarang sa kanya sa gitna ng paglalakad niya. 

"Hi Miss..."

Zea's eyes slowly went up. Ngunit mabilis siyang nang makita ang lalaki. --- walang iba kundi si Ethan. Lahat tuloy ng sumusunod sa kanya ay mabilis na nagpulasan.

"Alam mo, kahit kelan panira ka ng awra eh."

Ethan chuckled.

"Enjoy na enjoy ka naman sa 2nd high school life mo."

"Oh eh, bakit ka naman nandito? Dun ang college building ah?"

Ethan flashed his naughtiest smile.

"Wala naman... gusto lang kitang makitang naka-high school uniform." Sabay tingin sa dibdib ni Zea.

"Ah talaga? Yung uniform ang gusto mong makita? Kung makatingin ka kasi parang yung nasa loob ng uniform ko ang gusto mong makita."

"Well, puwede rin naman kung papayag ka."

Mabilis na dinibdiban ni Zea si Ethan. "Umalis ka na nga... leche ka!"

"Sige, sige, mauna na ako sayo--- Miss highschool transferee." natatawang-wika nito sabay kindat. Pero  inismiran lang siya nito sabay talikod.

Ethan just smiled as she walks away.

"Sus, If I know. Gustong-gusto rin naman niya akong tikman." bulong niya sa sarili. Pero laking gulat niya nang biglang humarap sa kanya si Zea na puyos na puyos sa galit.

"Narinig kitang manyakero ka!" sabay turo ni Zea sa hikaw niyang listening device.

Natawa lang sa kanya si Ethan, sabay binelatan 'to na parang bata.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Undercover GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon