Ellaine's POV
Mahimbing pa ang pagkakatulog ko nang bigla akong makaramdam ng mga munting pagtalon sa kama. Iminulat ko naman ang aking mga mata ng maaninag ko ang sikat ng araw, dahil marahil sa binuksang bintana.
Nakita ko si Tommy na nakaayos ang kasuotan at halatang bagong ligo. Napaupo naman agad ako at tinignan ang orasan na nasa lamesa.
"Sweetheart, eight in the morning pa lang, bakit bihis na bihis ka na?" tanong ko sa anak ko. Tumakbo naman siya pabalik sa kama at niyakap ako.
"Tonight's Christmas Eve! And Lola said that we're going somewhere." Sabi niya at bumitaw sa pagkakayakap sa'kin.
"Where to raw?" sabi ko at tumayo na.
Nagkibit-balikat lamang siya at itinulak ako papasok ng banyo. "I don't know, Mom! But go! Just take a bath already! Lola said we're leaving in fifteen so hurry up!"
"Alright! Alright! Calm down, okay? Mommy will take a bath na. Go downstairs and eat your breakfast na." utos ko at agad namang sumunod ang bata. Napailing na lamang ako at tuluyang pumasok ng banyo para maligo.
Bakit kaya narito sila Mama? Kadalasan namang sa bahay nila kami ni Tommy nagdiriwang ng Pasko. Simula pa lamang nang ipinanganak ko si Tommy ay nagsarili na ko ng bahay dahil tutal ay may pera naman na akong naipon noon pa lang. Umuuwi na lang kami sa bahay nila Mama at Papa tuwing may okasyong gaya ng Pasko, ngunit dito naman sila nagce-celebrate ng Bagong Taon sa bahay kasama si Alex at ang pamilya nito.
"Alex." Banggit ko sa pangalan niya. Naisip kong bigla ang lalaking iyon. Halos limang araw na kaming hindi nag-uusap mula nang magkasagutan kami sa ospital. Alam ko namang hindi niya sinasadyang masaktan ako pero sobra lamang talaga ang naging galit ko sa kanya ng banggitin niya ang mga bagay na iyon. Hindi ko kasi inaasahan na masasabi niya ang mga iyon dahil na rin sa tagal na ng pinagsamahan namin.
"Pero mukhang lahat ng tao may limitasyon." Sabi kong muli. Hindi ko rin naman siya masisisi. Kaya naman din ako lalong nagalit sa kanya dahil tama siya. Nagpakatanga na naman ako at hindi nakinig sa kanya. Sa kanya na ang lagi lang namang ninais ay ang makakabuti sa'kin at sa anak ko. Nasaktan lang ako dahil alam kong totoo ang mga sinasabi niyang iyon.
Pero kanino nga ba talaga ako nagagalit? Sa kanya na nagsasabi ng totoo, o sa sarili ko na itinatanggi ang mga naging katangahan ko?
Nagbanlaw na ako't nagpunas ng katawan. Lumabas na ako ng banyo at mabilis na nagbihis ng marinig si Mama na tinatawag na 'ko.
"Sandali lang ho! Pababa na!" sigaw ko habang inaayos pa ang t-shirt ko.
Nang makarating ako sa kusina, nakita ko si Mama at Papa na inaayos na ang duffel bag ni Tommy habang siya naman ay nanonood lamang.
"Tommy? Why aren't you helping Lolo and Lola?" suway ko sa bata at tumingin naman sa'kin ito nang may sheepish na ngiti.
"Ano ka ba Ellaine, hayaan mo nga 'yang si Tommy. Kaya na namin ito, hindi naman mabigat." Sabat ni Mama sa'kin na nagpahagikgik sa anak ko.
"Ma naman, ini-spoil niyo naman 'yang batang 'yan eh." Sabi ko at tumawa lamang si Papa. Pinatay naman na ni Tommy ang telebisyon at kinuha na ang bag niya kung nasaan ang necessities niya.
"Of course! Ako ata ang lola nyan! Syempre spoiled sa'kin 'yan, 'di ba, anak?" sabi ni Mama kay Tommy at masaya namang tumango-tango ang bata.
"Tama na 'yan. Umalis na tayo para maaga tayong makarating." Sabi ni Papa at dumiretso na kaming lahat sa Rover.