Kabanata 1

12 1 0
                                    

Mga gusaling nagtatayugan, buhol-buhol na trapiko at mausok na lugar, yan ang aking nakikita. Busy street. Kung sa ibang pagkakataon sana ay na-excite ako dahil papunta ako ngayon sa syudad. Ngunit hindi, iba ito. Sa ganitong panahon ay nasa isang mala-paraisong lugar dapat ako. Nagpapahinga, nagsasaya at nagliliwaliw. Ni-hindi ko naisip na ang pinapangarap kong bakasyon ay mauuwi sa 'sang katutak na gawain lamang.

Lahat ng dapat kong gawin ay tinapos ko ng maaga para lang makapagprepara para sa aking bakasyon ngunit nauwi lang ang lahat sa wala. Ni hindi ko man lang maramdaman na summer ngayon.

Sa halip na nagtatampisaw na ako sa malamig na tubig o kaya naman ay gumagawa ng kastilyong gawa sa puting buhangin ay hindi, andito ako ngayon, tinatahak ang daan papunta sa music school kung saan ako ni-enroll ng magulang ko. Ganun naman lagi, imbes na sama-sama kaming magbakasyon at magpahinga, mas pinili pa nilang magtrabaho. Being only child, para hindi ko maramdaman na binabalewala nila ako ay ipinapatapon nila ako sa malayo tuwing bakasyon.

Ilang taon ko na bang hinihiling na magbakasyon kami kahit saglit lang?

1?

3?

5?

Simula ata nung umuwi kami dito sa Cebu ay hindi na namin nagawa pang makapag-bonding.

Noong 2012, hiniling ko sa kanilang magbakasyon kami sa Palawan gusto ko kasing makapagpahinga sila dahil kitang-kita ko naman na pagod sila. Pero hindi, may importante daw silang appointment na dapat siputin at masyado pa akong bata noon para bumyahe mag-isa kahit 17 years old na ako noon. Okay, under age pa.

Noong 2013 naman, inimbitahan kami ng mga Lola na pumunta sa Batangas para daw sa isang Reunion. Sobrang excited ako noon dahil ilang taon ko na silang hindi nakakasama pero dalawang araw bago kami pumunta sa Batangas ay lumipad patungong Singapore ang mga magulang ko dahil sa isang business trip.

Nagkasakit naman si Mama noong 2014 kaya naman sa ospital kami nag-summer.

Naging busy naman ako sa OJT ko last summer kaya hindi narin ako nakapagbakasyon.

This year, may bagong pakulo naman ang mga magulang ko, ni-enroll nila ako sa isang music school. Napaka-bright talaga nila! Alam kasi nila na gustong-gusto kong matuto na mag-piano. Noon pa man ay hinihiling ko sa kanila na ipasok nila ako sa music school. Pero hindi naman ngayong summer! Dalawang plano na tuloy ang nasira ng dahil dito. Una ay ang masayang summer vacation sana at pangalwa naman ang piano lesson. Paano naman kaya ako makakapag-focus sa pagaaral ng instrumento kung naiisip ko kung paano sana kung nakapagbakasyon ako? Nakakainggit ang ilan sa kaibigan kong nag out of the country pa ata.

Ang gusto ko lang ngayon ay magbakasyon! Nothing more, nothing less! Hindi ito ang nai-magine ko na bakasyong grande. Pero ano pa nga ba'ng magagawa ko? Nalaman ko na nga lang na mag-mu-music school ako the day before the class.

"Nga pala Alex, handa ka na ba para bukas?"

Napakunot ang noo ko dahil sa tanong ni Mommy.

"San po, My?"

"Sa music school! Bukas na ang start nun ah?"

Seryoso? Bukas? Summer na ah?

"Bukas po? Hindi naman po ako nag-enroll ah?"

Pilit ko talagang inaala kung nagenroll ba ako o nagsubscribe online, pero wala talaga.

"Oh that? We forgot to tell you na ni-enroll ka na namin ng Daddy mo."

"Ah- eh-"

Just One SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon