Dala ko hanggang pag-uwi yung kabwisitan ko sa walang hiya naming instructor. Tama ba namang sabihin sakin yun? Adik pala sya eh! Napaka! Akala mo kung sino! Eh ano kung nagasgasan ko yung kotse nya? Babayaran ko na nga eh tapos ganun pa. Anong tingin nya sakin? Walang pang-bayad at papayag dun sa sinabi nya? Manginig sya!
Sa lahat ng lalaking nakilala ko sya na yata ang pinaka-jerk! Sa loob lang ng isang araw nagawa nyang ubusin ang pasensya ko.
Una sa lahat ipinahiya nya ako, umepal, he also give us name, mukha daw akong under age, tapos yung ano pa... yung ano... yung date na sinabi nya. I-date ko daw sya? Walanghiya ano? Bwisit!
Jusko! I better call my mother and tell her na ayaw ko nang pumasok dun sa music school na iyon.
When I'm about to get my phone a realization striked me.
Bakit nga naman ako magpapaapekto dun sa sinabi ng ugok kong instructor? Baka tini-trip lang talaga ako nun eh. I think sinasadya nyang inisin ako simula pa lang dun sa orientation. I don't know if it's true but one thing is for sure, I will never give him that kind of satisfaction. Kung sinasadya nyang inisin ako, well then. Mag-inisan kami. Ako pa ba? Si Alexandra Clarizze Estrada? Ako pa ba ang titiklop sa asaran?
Pero bakit naman kaya nya ako tini-trip? Eh ni-hindi naman kami magkakilala at isa pa, wala naman akong atraso sa kanya ah? Pero dahil unumpisahan nya, wala nang makapipigil sakin! Gaganti ako!
Kinabukasan ay gumising ako ng mas maaga sa karaniwang gising ko. Sisiguraduhin kong hindi ako male-late ngayon.
Naghanda agad ako para sa pagpasok.
I wear my newest ripped jeans partnered with a red spaghetti-strapped top and finished it with a white long-sleeves.
Sinuot ko rin ang black leather boots ko na hanggang kalahati lang ng legs ko ang taas.
I better look good. Unang-una sa listahan ko ng Must Do kapag mang-aasar ako ay 'Always look good'. Yung tipong makita ka palang ng kaaway mo na napakaganda mo ay maiintimidate na sya agad sayo. Yung tipong looks palang nakakamatay na. Pero syempre dapat nakakamamatay rin yung mga salitang gagamitin ko.
Don't try Alexandra Clarizze because she really know how to play this game properly.
At para mas effective ang look ko ngayon, ginamit ko nalang ang motor ko tutal may gasgas ang baby ko. Ipapagawa ko muna 'yon bago ko gamitin ulit.
I arrive at the music school at exactly 7:00 am. An hour early pero okay lang.
Sinigurado ko na this time, maayos ang pagkakapark ng motor ko. Mahirap maubusan na ako ng sasakyang magagamit.
Matapos kong i-park ang motor ay agad akong pumasok sa loob ng building, good thing at bukas na ito. Maaga rin pala itong binubuksan? Naabutan ko ang babaeng nakausap ko kahapon, nakaupo sya malapit sa entrance kaya naman nilapitan ko sya.
"Hey!"
Bati ko.
"Ma'am, kayo po pala! Ang aga po natin ngayon ah?"
Bahagya akong natawa dahil sa remarks nya sa akin. Siguro ay nagtataka ang isang 'to dahil sobrang aga ko ngayon samantalang late ako kahapon.
"Syempre, bumabawi. Late kahapon eh."
"Ganun po ba. Mabuti naman po."
Tumango-tango pa sya sa pagsang-ayon.
"Ano nga palang pangalan mo?"
I asked her name kasi I find it weird na nag-uusap kami na hindi kilala ni-pangalan ng isa't isa.
"Ah, Agatha po, Ma'am."

BINABASA MO ANG
Just One Summer
RomanceWho would have thought that the summer escapade of Alex would turn into something she did not expect. She was enrolled in a summer music school and met an oozingly-handsome instructor. What will happen next if two different worlds collide? Will it c...