Kabanata 3

3 1 0
                                    

"Isa lang ang helmet kong dala sinong magsuot nito ngayon? Kung sinabi mo sana na-"

"Shh, Alex. Ikaw nalang ang mag-suot ng helmet na yan dahil alam mo naman siguro sa sarili mo kung gaano ka ka-reckless mag-drive."

Talaga? First name basis?

"Aba! Hoy! Kung sinasabi mong reckless ako edi huwag kang sumakay sa motor ko. Mag-commute ka! Hindi yung nakikisakay ka na nga lang nang-iinsulto ka pa."

"Okay. Apology accepted. Kakapit nalang ako sa'yo ng mahigpit para hindi ako mahulog."

Aba't! Anong apology accepted? Nag-sorry ba ako? Iniinis yata talaga ako nitong gung-gong na ito! Ako? Reckless driver? Eh kahit kailan wala pa naman akong nababangga ah? Okay, maliban sa kanya. Pero ibang case naman yun, masyado lang akong nagmamadali noon at hindi ko napansin na nagitgit ko pala.

Why am I being too defensive here? Argh!

Hindi na ako muli pang nagsalita sa halip ay sumakay nalang ako. Pinaugong ko na ang aking motor hudyat na paalis na kami. Agad sumakay si Andrew. Ikinagulat ko ang sunod nyang ginawa. Inilagay nya ang kanyang mga kamay sa aking bewang, oh scratch that, ipinulupot nya ang kanyang mga braso sa bewang ko. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko. I feel awkward.

"Don't you think you're hugging too much?"

Kahit kinakabahan ay itinago ko pa rin ang nararamdaman ko. He's too close than I can feel his breath on my nape even though I'm wearing a helmet.

"I'm just being secure. Better safe than never."

"Hindi ka naman malalaglag dyan. So don't act like a scared puppy."

Nanatili lang sya sa ganoong puwesto at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

Argh! Bakit ba hindi nalang ako nag-kotse. Riding here is a bad idea. Lalo na't pinagti-tripan pa ako nitong lalaki sa likod ko.

Kahit medyo uneasy pa ako ay pinaandar ko na ang motor ko. Kailangan naming makarating agad sa tinitirahan nya para matapos na ito.

I'm feel something weird.

Something foreign to me.

Itinuro nya sa akin ang daan patungo sa tinitirahan nya. Malapit lang ito kula sa music school kumpara sa bahay namin. 2 storey house ito na hindi kalakihan.

Is he living here alone?

Nang mapagtanto kung ano ang iniisip ko ay agad kong pinilig ang aking ulo. Great Alex! You're being too curious!

"Pasok ka? Coffee or what?"

Minabuti kong tanggihan ang alok nya, tutal wala naman sa plano ko ang pagbisita sa lugar nya. Sa pagkakaalam ko ay dapat nasa bahay na ako ngayon.

"Okay. Thank you sa paghatid."

"No prob."

"Pero I think it's better kung hindi mo ginalusan ang sasakyan ko."

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

Magsasalita pa sana ako ay bumwelta syang muli.

"You better go home."

"Yeah. I'm going."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kalungkutan ng pauwiin na nya ako.

Diba'y iyo ang gusto ko? Dahil wala naman ito sa plano ko sa buong maghapon.

I rode my bike and hastly drive my self home.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just One SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon