One

53 2 0
                                    

--

"NAMJOOOOOON~" Maka-basag eardrum na tili ni Seokjin.

"Ano ba, hyung?! Umagang-umaga, ang ingay-ingay mo!" Reklamo ni Jungkook na pupungas-pungas. Naalimpungatan ito dahil kay Seokjin.

"Manahimik ka jan kung ayaw mong isama ko sa niluluto ko yang nangangamatis mong ilong." Naka-pamewang na sagot ni Jin.

"Tangina, hyung. Ilong ko na naman." Tumayo si Jungkook at inayos ang kanyang damit.

"Wag ka kasing natutulog jan sa kitchen counter. Pasalamat ka nga at di kita naputulan nung nag-gagayat ako ng patola e! Anyways, tawagin mo nga yung badjao mong hyung."

"Bakit 'di na lang ikaw, Jin hyung? Kakagising ko lang e."

"Tangin-- Ipi-prito kitang tamad ka e! Puro ka pagpapalaki ng ano at ng ilong. Tawagin mo na yung hyung mo at kailangan na sya ngayon sa Bighit building. Hala, sige! Layas!" Sinipa-sipa pa ni Jin ang binti ng nakababatang maga ang ilong.

"Ona! Puta." Kakamot-kamot ng ulong lumabas ng kusina ang maknae.

"Oy! Naka-simangot ka jan?" Tanong ng kakalabas lang ng banyong si Jimin kay Jungkook.

Napa-lunok si Jungkook ng makita ang topless na si Jimin. Take note, wet hair pa.

Pwede ng pang almusal yang pandesal kaso walang palaman. Gusto ko pa naman ng jams.

Napa-iling si ilong. "Wala. Kaiyak kasi si Jin hyung, istorbo sa tulog. Nakita mo ba si Namjoon hyung?"

Namula ang buong mukha ni Jimin. "H-huh? Ano--"

"Oy. Pinagchi-chismisan nyo jan?" Lumabas din sa parehong banyong pinagmulan ni Jimin ang pink haired na si Namjoon. Tulad ni Jimin ay basa din ang buhok nito, ang pinagka-iba lang ay may mga kalmot sa braso si Namjoon.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng nakababata kay Jimin at Namjoon.

"Hyung? Puta! Anong ibig sabihin nito?" Nanlalaking matang tanong ni ilong.

"Sabay kaming naligo ni Jimin." Patay malisyang sagot ni Namjoon sa maka-hulugang tanong ni Jungkook.

"Putang-- Wag mong sabihing nagmilagro kayo?!"

"Gago! 'Di ko ipagpapalit si Jin hyung para kay Jimin no?! Saka itong mga kalmot na 'to--"

"Ano.. am.. Ako ang may gawa nyan.. 'Di ko kasi napigilan. Hihihi." Epal ni Seokjin sa tatlo.

"Medyo malandi, Jin hyung. Pwe. Layas muna ako." Walang galang na paalam ni ilong.

"Hoy! Saan ka naman pupuntang--"

"Ilong ka? Punyeta naman, Jin hyung. Kaya lalong namamaga yung ilong ko dahil nasosobrahan na sa pagmamahal mo e."

"Ahehe. Sorry, okay? Sorry!"

Dumeretso naman si Jungkook sa rooftop. Papasok na sana sya ng may nasilip syang dalawang tao na nag-uusap sa hindi kalayuan. Sa tantya nya ay seryoso ang topic nila kaya nanatili na lang syang naka-tayo sa labas habang nakikinig.

"Kailangan ko ng bumalik sa China. Napapagod na ko dito, nasasaktan at nahihirapan." Kinuha nito ang kamay ng lalaking naka-yuko sa kanyang harapan. "Gusto ko mang manatili sa tabi mo para alagaan ka at maiparamdam ko pa sayo ang pagmamahal ko, tingin ko hindi na kaya ng puso at katawan ko ang pagiging abusado ng mga tao sa paligid natin. Hindi na kaya ng utak ko. Sumusuko na din ang dibdib ko kaya nagiging flat chested na ako ng tuluyan."

"Pero--" Halos pumiyok na ang kanyang kausap dahil sa sobrang lungkot. "Pero matagal ka ng flat.." Halos pabulong na untag nito.

"Tangna mo, babe. You're so sweet."

"I know right? Pero hindi na ba talaga kita mapipigilan?" Nagsusumamo ang mga mata nito.

"Hindi na.." Malungkot ang kanyang mga ngiti. "Sa tingin ko, kai-- kai--"

"Kai bai bo?"

"Hindi! Punyeta! Umurong yung bahing ko! So, ito na nga.. sa tingin ko, kailangan na kitang i-give up.."

"Bakit hindi Give down?" Naiyak na nga ito ng tuluyan.

"Kasi walang ganon! I think-- I think--"

"I think I'm falling~ falling inlove with you~ and I--"

Iniharang nya ang kanyang dalawang daliri sa bibig ng kumakanta. "Istaph! Rapper ka, hindi ka vocals."

"Wag ka na kathing umalith? You know I can't live without you, babe-honey-my-love-tho-thweet. Ikaw ang nagthithilbing liwanag tha buhay ko, ikaw ang nagpapathaya tha akin. Ikaw-- ang pag-ibig na binigay. Tha akin ng may kapal--"

"Oo na. Tanginang buhay 'to, oh? Hindi na ko uuwing China. Manahimik ka lang, Sehun. Hala, sige. Baba na!" Sigaw ni Luhan kay Sehun. Napalis naman ang malapad na ngiti neto.

"Baba ko na naman. Punyeta."

Nanlaki naman ang ilong-- este mata ni Jungkook ng marinig ang mga papalapit na yabag nina Luhan at Sehun.

"Yari ako sa mga sunbae na 'yon kapag nahuli nila ko." Agad na sumiksik si Jungkook sa madilim na parte ng hallway para maitago ang kanyang sarili.

Nang pakiramdam nya ay naka-alis na ang HunHan couple ay naka-hinga na sya ng maluwag. Mas maluwag kesa sa normal nya.

Aalis na sana sya ng may biglang kumaluskos sa kanyang paanan.

Nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa takot.

"Si-sino 'yan? May-- may tao ba di-dyan?" Kumaluskos na naman at sa mga oras na ito ay mas malapit na ito sa kanya. "Sino sa-sabi yan e?!"

"Boo.." Maka-basag eardrums na tili ang pinakawalan ni Jungkook.

"Hala! Kalma lang Jungkook sunbae! Si Seungkwan 'to. Boo Seungkwan po!"

--

Ohayo! Okay lang ba yung chap? Marami pang eepal at eeksana dito mula sa iba't-ibang groups. HAHA.

Vote × Comments are highly appreciated ❤

ALL RIGHTS RESERVED © 2016
FLIPPED WORLD
Queen 👑

Flipped World (BTS' Trash)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon