"Achoooo~" Woooh! Putangina! Sini-sipon ako. Paulan pa, ilong.[Flashback]
"Hoy! Ang lakas ng ulan, saan ka pupunta?" Sigaw ni Jin hyung mula sa kusina. Pansin ko lang, lagi na lang syang nasa kusina? Walang ibang ma-pwestuhan?
"Lalabas lang!" Sigaw ko pabalik.
"Wow! Hindi obvious. Tangina mo. Nasa tapat ka ng pinto at may dalang payong, alangang papasok ka sa loob di ba? Batang to. Ibenta mo yang utak mo kung di mo gagamitin. Peste ka."
"Hyung.."
"Oh?"
"Putangina mo." Saka ako nagta-takbo palabas ng dorm.
"ABA'T-- TATADTARIN KITANG BATA KA PAG UWI MO!"
"OO NA LANG, HYUNG. K. BYE!"
Lakad ako ng lakad papunta sa kung saan-saan. Oo, may hina-hanap ako. Tsk.
Nakarating na ako sa park, sa dal.kom coffee shop, pati sa office ni Bang Shi Hyuk, landlord namin para magtanong pero wala pa din akong napala.
Hindi ko pa din sya nahanap.
Lumakas na ng todo ang ulan at inabot na ko ng gabi sa daan. Naupo ako sa isang bench malapit sa park, basang-basa na ko kaya hindi na din ako nagpayong.
"Grabe. Friendsary namin ngayon tapos hindi ko sya mahanap. Magi-gising ako sa umaga na wala ka na at makaka-tulog ako ng madaling araw na wala ka pa din. Umuuwi ka pa ba hyung? Yung totoo? Pakyu ka talagang alien ka. Hindi na tayo nakakapag-laro, hindi na tayo nakakapag-selca, miss na miss na kita, Kim Taehyung."
Napa-tingala ako ng hindi ko na nararamdaman ang patak ng ulan.
"Umuwi na tayo. Magkaka-sakit ka nyan." Hawak nya ang isang malaking payong na kasya yata ang buong Bangtan. Abnormal.
Napa-ngiti na lang ako bago tumayo. "Akin na nga yang payong, ako na hahawak." Inagaw ko ang payong sa kanya.
"Sina-sabi ko na nga ba e! Mahal na mahal mo ko kaya ayaw mo kong nahihirapan."
"Ulol! Inagaw ko yung payong kasi nahihirapan ako. Ang hirap kayang yumuko. Liit mo kasi, Jimin."
[End of Flashback]
Akala nyo si Tete hyung no? Akala ko din e. Ayun, nasaktan lang ako. Nasaktan ako, yung litetal. Sinapak kasi ako ni Jimin hyung pag dating namin sa dorm.
Tangina. Wala akong napala sa pagha-hanap kay Kim Taehyung. Ay, meron pala. Nilagnat ako.
Sakit ang napala ko. Gwapo ko kasi di ba? Ang umangal, sisinghutin ko. Pakyu.
"Hoy! Kausap mo na naman sarili mo. Matulog ka na. Dun na muna ako matutulog sa kwarto nila Hope hyung. Walang tao dun since may lakad yung tatlong ugok. Kanya-kanya tayong kwarto ngayon." Tinaas-baba ni Jimin ang kilay nya habang naka-ngiti ng malapad.
"Ge lang. Baka gahasain mo pa ko ngayong tatlo lang tayo nila Jin hyung dito sa dorm." Sinamaan nya lang ako ng tingin bago pinakyu.
"Namo. Magandang idea yan. Gusto mo ba?"
"Tulog mo yan, hyung. Ge, layas."
"K. Bye." Nag-signal na lang si hyung ng tawagan ko na lang sya.
Gagu. Parang hindi kami magka-lapit ng kwartong tutulugan eh. Kailangan pang tumawag, pwede namang sumigaw na lang ako.
Sisigaw akong Darna. Chos lang. Gwapo ako eh.
Tumayo ako at nagbukas ng closet. Kinuha ko ang isang jacket na gray at sinuot. Favorite 'to ni V hyung.
Nahiga na ko sa kama at nagkumot. Ang luwag ng jacket ni hyung, mainit at komportable.
Sana yakap na lang ni hyung 'tong nagtatanggal ng lamig ko. Hays.
Taas ata ng lagnat ko. Kung ano-ano ng nasasabi ko, nagde-deliryo na ko. Natawa na lang ako sa sarili ko bago tuluyang lamunin ng antok.
--
Kamusta naman? Lol. I need to be infires. Tsk. Tsk. Nananalangin ako sa birheng si SeokJin na nawa'y bahagian ako ng ideas ng Rapper line. Hays.
Voments Juseyo ❤
All Rights Reserved © 2016
Flipped World
Queen ❤

BINABASA MO ANG
Flipped World (BTS' Trash)
РазноеSummary: Jeon Jungkook is the maknae of the famous boy group, BTS. Kim Taehyung is one of the boys in love, along with Park Jimin. Kim Namjoon is the father of the group, Jung Hoseok is the pet horse, Min Yoongi is the fat ass lazy grandfather in to...