#5 Until Trilogy - Jonaxx

1.5K 8 1
                                    

  ✿✿✿✿✿  

Jonaxx is one of my most favorite author ever. Medyo matagal ko na din nabasa ang story na to. Hindi ito ang 1st story na nabasa ko na gawa niya. I think Worthless ang una sa lahat ng books niya. And after that, halos lahat na ng completed stories niya nabasa ko. I really salute you Jonaxx! You are undeniably amazing & talented author.  

The Montefalco cousins especially the boys is one big reason kung bakit love ko ang story na to. Haha Grabe kasi ang closeness nila. Nakakainggit lang. Isa sila sa reason kung bakit ako masyadong na'attached sa wattpad. The entire Montefalco will forever remain in my heart.  ♥‿♥  Anyway, this series is officially my most favorite among Jonaxx books. Too much FEELS! Hindi ko kayang ipaliwanag ang feeling after reading the series. The plot, setting, characters, dialogues was perfectly made. Thank you Jonaxx for sharing this series to us. 


Enjoy & Happy Reading. ᵔᴥᵔ

★ Share you thoughts in the comment box below. I would love to hear how you find the story. ★

♥ Gracey ッ 


Author: Jonahmae Pacala ( jonaxx )

Genre: Teen Fiction

Status: SOON TO BE PUBLISHED


ORIGINAL SUMMARY

Book 1 

Si Klare Montefalco ay ipinanganak sa isang kilala at marangyang pamilya. Everything is perfect. Mahal siya ng pamilya niya at mahal din niya ang mga ito. Her life is simple. No drama, no sweat, no nonsense. Nang tumibok ang puso niya, doon niya napagtanto na ang bawat pader na inakala niya'y matibay ay natitibag din. Na lahat ng pinakaiingatan niya ay maaring mawala sa kanya. Dahil may mga pag ibig na kahit anong gawing iwas mo ay lagi kang tinatamaan. Iyong pag ibig na umiilag ka na, bull's eye ka pa rin. Iyong tipong sinarado mo na ang pinto mo, pilit paring kumakatok. But Klare's fierce, she wouldn't let that happen. No. She will risk her heart just to protect her comfort zone, her home, her everything.

Ngunit sa pagkawala ng pag ibig niya, doon lang din ba niya mapagtatanto kung ano ang nawala sa kanya? That she had lost everything when she let him go? Is she ready to fight for it now? Now that he's gone?


Book 2

Nang malaman ni Klare na hindi siya tunay na anak ng kanyang kinilalang ama, nag bago ang ikot ng kanyang mundo. She's torn between her love for her family and her desire to seek for the fragments of her real identity. Sa kalagitnaan ng lahat ng ito, pilit din siyang binabalikan ng mga alaala ng nakaraan. Her past is haunting her. But she knew it is impossible to turn back the time. Pinanindigan niya ang mga nagawang desisyon noon at tanggap niyang may mga tao na dumadadaan lang ngunit hindi nagtatagal. Ngunit paano naman ang mga umaalis at magbabalik? Sa pagbabalik ba ng kanyang minamahal matitibag ang kanyang mga paniniwala at desisyon? How will she handle him now that he's back? Will she fight now? Now that he's returned?


Book 3

Elijah Montefalco never liked this particular girl cousin. Naramdaman niyang ayaw sa kanya ng pinsan niyang ito at hindi naman siya 'yong tipong ipagpipilitan ang kanyang sarili sa taong ayaw sa kanya. They were family so he needed to deal with her sometimes. Mabuti na nga lang at marami naman sila kaya hindi na napapansin ng iba na ayaw nila sa isa't-isa. But there was a reason why he never liked her... Pero bakit nga ba? Ano ang nangyari at bakit nagkaganito? Paano sila napunta dito? And after all the sacrifices, would they still make it through? Kaya nga kaya ng pagmamahalan nila na lagpasan lahat? Paano kung hindi pa nga naayos ay unti unting mawawasak ulit? Is their love really a curse? Can't they live happily even just for a moment? Is their forever too much to ask for?



Link?

https://www.wattpad.com/story/11213950-until-he-was-gone-book-1-of-until-trilogy  

https://www.wattpad.com/story/13536019-until-he-returned-book-2-of-until-trilogy  

https://www.wattpad.com/story/16577307-until-forever-book-3-of-until-trilogy














WORTH READING STORIES 😍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon