#12 He's Into Her Series - Maxinejiji

906 18 12
                                    


✿✿✿✿✿    

**(Sabi ko dati nung start pa lang ako gawin ang list na to, short reactions lang ang on why I love the story at pipilitin kong hindi makapagmention ng spoilers. Kaso meron talaga stories na nag'uumapaw ang FEELS ko kaya mapapahaba at mapapasobra ako ng sulat at masspoil ko kayo. At ito yung isa sa story na yun. Kaya ngayon pa lang, SORRY! Haha ✌˚◡˚✌ )**

maxinejiji is one of my favorite wattpad author & her story He's into Her is my TOP favorite wattpad story so far. Siya lang din yung author na sinalihan ko ang group sa facebook. Ito ang 1st book na nabasa ko sa kanya. Isa ito sa mga nabasa kong stories na sobrang haba every chapter at kahit ganun kahahaba nabibitin pa din ako. Ang dami ko na nabasa at madami na din ako naging paborito pero sadyang iba lang ang HIH at ang TAGSEN kaya masyado sila espesyal sa puso ko kaya yung ibang paborito ko dati limot ko na. (◡﹏◡)

Anyway, una ko nabasa ang HIH around Sept 2015 tapos binasa ko ulit for 2 weeks yung Season 1 – 3 last Januay 2016 dahil namiss ko talaga ang TagSen lalo pa at natatadtad ang news feed ko sa fb ng mga post ng kapwa ko jijiera. ≧◡≦ After the first few chapters in my 1st time reading, sabi ko: "Ay alam ko na to, common na ung story na ganito. Kumbaga Cliché!" Yung mga high school drama, rich kid, bullies, mortal enemies then eventually magkakagustuhan at the end or "The More You Hate, The More You Love" ang drama nila. Sawa na ako sa mga ganyang type ng story. Paulit ulit na lang, yung feeling na alam na alam ko na ang magiging takbo ng kwento at the same time yung ending ng story. Pero WOW! (Fantastic Baby Dance! Ay sorry. Haha) NAPAHIYA ako (。-_-。), nagkamali ako sa story na to. Masyado kong inunahan si Ate Maxine (maka'Ate naman feeling close lang at baka mas matanda pa ata ako kesa kay author. Haha). Masyadong malayo ang naisip ko sa naisulat niya. Malayo sa cliché mga bes! Yes, yung simula at  love story ng TagSen medyo cliché kasi nagkagustuhan talaga sila from being mortal enemies pero dahil sa dami ng pasabog, revelations, twists nasabi ko na lang WOAH ang galing ng author. Para sakin kakaiba ang isang to. Sa dami ng nabasa ko wala pa akong nabasa na malapit sa story na to.Walang papantay!

Nung nagbasa ako ulit nito, kahit alam ko na mga mangyayari, parang 1st time ko pa din siya babasahin. Same reactions or mas dumoble pa nga yung tawa, kilig, excitement, lungkot, iyak, sakit, awa, inis basta lahat ng emotions ko dumoble. Ito ang isa sa mga story na hirap ako bitawan nung nasimulan ko. Puyatan ang nangyari sakin kaya more dark circles, more eyebags ako palagi. HAHA Pag matutulog naman ako, hindi din matahimik ang utak ko kakaisip sa story, sinasakop ng HIH ultimo panaginip ko. Hanggang pag gising ko HIH pa din nagpleplay sa utak ko. Since wala nga ako work, sa pagbabasa nauubos ang oras ko. Everyday basa lang gagawin ko, matutulog lng ako ng mga 4-5hrs a day tapos basa na ulit pagkagising. Dahil nga babad at walang pahinga ang mata ko at minsan maga pa dahil kakaiyak sa mga heart breaking scenes, may time dati na ilang days nagsuffer ang mata ko. Naging irritated, hindi ko kaya ang kahit normal na liwanag sa labas dahil sumasakit at kusang naiiyak na lang mata ko. ಥ⌣ಥ Buti after few days of not reading, nawala din. May time din na hindi na ako nakakakain, kaya nakatulong din ang HIH sa pagpapapayat ko. Haha Yun lang naman ang naging epekto sakin ng story na to. Maliit na bagay. Haha ┐('~';)┌

Kung masyado kang fan ng mga tawa at kilig overload type of stories like me. Ito na yun! Ito na yung perfect description ng salitang KILIG, lalo na sa Season 2. Waaaah yung Season 2!!!ヾ(@^▽^@)ノ Walang papantay sa kilig na ibibigay ng isang Deib Lohr & Maxpein Zin sayo. Si Deib lang sobra sobra na, paano pa kung pati si Max bumanat? at pag sumabay pa ang ibang characters? Paano kana? ヅMaghanda ka na lang ng oxygen tank sa tabi mo dahil hindi mo kakayanin ang TAWA at KILIGAN dito. Baka atakihin at mangisay ka! ٩(^‿^)۶Baka maihi ka, maghanda ka na din ng arinola sa tabi mo (gaya ko! haha) (Yung CR kasi namin sa baba pa, eh tamad ako. Gusto ko nakahiga while reading pero if need ko magCR, dala ko pa din CP/IPAD ko or even my Laptop pag nakacharge both fone & Ipad (Promise totoo! Haha) Huwag ka din magbasa nito sa public dahil baka mapagkamalan kang baliw. (⊙_◎) Tatawa ka tapos kikiligin, tapos biglang iiyak naman. AT maghanda ka ng sandamakmak na tissue dahil hindi lang kilig at tawa ang mararanasan mo dahil iiyak ka ng balde sa story na to. Heavy Drama bes! o(╥﹏╥)o Basta ready yourself dahil hindi lang sasakit ang ulo mo kakaisip at kakahula, tiyan at panga kakatawa, mata at ilong kakaiyak, puso at lahat ng organs mo sasakit din sa tindi ng story na to. OA ba? Wala akong paki dahil yun ang FEELS ko. Haha (◕‿-)

WORTH READING STORIES 😍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon