MPMP (Night with him)

10 1 0
                                    

Chapter 3: Night with him

Nabuo nga ang desisyon ko. I wrote my name in the paper.

Umuwi na ako at naligo. Mamaya pa namang 6pm yun.

I wear a white lose dress. Mahilig kasi ako sa puting dress.

Bumaba ako ng nakabihis na at nakita kong nagtatahi si mama.

Agad niya naman akong napansin.

"Where are you going, anak?" Tanong ni mama sakin.

"May pair activity po kasi kame ngayong 6pm." Halata namang nagulat si mama.

Hindi kasi ako sumasama sa mga school activities since wala naman akong kaibigan.
Alam nila mama yun kaya sinusuportahan naman nila ako.

"Seryoso ka anak?" Sabi ni mama at bigla niya naibaba ang tinatahi niya.

"Opo mama." I smiled at her and turned on the tv.

Hinintay ko lang ang oras at umalis na ako.

Pagkapasok ko sa gate, andaming nagtinginan sakin. Kasi naman eh. Kamukha ko na naman si Sadako.

"Sasama pala si Samarah."

"Bakit pa siya sumama. Nakakatakot na nga dahil walang ilaw sa loob, sumama pa siya."

"Parang ayoko na tuloy tumuloy."

Yan ang bulungan ng mga classmates ko.
Oo! Class lang namin eto.
Halos lahat sila, kabisado ko ang pangalan. Pero ayaw nila akong maging kaibigan.

Bahala na nga.

Umupo nalang ako sa gilid.

"Okay!" Si Kaz. Andito na pala siya. Naka red siya ng polo shirt and brown pants. Grabe, lahat nakikinig at nakatingin sa kanya.

"Guys, kada pair ang pasok. After ng first pair, maghihintay ang susunod na pair ng 3 minutes tsaka papasok. Oorasan niyo ang time kung kailan kayo pumasok at paglabas. Ang pinaka maikling oras ay ang winner."

Nagpuntahan na ang mga pair.

"Sam!" Sigaw ni Kaz. Sam? Sino? May iba pala siyang partner.
Akala ko ba partner kami?

Tumalikod na ako. Oo, uuwi na ako. Wala naman akong kasama eh. Kung ako lang mag-isa, ano naman ang gagawin ko? Mananakot?

Palakad na ako sa labas nang may humila ng braso ko.

"Sam? San ka pupunta?" Sabi ni Kaz nang nakatingin sa akin.

"Sam?" Tanong ko.

Bigla naman niya binitawan ang braso ko.

"Uh... Ano... Sam, I-I mean Samarah." Sabi niya ng nahihiya.

Ahh Sam! Samarah! Ghad! Jumping into conclusion kasi eh.

"K-kung ayaw mo, Samarah nalang." Dagdag pa niya.

"Hindi. It's okay! I like it. Hindi lang ako sanay. Haha." natawa ako bahagya.

Pagtingin ko sa kanya parang gulat na gulat siya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatingin lang din siya sakin.

Tsaka siya nagsalita.

"Wag kang tumingin sakin ng ganyan!" Ha? Iniwas niya ang tingin sa akin.
Nakakagulat siya ha. 

"Ha? Oo! Hindi na ako titingin sa iyo ng more than 3 seconds. Pero sa totoo lang, hindi naman minamalas ang tumitingin sa mata ko eh." Sabi ko habang nakayuko.

Aray ko be! Iniisip din ata niya na baka malasin siya.

"Hindi sa ganun! Basta! Wag mo nalang hayaang masabi ko yun." Sabi niya ng naktingin sa gilid.

"Nakakahiya kasi." Sabi pa niya ng mahina.

Nagulat ako sa sinabi niya.
Pero hindi nalang ako umimik.

Tapos biglang may sumigaw.

"AHHHH! Wala pang tao! Yes! Tayo ang nauna!" Sabi ni Amy, kasama niya si Lucy.

Si Amy para siyang boyish type.
Si Lucy naman, matured type.

"Bobo! Ayun sila Kaz oh!"
Sabi ni Lucy tapos tinuro si Kaz.

"Ha? Hindi naman siya kasama kasi wala siyang partner." Sabi ni Amy habang papunta sila sa amin.

"So tayo pala talaga ang nauna." Lucy tsaka nagkibit balikat.
Alam kong naririnig din ni Kaz yun kaya siya nagsalita.

"No. Samarah's my partner. Pero hindi pa kami nagsisimula."

"HAAAA?" Nagtatakang tanong nila.

"Hindi ko akalain na maawain ka pala." Sabi ni Amy kay Kaz.

"Hoy, Samarah, anong ginawa mo kay Kaz?" Tanong sakin ni Lucy.
Grave! Nakakatacute siya.

"Ano ba naman kayo. Wag niyo nga siyang kausapin ng ganyan!"
Pagtatanggol sakin ni Kaz.

"Wala. Wala akong ginawa sa kanya. Ang totoo niyan, nasiyahan pa ako dahil mabait si Kaz na yayain ako as his partner." Sagot ko.

"Seryoso?" Tanong ni Lucy.
"Oo."

"Luc naman eh! Tinatakot mo si Sam! Dapat nga tayo ang natatakot sa kanya eh." Sabi ni Amy.

"Nagtanong lang. Here." Tapos may inabot siya sa akin.

"Drink that! Alam kong naubusan ka ng laway kakasagot ng tanong ni Kaz. Madaldal kasi yan eh." Then she smiled.

I was shocked. Wala pang taong nagbibigay sa kin ng drinks before. Natatakot kasi silang lapitan ako. Natutuwa ako ng sobra.
Kasi napansin ko, mas nagiging open ako sa iba. Nasasabi ko ang nararamdaman ko. Pero marami ng nakakausap sa kin.

Tinago ko ang bottle sa bag after ko uminom.
Nagkwentuhan lang sila ng matagal hanggang lumabas na ang iba at natapos ang laro. We didn't get the chance to play pero okay naman.

Biglang may lumapit na lalaki samen. He's Kevin. Tahimik lang siya pero may pagkakulit din. Sila ang kadalasan kong nakikitang magkasama ni Kaz since baseball player sila pareho.

"Kaz? Bakit hindi kita nakita sa loob? Wait. Sino ka?" Sabay turo sakin.

"She's Samarah. Nakakatakot siya pero she's safe. Hindi siya nangangagat." Sabi ni Amy tsaka umakbay sa akin.

"Hehehe." Simpleng tawa ko.

Natapos na ang game. I really enjoy this day and night.

------------------

[a/n: Hi ulet! Alam kong naguguluhan kayo kay Kaz. Kung ano ba talaga ang iniisip niya kay Samarah, kung ano ang feelings niya and whatsoever. Next part will be his POV. Keep reading guys. Hope you like it.]

My Peers and My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon