MPMP (School Activity)

8 0 1
                                    

Chapter 2: School activity

Nagising ako ng maaga, nag prepare at pumasok na ako sa school.

Pagkadating ko sa gate...
"Hi! Goodmorning!" Bati sakin ni Kaz. Pero bago pa ako makapagsalita, umalis na siya.

Bilib talaga ako sa kanya. Ang bilis niyang maka attract ng mga kaibigan. At madami ding bumabati sa kanya.

Sana ganyan din ako.

Teka. Sila Mae at Shina yun ha! Susubukan ko silang batiin.

"Goodmorning."
Bago pa sila makapag react, umalis na ako.

Gumana kaya yung smile ko. Hehe

Nagpalit na ako ng shoes bago pumasok ng lobby. Ganun kasi samin. Iba ang sapatos sa labas at iba rin sa loob ng building. Parang shoe rug.

*At Class...

"Guys, may opening activity tayo for tonight. I hope na lahat sumama." Sabi ni Kaz sa buong klase. Siya kasi ang class president.

"HA?" At nagsimula naman ang side comments ng mga classmates ko.
"Oo. Tonight, we're gonna have an extra challenge here at the building. We will pair up. Each pair have a number and they will search for the other numbers in the whole building until they reach up to 10." -sabi ni Kaz habang may dinidikit sa blackboard.

"You will write your name and your partner in this paper at the blackboard. I will leave this here until 2pm. Decide if you're going to join or not." After niya magsalita umingay na.

Pupunta kaya ako? Baka ayaw nila akong isama doon.

Wag nalang.

*Furwurd*

After ko maglunch, pumunta muna ako sa gymnasuim.

Kinamusta ko lang yung pusa sa gilid. May naglagay kasi doon at inabanduna. Kawawa naman. I usually come here.
Kung pwede ko lang to iuwe eh. Bawal kasi samin.

"Alam mo ba, may activity ang class ko mamaya? Syempre di mo alam." Kausap ko ang pusa. Wag niyo na tanungin kung bakit. Hindi ako baliw.

"Pero hindi ako sasama. Baka kasi umayaw ang iba pag nalaman nilang kasama ako." Hinimas himas ko ang balahibo niyang puti.

"Sana kagaya nalang ako ni Kaz." Buntong hininga ko sa sarili.
Pumasok naman sa isipan ko ang katanungang 'Bakit? Pangit din ang masyadong masayahin!'

Kaya nasabi ko ng malakas ang,
"Hindi ha! Marami siyang kaibigan kasi mabait siya! At dahil mabait siya at madaming kaibigan, masaya siya. Hanga talaga ako sa kanya." Naramdaman ko namang namula ako.

"Totoo ba ang narinig ko?" Parang nahinto ang pagtibok ng puso ko. Kilala ko yun ha.

Lumingon ako. Unti-unti.
Sya nga!

"K-Kaz!?" Sigaw ko.

"How should I take that?" He asked.

"A-as a compliment!" Sagot ko sa kanya habang patayo ako.

Seryoso ang mukha niya. Natatakot ako. Baka kasi ma misunderstand niya ang mga sinabi ko. Kasi naman eh! Ang baliw ko! Sinasabi ko pa ng malakas.

"Huh. HAHAHAHA!" Bigla na lang siya tumawa ng malakas. Nagulat ako. Pinagtatawanan niya ko. Syet! Ang cute niya.

"Nakakatawa ka! Hahaha" bigla niyang sabi saka huminto sa kakatawa.

"Akala ko ayaw mo sakin eh. Madalas mo kasi akong iniiwasan." Dagdag pa niya.

"Hindi ha! Masayahin ka at marami kang kaibigan. Gwapo ka at matalino. Atsaka friendly ka! Nakakainggit ka nga eh." Sabi ko sa kanya ng nahihiya.

Bigla naman siyang nagtakip ng bibig gamit ang right hand niya na nakasara. Ang left hand naman niya ay nakapamulsa.
Bigla rin siyang... Namula?

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala. Sana mas maging close pa tayo. Samarah ang pangalan mo diba? Maganda ang pangalan mo." Kaz.

Wow! Siya ang unang taong nagsabi sakin niyan.
Kadalasan kasi tinatawanan nila kasi yun yung pangalan ng multo sa 'The Ring'.

Pero siya... Nakakatuwang isipin na sobrang bait niya.

"Kaz! Ano na?! May game pa tayo!" Sigaw sakanya ng kaibigan niya mula sa loob ng gym.

"Ano ba yan! Sige. Mamaya nalang. Join ka sa activity tonight ha? I'll be your partner and I'm looking forward to it." He smiled then leave.

Napaisip ako habang tinitingnan siya papasok sa gym. Sumama kaya ako. At least may taong gusto ako makita mamaya.

I made up my mind. I will.

My Peers and My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon