Bumalik si Claire ng classroom, looking flushed, hiningal siguro sa pagtakbo nya, o nahihiya? For kissing me? Bakit naman? Tss. Hahaha!
Umupo sya sa tabi ko, where she originally sat. Nakayuko lang sya, keeping herself distracted sa pangangalikot sa daliri nya. Nervous Claire?
"Oh, game ulit?" Pagsasalita ni Chin. She didnt mind the thin layer of awkwardness in the air... o ako lang yun? Inispin na nya yung bote.. mabilis na naman ang ikot. Matatagalan pa ang pagtigil neto.
Tinignan ko si Claire, hawak nya yung pencil nya, nagdodrawing na naman ng doodles sa likod ng notebook nya, pero this time... habang nakatingin sa bote, she looked so... fragile. Parang ngayon ko lang sya nakitang ganyan, na parang tihimik at inosente.
Dont get me wrong, Claire's very outgoing and lively.. Kaya bago para sakin na makita syang tahimik at malalim ang iniisip, what could possibly be the problem?
"Tahimik naten ah?" Sabi ni Driz, she's not one to miss small details. Malamang may nabubuo na sa isip nito...
Narinig kong tumawa si Claire, bumalik na kaunti yung energy nya. Not her eyes though, parang nagiba yung mata nya..
Tinignan nya ako.. hindi, mali... tinitigan nya ako...
Hindi ganon katagal yung titig nya, siguro mga five seconds lang or mahigit.. basta sandali lang! Then, she smiled at me. Yung genuine smile na minsan ko lang makita, she smiles all the time pero may iba sa ngiti nya ngayon, something special...
"Chris! Chris! Hahaha! Daaare!" Sigaw ni Chin..
Na nagpawala sakin sa iniisip ko. Napatingin ako sa bote sa harapan ko na ngayon ay nakatapat na sakin...
Lumingon ulit ako kay Claire na nakatingin sa mga kaibigan namin ngayon, nakikitawa, wala na yung fragile aura nya kanina. Good. Binalingan ko si Chin para hintayin kung ano yung magiging dare ko.. she's crazy, I can tell by the way she smiles like a overly happy kid.
Nilingon nya muna si Claire na busy na magdrawing, smiled to herself and said...
"Kiss Claire's cheeks."
My brows furrowed, nilingon ko si Claire habang tumingin naman sya kay Chin with unbelief and amusement in her face, parang sinasabi nyang, 'seriously, chin?!'.
"Puro kiss na nagaganap dito ah." Pagsasalita ni Ken. Its unusual, kissing here sa classroom, yeah, fridays, no academics. Wala namang sisita.
Tatayo na sana ako para halikan si Claire sa pisngi, but stopped nang maalala ko yung halik nya kanikanina lang.. feelings came flooding in at ang hirap pigilan yung init ng mukha ko..
I kissed her..
Tumama sa sentido nya yung halik ko, dahil busy sya sa pagdodoodle. I tried to surpress my feelings pero di ko mapigilang mangiti...
Tinignan nya ako, tinitigan rather, ang ganda ng mga mata nya. Her cheeks are flushed once again, halatang pinipigilan nyang magreact.
"Uliiiiit!" Sigaw ni Chin. Sabay naman kaming napatingin ni Claire sa kanya, nakakunot ang noo
"Sabi ko po kasi, cheeks, hindi temples." Pagpapaliwanag nya.
Nanloloko ba 'to?! I just kissed her! Hindi pa ba sapat yon?!
Lumingon ako kay Claire at nakita kong syang bumuntong hininga at umiling. She must think this is nonsense. Pathetic, really. Ako na rin yung nahihiya eh.
I braced myself for another kiss, nang hindi nagpapahalata.
Hindi ata sya aware na gagawin ko ulit yung kiss kaya gumalaw sya. Sa pisngi pa rin tumama yung labi ko pero this time...
Malapit na ng sobra sa lips nya..
And I've never felt this different before...
*Hello, sweeties! Its been a while since my last update. Srry if you waited too long. Medyo kinulang ako sa inspiration, but, here's Chapter 8 for you guys. Hope you like it!
Feel free to vote and/or comment! Thankiiie! xoxo,
BINABASA MO ANG
Once Mine, Now Gone
Teen FictionIts okay to be afraid of loving again, of risking your heart. Its alright to feel uncertain and doubt for people around you, because in a cruel world, you'll never know who's capable of hurting you. But sometimes, letting go of those thoughts leads...