Mari Claire's PoV
Mabilis pa rin tibok ng puso ko habang inaayos ang gamit ko. Uwian na namin eh. Mabagal ang kilos ko habang pinapasok sa bag ang notebooks ko, my hands might shake. Ayokong maihulog ko pa yung gamit ko.
Ilang beses akong nahalikan ni Christian. Well, twice, but still!
I sighed and continued fixing my bag. Gusto ko nang umuwi at magpahinga. I need to sleep this off.
"Claire, dali!!" Sigaw ni Chin at Driz na ready to go na. Ako nalang talaga ang hinihintay.
Behind them, sa doorway nakatayo si Christian at Kenneth, hinihintay din kami. Christians eyes met mine, and it took all my will power to look away.
I sighed.
Pano na yan ngayon ha? MC? Mahal mo yung bestfriend mo?! Sabi ko sa sarili ko. Alam mo ba yang pinapasok mo ha? Sa friendzone lang bagsak mo nyan! Loka loka ka!
Bakit ba kasi sa dinami dami nang pwedeng mahalin, eh, yung bestfriend ko pa. Bakit di nalang yung math whiz na captain ball ng varsity? Tanggap ko pa eh.
I sighed. Again. Tapos umiling.
I picked up my bag at hinarap na sila Driz. Ready to go na, nilingon ko sila Christian, and there he is, may maliit na ngiting tumambad sakin pagkalingon ko, why does he have to do that?!
I smiled to myself at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng classroom. Finally, Im going home!! Pinauna ko si Christian, Driz at Ken. Mabagal ang lakad namin ni Chin.
I sighed. Pang ilang buntong hininga ko na kaya 'to? Tsk.
Katulad ng nakagawian, sabay sabay kaming naglakad pauwi.
Naunang humiwalay si Chin dahil sya ang pinakamalapit sa school. Tahimik akong nakikinig kay Driz habang nasa likod lang namin si Ken at Christian. Mabuti nalang at hindi awkward.
Sa isang convinient store kami tumambay, malapit na rin yun sa bahay namin. Bumili kami ng inumin at umupo lang.
Maya maya ay nagaya na akong umuwi, hapon na rin kasi. Tinanong ko lang kung ano ang homework namin tapos tumayo nako. Nagulat nalang ako nang tinawag ako ni Christian.
"Claire, ihatid na kita sa inyo." Sabi nya.
"Nako wag na, malapit nalang naman eh." Nakakahiya.
"I inisist." Nginitian ko nalang sya. Tapos inihatid nya ako hanggang sa gate namin.
Kulang nalang eh mangisay ako sa harapan nya sa sobrang kilig. Sana lang eh hindi nangangamatis yung mukha ko sa pula. Ngiti nalang at Thankyou ang binigay ko sa kanya tapos pumasok nako ng bahay... and sighed for the last time today.
Ano nang mangyayari nito? Maitatago ko ba kay Christian? O sa mga kaibigan ko? Aaaaaahhh! Hindi ko na alam....
-------------------------------------------------
Sorry guys if it took a while for me to update. Im having a hard time writing... Im lacking inspirations. Sooo, here's chapter 9. Hope you like it, aaaaand, please do leave a comment and/or vote. Loveyou lots! ♥
BINABASA MO ANG
Once Mine, Now Gone
Novela JuvenilIts okay to be afraid of loving again, of risking your heart. Its alright to feel uncertain and doubt for people around you, because in a cruel world, you'll never know who's capable of hurting you. But sometimes, letting go of those thoughts leads...