IV

22 1 0
                                    

dumating si meggie sa auditorium, nag fill up siya ng application form.. sampu yata silang mag aaudition, number 6 siya

habang naghihintay ng turn niya ay pinapanood nila ang ginagawa ng mga nag aaudition, bawat isa sa kanila ay nilalapitan ni meggie at sinasabihan ng goodluck, o kaya naman "ang galing galing mo"

todo support lang siya

director: okay next, number 6 please

meggie: (ayos ng sarili) lakad papunta sa stage

director: (tingin sa paper, tingin kay meggie,may slight asim ng mukha factor) name?

meggie: meggie po, meggie star.

director: star talaga aplido mo?

meggie: hindi po, screen name po. idol ko po kasi si sharon cuneta, tapos bagay po sa pangalan ko, tapos nakaka artista po pakinggan. meggie star.

director: okay kung san ka masaya, start

meggie: (taas mga kamay, nakababa daliri, sway sway lang, walang words)

director: ano yan ano yan? wala ka bang balak magsalita, 5 mins ka ng ganyan

meggie: direk, puno po ako, tree. d naman nagsasalita puno, ganito lang po, hinahangin hangin wooo.

director: can you do something else?

meggie: opo! (umupo parang palaka) kokak kokak koooooooookak

director: (imbyerna na, rolls eyes) uhmm... meggie, may alam ka ba na tao role?

meggie: ay opo, meron po.

direktor: (sisigaw) do it!! do it now!!

meggie: (humiga sa stage, in a mahinang boses) yuyung mga ba..ta... ikaw na bahala sa kanila. (dead)

direktor: ay jusko, naging tao nga namatay naman agad! next!!!

after mag audition ng lahat ay pinatawag silang lahat, naka pila sila sa stage.

director: salamat sa mga nag audition, magaling kayong lahat. sadly hindi naman lahat ay matatanggap. kailangan lang namin ngayon ng dalawa, when I call your number, please step forward. number 4

meggie: (nakapikit,kinakabahan, feeling kasali sa Ms. Universe)

direktor: number 6

meggie: (didilat,sisigaw) woooo thanks po, salamat po. (with punas punas mata ala Ms. Universe)

direktor: ay hindi, number 6 wallet mo ba yan nahulog.

meggie: (tingin sa floor) ay opo..

direktor: and number 9, 4and 9 congrats, the rest salamat sa time.

meggie: direk, wala po ba #6? baka po nabaliktad lang si 9?? (umaasa pa din)

director: (tingin sa papel) oh... wait wait, im sorry..

meggie: (nakangiti)

director: WALAAAAAA!!! stress!!!



WANTED: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon