Sa backstage, nag aayos ng gamit si meggie. mag isa na lang siya, halos umalis na ang mga kasabayan nag audition.
meggie: (bukas ng bag) ayos lang yan meggie, siguro hindi para sa yo,pero wag kang susuko. (bukas ng wallet, nakatingin sa picture ng pamilya, maiiyak habang sinasabi) inay, itay, okay lang po, siguro hindi ito yung moment ko pero hindi ibig sabihin hihinto ako, pero ....... (break down)
clap clap clap (may pumalakpak sa kwarto)
meggie: (gulat) uhmm... pasensya na po
director: kaya mo naman pala, sana ganyan ang ginawa mo kanina, puno, palaka, patay??
meggie: yun po kasi mga nagawa ko ng rokes dati sa play.
director: alam mo kanina, nung nakikinig ako sa yo, theres something in you, nakakadala ka pag malungkot ang eksena. may mga taong madrama, nagdadrama, o malungkot pero hindi tatagos sa yo, but you, I must admit tinagusan ako sa yo.
meggie: direk lalake ka, anong tagos?
director: I mean yung emotions gaga. well, looking at it, I have one more role reserved. pero I dont think youre ready for it, I mean pwede pero kulang pa.
meggie: (nabuhayan) direk, kahit ano pa yan im ready for it, pag labas ko pa lang sa sinapupunan ng nanay ko ready na ko, umiyak na ko agad. promise!!
director: nagka bf ka na ba?
meggie: ay direk no no no, dapat studies muna
director: exactly!
meggie: so tanggap na ko?
director: exactly my point, kailangan ko ng isang babaeng nabroken heart, thats the role na kailangan. sadly, you dont fit in. thanks meggie. (direk talikod)
meggie: ....
director nakalakad na 4 steps
meggie: direk!! kaya ko ang role!! mabobroken heart ako, pag aaralan ko, ieexperience ko, direk!!!
director: (ikot dahan dahan,balik kay meggie) well lets see, target play is in 3months, bibigyan kita ng chance pero isa lang.
meggie: opo opo direk!! salamat po!! ibig sabihin po ba pasok na ko?
director: on probation.
meggie: yahoo!! direk salamat po!!
BINABASA MO ANG
WANTED: Heartbreaker
RomanceBata pa lang si Meggie ay pangarap na talaga niyang maging artista. Wala siyang ibang ginusto kung hindi ang maging isang sikat na artista, ito ang ultimate dream niya. Never siyang nawala sa mga school play, lagi siyang cast, naging puno na siya, p...