Kabanata 1 - Ako at Siya

117 10 17
                                    

Daniel's POV

"Daniel".
Ako nga pala si Daniel tubong Marikina, isa sa mga Lungsod ng Maynila.
Dalawamput apat na taong gulang.
Nagmamahal sa bansang Pilipinas.
Nagmamahal sa Magulang.
May sariling mundo.
Isang mabuting kaibigan.

Nagmamahal sa isang taong..

***You have received a new message, sinyales na akoy nakatanggap ng mensahe sa aking telepono.

'Goodmorning bi. Kagigising ko lang po. Iloveyou '- mensahe na aking nasilayan sa hindi kagandahang telepono.

Mikaela, ngalan nang aking sinisinta. Sa madaling salita, kasintahan sa telepono. Malabo ang kaniyang pagkakakilanlan, pili lamang kasi ang mga impormasyong binigay niya sa akin sa kung anong katauhan meron siya at sa kung saan nga ba siya nakatira. Ang huling sabi niya sa akin ay ang lugar ng Baguio

Pitong taon na.
Pitong taon na kaming naguusap.
Nagkakatext.
Nagkakachat.
LDR. (pinaikling salita sa ingles)
Hindi pa naghahawak.
Hindi pa nagkikita.

Pero minamahal ko padin ang taong tulad niya. Minsan nga'y sumasagi sa isipan ko kung tunay pa nga ba siya o isang kathang isip lang.

Papasok ang tugtuging:
Someday its gonna make sense sa aking mp3.

Papasok ako sa kwarto.

Lalakasan ko ang mp3 hanggang sa hindi ko na marinig ang iba pang mga ingay.

"ano ba yang mga tugtog mo parang mga pang demonyo", sigaw ni Mama.

Hindi ko pinansin ang sabi ni mama.

Bumalik ako sa gawain ko.

Bumalik ako sa sarili kong mundo.

"hi bi goodmorning din. I miss you. I love you". Matulin kong sagot sa mensahe niya.

Dahil Unli-call at text ang Sun cellular (Isa sa mga telecommunication company sa Pilipinas). Panandalian ko siyang nakapalitan nang mensahe.

"bi bababa ako bukas ng manila ipapacheck-up ko si daddy".Masayang banggit ni mikaela.
"Sige bi saang banda? Baka pwede tayo magkita".
"sige after ng check up nya dadaanan kita
susunduin kita. Igala mo ko ah".
"sure bi excited na ako :) sana magkita na tayo. Sobrang sabik na ako sayo". Sagot ko na animo'y katapusan na ng mundo.

Ang mga katagang nabitawan ko sa kanya na "Sobrang sabik na ako sayo..." ay naging dahilan para..

***the number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Para sagutin ako ng operator ng ganiyan.

Dali-dali akong nagpadala nang mensahe sa kanya.

'bi asan ka na? Kanina pa kita inaantay. Pupunta ka pa ba?'.

1
2
3
4
5
6
7
50

50 beses ko nang kausap ang operator nang telepono.

11pm narin naman.

Nagpadala ulit ako ng mensahe sakanya.

'bi gabi na. Asan na kayo? Nag-aalala na ako. Hindi pa kita matawagan dahil patay ang telepono mo.'

Biglang umilaw ang aking telepono.

***Calling BabyMiksz.

M: bi sorry nasira ang phone ko. Nakiinsert lang ako. Hindi na ako nakapunta kasi may emergency sa bahay nandito na kami sa bahay. Sorry bi. Next time nalang.

D: baby saan ka ba nagpunta nag alala ako. Ano ba nangyari? Ok lang,sa susunod nalang. Magpahinga kana, alam ko pagod ka sa pagdadrive mo. Kumain ka na ba? Sige na matulog ka na. Goodnight bi. Iloveyou.

I Have Found The One Whom My Soul Loves❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon