Hello?

770 19 9
                                    

A typical Highschool love story.

Written By: HoiiHoii

-- --

Ako si Kathreen Joie Lozares. "kai" for short. 15 yrs. old

Serious type.


At hindi rin pala ngiti.

Mabait naman ako.... weirdo nga lang at masungit (yun ang sabi ng iba).

Ewan ko ba kung bakit ako naging ganito kasungit. Siguro nung sinabi sakin ni mama na ililipat na niya ko ng school. Oo yun nga ang dahilan. Sa tuwing naiisip ko kase naiirita ko. Ewan ko ba hindi mawala sa isip ko. Mahirap ng mag-adjust noh. Lalo na fourthyear highschool na ko this school year. Nakakaloka si mama! Kung kelan patapos na ko ng highschool tsaka pa ko nai-transfer sa ibang school. May saltik din 'tong nanay ko. Buti di ko namana.

Ayun nga, wala naman akong magawa kase si mama ang nag papa-aral sakin sino ba naman ako para magreklamo. Pero kasi mahihiwalay na ko s amga kaibigan ko nakakalungkot huhuhuh!

Sabi ng pinsan kong si mara, marami daw gwapo dun sa bago kong lilipatang school. Doon kasi nag-aaral yung kapitbahay niya na kaclose niya. At yon, inggit na inggit ang bruha. Gusto niya ding pumasok doon. Eh pake alam ko sa kanila?! Makakain ko ba yung kagwapuhan nila? Yayaman ba ko sa mga pagmumukha nila? Hindi naman di ba. Pero wala na kong magagawa. Naka-enroll na ko. =_=

One week na lang at pasukan na. Kaya naisipan kong bumili ng bagong gamit sa school. Pumunta ako ng SM sa may malapit sa'min. Oo ako lang dahil ayaw ako samahan ni mama kasi malaki na raw ako. Hello! Yung age ko lang ang tumataas at hindi ang height ko. Pero sige, sanay nanaman ako mag-isa. (Charot humuhugot!).

Dumiretso agad akong national bookstore at una kong binili ay notebook at iba pang school supplies. Sumunod ay sa department store para mamili naman ng sapatos at bag.

*kroooo kroooo

Nakakagutom -_-. At ang bigat ng dala ko! Kaya naisipan kong pumunta ng Mcdo para kumain. Buti na lang binigyan ako ni mama ng pera :D hihihi.

Agad naman akong nakahanap ng bakanteng mesa kaya di na ako nahirapan pang maghintay sa mga matatapos kumain. Binilisan ko ang pag kain para makauwi na agad para di na maabutan pa ng hapon. Mahirap na kasing gabihin lalo pa't traffic.


Bago lumabas ng mall, nadaanan ko ulit yung National Bookstore kung saan ako bumili ng supplies. Nakaagaw pansin sa'kin yung isang libro na nakadisplay sa salamin.

Woah! Ito yung book na gustong gusto ko!

"Ay ate, gusto nyo po ba yang libro?" Tanong ng babae. Nakita ko sa polo niya may nakalagay na logo ng National Bookstore. Siguro nagttrabaho siya dito. Baka nagcr lang kaya nasa labas? Ay ewan.

"Oo po. Di lang ako makabili kase wala pa kong pera eh. Pero bibilhin ko na siya ngayon may extra pa naman ako a bigay ng mama ko" masigla kong sagot.

"You're so lucky ma'am! Last na po yang stock namin eh. Sobrang
Mabenta po kasi talaga. Pasok na po kayo at bilhin nyo na bago pa po kayo maunahan!" Sabi ni ate habang nakangiti sakin.

*Kung di ka ba naman isa't kalahating tanga eh kumaripas ka na ng takbo at baka maunahan ka pa! walang mangyayare tutunganga ka lang dyan sa labas! mukha kang timang! Hala sige, takboooooo!!

At dahil nga sabi ng konsensya kong mapanglait eh tumakbo na ko para kunin yung libro.

Eto na. Abot kamay ko na yung libro!

Hello? (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon