Page 5

18 2 0
                                    

Dear Diary,

Pagkapasok ko sa school dumirestso ako sa locker ko para tingnan yung mga gamit na naiwan ko kahapon..

Sa hindi inaasahan, may maliit na box sa loob.. Alam kong wala akong nilagay na box kahapon..

Baka sa ibang tao yun, eh may pangalan naman yung mga locker namin dito eh..

Binuksan ko ng pakonti konti baka Prank ito.. Bigla siyang bumuka.. Explosion Box yata ang tawag dun..

Effort na effort ang pagkagawa, may pangalan ko sa gitna..
Pero kanino galing.. Hindi ba yung sinabi ni James na nagkakagusto saakin ang nagbigay nito?

Inilagay ko na lang ulit ang box sa locker ko kasi malelate na ako sa klase..

Pagkarating ko sa Classroom, ang ingay.. Yung mga girls, tumitili at kinikilig..
Nang makarating ako sa upuan ko, tinanong ko si Jane..

"Anong nangyayari? Bakit sila ganyan?" Sabi ko sakanya..

"Meron kasing nagbigay ng mga Box sakanila, kaya ayan kinikilig." Sabi niya habang nagsusulat ng lecture niya..

"Kanino daw galing yung mga Box na yun?" Tanong ko ulit sakanya..

Tumingin siya saakin bago magsalita.. "Si Marco Benjamin, yung bagong transferee student.."

"Bakit hindi ko alam na may nagTransfer dito sa school?"
Tanong ko sakanya..

"Alam ng buong Campus, hindi mo alam?" Nakakunot yung noo niya nang sinabi niya saakin yun..

Hindi ko talaga alam kung bakit alam ng buong Campus na may Marco Benjamin dito sa school at ako lang ang walang nakakaalam dun..

Am I too busy? Sabagay, andaming ginagawa lately..
Pero hindi talaga ako makapaniwala..

Habang hinihintay namin yung Teacher namin, biglang nagsilabasan yung mga kaklase kong mga babae..

Tumitili at sumisigaw, meron bang artista na dumating?

Hindi ako mapakali, lumabas na ako at tiningnan kung sino yung dumating..

Pagkakita ko, isang lalaking Chinito at parang mukhang ChickBoy.. Nakita ko siyang kumindat dun sa isang babaeng sumisigaw.. Ayun, nahimatay tuloy yung babae..

Hindi ko na lang pinansin kasi may gagawin pa ako..

Nang papasok na ako, sakto naman yung teacher namin ay dumating na..

"First of all, Meron kayong bagong classmate" sabay sabi niya..

At may pumasok, at biglang nagsigawan ung mga kaklase kong babae..

"Hi, My name is Marco Benjamin.." Nakatingin siya saakin habang sinasabi niya yun..

Hayy jusko, nabibingi na ako sa sobrang ingay ng mga tili ng mga kaklase ko.. Hindi sila makapaniwala na classmate namin ang bagong transferee student..

Ayaw ko sa mga ganyang lalaki, nakakairita lang..
Ang masaklap pa sa lahat, itinabi saakin si Marco..

Hanggang dito na muna,

-Love Mayanne.. xoxo

Diary ng Loveless: Second Chance?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon