Page 2.2

25 1 0
                                    

Dear Diary,

Nabitin yung kahapon, kasi naman si Dan pumasok bigla sa kwarto ko. Ewan ko kung paano siya nakapasok sa bahay.

Si Dan ay isang matalik kong kaibigan na hindi ganoon kaklose pero magkasama kami lagi.

Dinala niya ako sa place nila Rain para daw turuan namin siya. Tutor daw. Nagulat naman ako ng nakita ko si Eli.

Si Eli ay magandang babae na kasing ganda ng Boses niya.

"Hi Mayanne!" Kaway ni Eli saakin.

"Hi! Buti nandito ka?" Tanong ko sakanya.

"Sinundo ako ni Dan sa bahay ng walang dahilan." Sagot niya saakin.

Napatango na lang ako at umupo sa tabi ni Dan.

Nagsimula na kami sa pagtututor kay Dan..
Ang hirap niyang turuan.. Ang gulo gulo niya, lagi siyang nadidistract sa mga bagay bagay.

Ilang oras na yung nakalipas, natapos din. Nakapagpahinga na kami..

Then meron biglang naisip si Dan..

"Malapit na Birthday mo, Mayanne!" Sigaw niya malapit sa tainga ko!

"Arayyy! Gusto mo ba akong mabingi! Grrrrrr!" Sigaw ko sakanya habang hinahawakan yung tainga ko.

Oo nga noh, Birthday ko na pala. Bakit hindi ko namalayan? Ang bilis bilis naman ng panahon. Parang kailan lang nung nagbirthday ako ah..

Pagkatapos ng mahabang Kwentuhan kasama sila, hinatid ako ni Dan sa bahay..

"Mayanne" bigla niyang sabi nang malapit na kami sa bahay..

"Oh?" Napatingin ako sakanya

"Sa tingin mo, Gwapo ba ako?" Hindi siya makatingin ng diretso

"Seryoso?" Napailing na lang ako at tumingin sa daan..

"Nakikita mo naman yung mga kaklase natin may mga Lovelife, paano naman tayo? WALA!" Sambit niya habang nalulungkot siya..

Nagulat ako sa sinabi niya, anong ibig sabihin ng Tayo niya? Bigla akong kinabahan.. Baka may gusto siyang sabihin na hindi niya kayang sabihin ng harapharapan..

"Ano bang gusto mong sabihin.." Sabi ko ng paiinis.

"Ang gusto kong sabihin ay--" naputol ang kanyang sinasabi dahil biglang nagring yung Phone niya at nasa tapat na rin kami ng bahay namin..

Sinagot niya yung tumatawag.

Pumasok na ako, hinihin tay ko siyang umalis..

"Ah! Sige, bukas nlng Ingat!" Sabi ko pagkatapos niya sa phone.

"Haha, sige bukas nlng! Byeeee!" Kumaway siya at umalis na..

Nakakapagod yung araw ko ngayon. Dahil yan kay Dan! Sana sila Rain at Eli nlng yung nagturo sakanya.. Haaaaayyyyy..

Hanggang dito nlng, bukas ulit!

-Love, Mayanne <3

Diary ng Loveless: Second Chance?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon