Chapter 31 (Wake Up)

26 0 0
                                    

(now playing: Without you Aj Rafael)

After 2 Months...

JM's POV

Nagising na lang ako ng may kumalabit sakin.

Nakita ko si Mia. Hindi pa rin sya gising. Pero nasa tabi pa rin nya ako

"JM.... Ijo.... Kailangan mo ng maghanap ng trabaho.... Graduate na kayo. At eto na ang time para maghanap.... Kami na bahala kay Mia..." Culinary ang Kinuha ko noon. Si Mia naman Fashion Designer. Eto na ba ang time? Siguro nga... Para sa future namin ni Mia para makaipon na rin ako.

"Sige po...." hinalikan ko yung kamay ni Mia.

"Wait for me Princess..." ngumiti ako.

"You are Hired..."

"Yes!! Thanks Boss!" sa isang oras kong paghahanap napalitan naman ng saya. Ang saya ko! Para to kay Mia.

Nahired ako bilang assistant Pastry Chef. Ok lang kahit na assistant lang ako. Basta pagsisikapan ko maging Official Pastry Chef.. Para sa future namin ni Mia. Masaya akong dumating sa loob ng ospital para sabihin sa kanila ang good news.

Pagdating ko dun. Ang lungkot ng mukha nila.. Kinabahan ako bigla.

"anong nangayari?"

"JM...." umiyak na si Mika. Pumasok ako sa room ni Mia.

"Mia! Buti gising ka na!" tapos niyakap ko sya. Tinulak nya ako palayo.

"Sino ka?! Sino kayo?!" Para akong binagsakan ng langit at lupa. May amnesia sya??

"Nagloloko ka lang Diba Mia... Ako to si JM. Yung taong sasagutin mo na pagkatapos ng graduation."

"wala akong maalala..." Umiyak na lang sya.

"Wala akong maalala!" tapos pinupokpok nya yung ulo nya gamit ang kamay nya.

"Mia! Tama na!" tapos umiyak sya sa dibdib ko.

Nagpakilala kaming lahat kay Mia. Para baka sakaling maalala nya kami.

"Wala pa rin akong maalala..."

"Wag mong pilitin anak. Alam kong babalik din yan"

"Mia. Tutulungan kitang maalala ang lahat. Paglabas mo dito sa ospital lagi tayong magda date... Ipapaalala ko sayo lahat ng unti unti...."

"Ikaw ba talaga ang future boyfriend ko? Wala akong maalala... Pero sige. Gusto ko yung Mamasyal tayo..." ngumiti sya. Ngumiti na lang ako. Ayokong mapansin nya na nasasaktan ako.

"Say 'ahhh'" sabi ko kay Mia. Sabi ko kasi ako na magpapakain sa kanya. Responsibilidad ko bilang future boyfriend nya.

"Ako na. JM. Kaya ko na."

"Say please muna... Sabihin mo. 'Please Prince JM!'" Sinamaan nya ako ng tingin.

"Sige na nga. Oh eto." binigay ko sa kanya yung Apple na papakain ko sana.

"Prince ba talaga tawag ko sayo?"

"Oo. Maaalala mo rin ang lahat Mia. Sa tamang panahon."

"Sige na nga. Prince."

"I Miss you so much My Princess..."

"Princess?"

"Yes... Noon kasi late ka nagigising kaya tawag ko sayo sleeping beauty pero para maikli. Princess na lang."

"dami mo palang alam noon!" tapos hinampas nya ako. At ngumiti naman sya.

"Basta. Wag na wag mo na akong kakalimutan ah!"

"Syempre naman Prince."

"My Prince dapat."

"My Prince..."

"Aray!" Sigaw nya.

Itutuloy....

Pinagtagpo ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon