Chapter 27 ( Secret admirer)

29 0 0
                                    

Apat ang subject na ite- take exam ko. Maaga akong pumunta sa school para sa library na lang magreview dun kasi tahimik kapag sa bahay naman baka malate pa ako. Haayyy....... Hindi ako makapag review kasi pumapasok sa isip ko si JM. No Mia wala munang JM. Wala munang Love Love na yan. Kainis naman kasi ee!!!! Kapag talaga wala akong nakuha sa exam.... Pinilit ko na lang na magreview at hindi iniisip si JM.

"ay sorry..." ngayon basang basa na ako. Natapunan kasi ako ng tubig ng sino ba yon???

"Margarett??" napupuno na talaga ako dito sa babae na to ah! May galit ba to sakin? Sinamaan ko sya ng tingin pati tuloy yung libro na binabasa ko na nabasa!

"ano bang problema mo ha?" Naghu-hunos dili na lang ako dito.

"hindi ko sinasadya ah.... Hindi kasi umiwas yung statue natapon tuloy sayo." May nakatayo ksing statue sa gilid ko.
Lumabas na lang ako ng library. Para magpalit buti na lang talaga hindi nabasa yung palda ko. Yung Puting damit ko lang. Kainis naman kasi yun Margarett na yun interrupt pa sa pagre review ko.
Habang nagbibihis ako may biglang nagbukas ng pintuan ko. Nakabra lang ako. Nakalimutan kong isara yung Pintuan.....

"OMG!!" Sigaw ko. Si Margarett na naman? Ngumisi sya sakin tapos hinila nya ako palabas ng CR. Ah!! Wala pa akong Damit! Nagpupumiglas ako sa hawak ni Margarett pero hindi ko maalis alis yung kamay nya!

"Margarett!!! Ano ba?!!" ngayon pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante.

"bagay sayo yan yung mapahiya!!" tapos sinampal nya ako. Malapit na akong maiyak. Ang dami ng tao na nakatingin samin. Tuluyan na akong umiyak.

"ano? Iiyak ka na lang dyan? Magpapaawa? Ang galing mo ding umarte ee no?"

"ano bang problema mo sakin ha?!!"

"Inagaw mo si JM sakin!! Ang landi mo!!" tapos sinabunutan nya ako. Sinabunutan ko din sya.

"Mia!!!" biglang may dumating na lalaki. Bakit nya ako kilala? Tapos tinulak nya si Margarett palayo sakin. Umiyak na talaga ako. Tapos binigyan nya ako n Jacket para matakpan ko yung bra ko tapos niyakap nya ako.

"at sino ka naman ha??!!" inis na tanong ni Margarett.

"ako si Andre Nathan Magally. Ang Secret admirer ni Mianna Andrea De Villa."

"Wow Mia!! Nilandi mo rin ba to?" nilandi? Hindi ko nga yan kilala ee! Tapos binuhat ako nung Andre tapos Pinunta nya ako sa CR ng girls. Tapos binaba nya ako.

"sino ka ba? Bakit mo ko tinulungan?"

"Mia Magbihis ka na.... Ako nga pala si Andre Nathan Magally. Matagal na kitang pinagmamasdan sa malayo. At matagal na rin kitang gusto pero hindi kita malapitan. Hanggang sa dumating si JM. Nagparaya na lang ako kasi alam kong mahal mo din sya."

"stalker?" tapos tumawa sya.

"Maybe..." Pumunta na akong CR tapos nagpalit na ako. Bakit andaming hero na nadating sa buhay ko? Ganun ba ako kahalaga sa kanila? Wow!! Wag assumera di ka maganda!! Pagdating ko sa labas andun pa din si Andre.

"bakit ka pa nandito?"

"baka awayin ka ulit nung Malditang babae na yun ee." Tumawa ako.

"kaya ko na."

"pero hindi ka lumaban kanina? Alam kong mabait kang tao Mia kaya nga kita nagustuhan ee."

"hindi naman ako maganda ee!"

"maganda ka....." nagba blush na ako ah. Ang cute tsaka gwapo pa naman si Andre.

"tara hatid na kita sa room nyo."
Ang bait naman nya. Gentleman pa. Habang naglakad kami ang daming tumitingin samin gwapo kasi tong si Andre. Ang sama tuloy ng mga tingin sa akin ng mga babae.

Pinagtagpo ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon