Chapter 19 (Friends?)

48 0 0
                                    

Mia's POV

sunday na at tinanghali na ko ng gising dahil napuyat ako kagabi dahil sa monday daw may exam kami ng Math at Physics kaya hindi ako nakatulog kasi nagreview ako ng paulit ulit para perfect ako sa test.

"beep...." tumunog yung cp ko at tinignan ko kung sino yun. si JM.

'hi Mia pwede ba kitang yayain kumain ng lunch at magsimba na din tau tinanghali kasi ako ng gising ee. susunduin kita dyan after 30 mins.'

*END OF TEXT*

Tumayo agad ako at naligo at nagayos. usual dress lang naman magsisimba kami ee. ayokong magsuot ng dress na ang gara gara. parang hindi ko na ginalang ang panginoon. :)

.........

"beep! beep! beep!" sumilip ako sa bintana at nandun na yung sasakyan ni JM at lumabas na ko.

"JM!" lumabas agad ako. at lumapit sa kanya.

"Mia are you ready?"

"huh? saang ready?"

"ready sa pagsimba at kumain. Kumain ka na ba?" nawala sa isipan ko nakita ko kasi si JM ee. umiling ako.

"pagkatapos ng simba kakain tau."

"ok...."

........

pagkatapos ng Misa syempre nagisip na kami ni JM kung saan pwedeng kumain.

"saan mo gustong kumain?" tanong nya.

"kahit saan.... kung saan gusto mo." pumunta kami sa pinili nya sa Seafood's Restaurant. ang yaman talaga nya. treat nya daw ee. ang sasarap ng mga pagkain na nakasulat dun sa menu grabe! lahat gusto ko. kung pede lang bilin lahat ee. JOKES! ang pinili kong pagkain ay spicy noodles w/ rice. tapos na kaming kumain.

"saan mo gustong kumain ng dessert?" wow hindi pa ba sya busog?! grabe ang takaw naman pala si JM. busog na ko. hindi pa ba sya kuntento sa kinain nya ang dami nya kayang inorder! tapos dessert pa? haha bilib talaga ako sa kanya.

"kahit sa ice cream parlor na lang!"

"ok.... Tara!" nabigla na lang ako na hinawakan nya kamay ko at pumunta sa ice cream parlor. kakilig! jokes! ayoko ng easy to get.

Nakarating na kami sa ice cream parlor. pagkatapos naming um-order umupo kami sa isang bench dun. habang kumakain ng ice cream.

"meron kang dumi dito oh." unti unti nyang nilapit ang isang daliri nya pisngi ko.

"huli ka!" nilagyan nya lang naman ng ice cream yung pisngi ko. loko loko to ah!

"WAA!! HALIKA DITO! GAGANTI AKO!!" Hinahabol ko sya ang bilis nyang tumakbo lalaki ee. takbo pa rin sya ng takbo. pilit ko namang hinahabol para makaganti sa kanya. hindi ko napansin na may something dun kaya ako nadapa.
''Aray!! Tuhod ko!!" ang tanga ko naman oh! Si JM ay lumapit papunta sakin. Ang laki kasi ng binti neto kasi lalaki ee. Kainis ka JM!!
"okay ka lang ba?" tinignan ko sya ng masama.
"sa tingin mo ba okay ako. Nagkagasgas tuloy tuhod ko! Kung di ka lang kasi tumakbo ee!"
"Bakit mo kasi ako hinabol?" aba nakangisi pa sya. Sapakin ko sya ee! Di na ko nakaangal pa.
"Halika nga dito." binuhat nya ko.
"uy baba mo ako kaya kong maglakad!
"Di kita ibaba kung hindi pa tau nakarating sa kotse ko!!" hay.... Ayaw nyang magpatalo sakin edi nanahimik na lang ako. Hanggang sa ibaba nya ko sa tapat ng kotse nya.
"Wala naman bang thanks?...."
"Ang kapal mo ah! Pero thanks......"
"pwede ba tau maging friends?"sabi nya.
"Osige.... Friends na tau. Tutal mabait ka naman sakin..."
"Friends?" tinaas nya kamay nya pra makipagshake hands.
"Friends.." at hinawakan ko kamay nya. Ay hindi pala nakipah shake hands na pala ako... Hinatid na nya ko sa bahay. Dun nagtapos ang... Day namin ni JM.

Author's Note:
Sorry po di po ako nakapagupdate. Naging busy po ako. Basahin nyu na po. Thanks!


Pinagtagpo ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon