Tracy's POV
*creaakk*
Nanlaki ang mata ko at hinding hindi ko inaasahan ang mukhang makikita sa oras na binuksan ko ang pintong yon.
"B-Ba-Bakit---"
"Long time... No see?" at tuluyan na siyang pumasok na may kasama pang isang lalaki.
Ang rude naman nung lalaking kasama niya, ni hindi man lang ako binati. Pero... Anong ginagawa niya dito?! Anong ginagawa ni Linus dito?!
Nakatayo parin ako sa pinto at nakatulala kahit nakapasok na sila ay ganon parin ang posisyon ko, teka?! Wag mong sabihing---
"Uhm, anak ko nga pala... si Linus" pagpapakilala ni Tita Karen. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at para nalang akong napako dito sa harap ng pinto, kung ano ang posisyon ko nung pinagbuksan ko sila ay ganito parin ang pwesto ko ngayon. Hindi ako makagalaw... Hindi ko din alam kung bakit. Naguguluhan ako..
BAKIT NGAYON PA? Kung kelan sinusubukan ko na siyang kalimutan. Bakit ngayon pa talaga? Pwede namang bukas diba?! JOKE LANG!!! Di parin talaga pwede kahit kelan pa! Wag na siyang magpapakita sakin para maging malaya at napakasaya na ko sa buhay ko please lang.
Pero anong magagawa ko? Andito siya ngayon sa harap ko... And the worst part is anak siya ni Tita Karen?
Halo halo ang nararamdaman ko ngayon...
Kaba...
Galit...
Ilang...
Asar...
UGH!!
Bakit naman kung kelan in progress na ko mag move on?! Tapos ugh ngingitian niya ko ng parang walang nangyare?!
Naglakad nalang ako papunta sa dinning table and I try my best to look emotionless. Wala sa isang Tracy De Vera ang nagpapakita na nasasaktan siya at nahihirapan.
"Nice to meet you Stacy" sabi ni Linus kay Stacy at nakipagshake hands...
Bigla nalang siyang napatingin sakin! Oh c'mon! Wag mong sabihing pati ako?! Tinignan ko siya ng napaka samang tingin. Aba?! Subukan nalang talaga niyang i-abot yang kamay niya subuk subu----
"Nice to meet you din, Tracy" nakangiti pang nakatingin sakin ang unggoy! Dukutin ko mata niyan eh
Inabot ko na din ang kamay ko para hindi naman siya mapahiya.
"Not so nice to meet you, Linus" at binigyan ko siya ng napaka tamis at pekeng ngiti. Halata nanan sa mukha niya na ineexpect na niyang may sasabihin akong hindi maganda. Aba buti naman! Kesa naman isipin niya mabuti parin ang pagtrato ko sa kanya pagkatapos ng mga ginawa niya sakin! Hello? Ano ako? Magpapakatanga sa kanya?! Never!
Hindi nga yon ikinagulat ni Linus, pero ikinagulat naman yon nila Mama. Binigyan ni mama sila Tita Karen at Tito John ng pekeng ngiti na nagpapahiwating na "pagpasensyahan niyo na siya"
"Eto naman si Chase, anak ko" Sabi ni Tito John. Pero yung Chase ni hindi man lang natingin samin. WTF. Ang bastos naman nito!
Sabay naman si Stacy at Mama na tumingin dun sa Chase at tumingin sakin at inulit pa nila 'to ng tatlong beses
"Anong pro---" naputol ang sasabihin ko ng napansin kong sabay at pareho kami ng sasabihin nitong Chase na toh.
"Anong problema niyo ha?" Nagkatanginan kami saglit at parehas kaming matalas ang tingin. Mukha din namang natakot si Stacy sa sinabi ni Chase.
BINABASA MO ANG
When destiny finally decides
HumorBabae, madalas na piliin ang taong gusto nila pero hindi ang taong kailangan nila... Kaya nga sa panahon ngayon ay maraming nasasaktan... Pero sa storyang ito? Ano ang kanyang susundin? Ang puso o ang utak? Ang taong gusto mo? O ang taong kailangan...