Chase' POV
Bumisita ako saglit sa bahay pero mali yata ang desisyon ko kasi nandito si Tanda at alam kong dadaldal lang naman siya ng dadaldal. Tsk nakakairita.
"Tama na, anak. Kalimutan mo na siya" sabi na naman ni Tanda. Ano bang paki niya sakin? Tsaka nakailang ulit na ba naming pinag usapan toh?!
'EH ANO BANG PAKI MO HA? EH SA AYAW KO SIYANG KALIMUTAN EH!"
"Wala lang mangyayare kung aasa ka, dahil di na siya babalik"
"WTF ARE YOU SAYING?! AT BAKIT BA NANDITO KA SA KWARTO KO?!" pagkasabi ko non ay napailing nalang siya at lumabas na. P*ta istorbo ah.
Ganyan naman yan simula nung---Teka ano kayo sinuswerte? Bat ko naman sasabihin sainyo?!
Napatingin na naman ako sa picture frame, laman non ay litrato niya. Miss ko na siya, pero kahit anong gawin ko hindi na siya babalik. Tsaka nakakatakot yun noh, mabubuhay yung patay. Nakuha ko pang mag joke t*ngina.
***
"Ano ba yang ginagawa mo! Itigil mo na nga yang paninigarilyo mo!" Sabay hugot niya ng sigarilyo sa bibig ko hinagis at tinapakan
"Hoy! Ano sa tingin mong ginagawa mo ha?"
"Tinitigil ka sa paninigarilyo" Sabi niya ng may maliking ngiti sa mukha niya.
"Tss" Ayun nalang ang nasabi ko.
"Tara na bespren! Susulitin pa natin tong mga nalalabing oras ko!" Napahinto ako sa sinabi niya, pinapaalala na naman niya na may taning na yung buhay niya. Sabi ng wag ng ipaalala eh.
Bumabalik yang mga ala alang yan tuwing dumadalaw ako sa puntod niya, puntod ng bestfriend ko na mahal ko. Mahal ko ng patago. Cliche? I know. Hindi niya ko mahal kasi may boyfriend siya at kitang kita sakanila na mahal nila ang isa't isa at nakakapeste kasi ako ang laging kasama ako pa ang hindi minahal! PUSANG GALA
Dito lang din naman ako laging pumupunta. Sa puntod niya. Hay. I'm hopeless. Oh anong paki niyo?
Pumunta ako sa condo ko kasi nandun yung mga kumag, nandito palang ako sa labas eh rinig na rinig ko na pagbubulungan nila...
"Ayan na pala siya eh. Oh guys sabay sabay!" Sabi ni Xander nung pagkapasok na pagkapasok ko Ano na namang pakulo toh?
"po-po-po-poker face po-po-poker face! HAHAHAHAHAHA" Sabay sabay nilang kanta at tawa. Mga gago talaga toh.
"Mga bading! Pano niyo alam yang kanta ni Lady Gaga?" tanong ko.
"Eh pano mo alam yung singer? Ay parte ka na ng group, sister!" sagot ni Kyel na may papaltik paltik pa ng kamay na para talagang bakla.
"Siraulo!" Sabay batok ko sa kanya. At tawanan naman silang lahat.
Nandito kami sa bahay ni Zack,
"Oh anong problema pare?" Tanong ni Linus. Oo kasama din sa tropa yan =___=
"Away na naman kayo ng tatay mo?" Sunod na tanong ni Zack
"Sana kinarate mo! HA-YA!"
*boooog*
Sabi ni Xander ayan pasipa sipa pa ng mataas, t*ngna nadulas tuloy buti nga.
"Oh teka eto muna! Anong isda ang magaling sa karate?" tanong ni Kyel
"Si Xander kasi mukha siyang isda."Seryosong sabi ko.
BINABASA MO ANG
When destiny finally decides
HumorBabae, madalas na piliin ang taong gusto nila pero hindi ang taong kailangan nila... Kaya nga sa panahon ngayon ay maraming nasasaktan... Pero sa storyang ito? Ano ang kanyang susundin? Ang puso o ang utak? Ang taong gusto mo? O ang taong kailangan...