Tracy's POV
Lumipas ang mga araw at friday na ngayon. Sa mga araw na nagdaan ay hindi na ko kinukulit ni Syv dahil lumipat na ko ng upuan at subukan niya lang kundi masusuntok ko na talaga siya. Peste.
Pero hindi nga ako kinukulit ni Syv pero yung kaibigan naman ni Stacy na si Jesh kung nakakairita si Syv, mas nakakairita naman si Jesh. Di ko lang mapatulan kasi babae.
Teka? Parang pang lalaking line yun ah? Oy hindi ako tomboy ah, nagkalovelife nga ako, kaso mapait. Napakapait!!! Napaka! Sobra!
*Craaaack*
Nagulat ako sa nagawa ko. Nagulat din yung mga katabi ko. Naputol ko kasi yung lapis na hawak ko.
Bakit ba ganito epekto sakin ng Linus na yon.
Teka?!
Ayy!!!
Grabe! Nakayanan ko sabihin yung nakakadiri, nakakaasar at nakakasuka niyang pangalan! Ew!
Nagtuloy ang araw ko ng walang nangyayareng espesyal. Bakit? Kelan ba meron? Bakit nga ba ako ang nagawa ng POV? Ang boring naman ng buhay ko.
Stacy's POV
Nakakatuwa kasi excited na talaga ko kung sino yung bisita nila mama ^____^ na iissue na din kasi ako kung sino.
And! Minsan lang mag imbita si mama ng someone para sa dinner. At ipapakilala din daw kami. Hmm, sana mabait sila noh?
"Hi babes" pagkausap sakin ni Syv. First time niya lang ako kinausap simula nung nagpalit kami ng upuan ni Tracy.
"Uhmm.. Hi?"bati ko sa kanya ng may napakalaking ngiti
"Wow, iba toh sa kambal niya ah." Bulong niya sa sarili niya.
"Huh? Ano yon?" Pag usisa ko.
"Wala. Sige" sabi niya at nakinig na. Kaya binalik ko na rin ang atensyon sa teacher. Weird.
Naglakad na kami ni Tracy pauwi. Sa totoo lang gustong gusto ko na talagang umuwi. Kanina ko pa nga siya minamadali at kinukulit, kaso tumigil na ko kasi binigyan niya ko ng deathly stare at nakakatakot talaga!!!
Kaya sinabayan ko na siyang mag ayos ng gamit pero kasi! Ang tagal niya kumilos gustong gusto ko na talaga umuwi!!
Ehhhh.
"Uhmm... T-Tracy! Pwede na ba tayo umuwi?" Natatakot kong tanong.
"Hindi ka ba pwedeng maghintay ng saglit?" Cold niyang sagot. Huhuhu.
"K-kaya ahehehe " sabi ko nga hindi na ko magtatanong eh. huhu monster
"Bakit ba ang bilis mo maglakad? Natatae ka ba?" Tanong ni Tracy.
"Uhhh.. Hindi hehehe. Excited lang talaga ako"
"Pfsh" tipid niyang sagot.
Nagmamadali parin ako maglakad pero habang naglalakad ako lalong lumalayo sakin si Tracy bagal niya kasi maglakad eh huhuhu. Nananadya ba siya? huhu
Kaya tumigil ako at hinintay siya para sabay kami, sige na nga hindi na talaga ko magmamadali. Kapag napapaisip lang talaga ako kung sino yung pupunta sa bahay parang na eexcite talaga ako Bakit kasi di nalang sinabi ni Mama? huhuhu.
Papalapit na kami ng papalapit sa bahay...
Eto na...
Eto na!!!
BINABASA MO ANG
When destiny finally decides
HumorBabae, madalas na piliin ang taong gusto nila pero hindi ang taong kailangan nila... Kaya nga sa panahon ngayon ay maraming nasasaktan... Pero sa storyang ito? Ano ang kanyang susundin? Ang puso o ang utak? Ang taong gusto mo? O ang taong kailangan...