Chapter 2 "Inspireday Tuesday"

14 0 3
                                    

So as you can see tuesday ngayon.
Maaga pa akong gumising kasi may homework kami at kaylangan kong pumasok nang maaga para maka hanap ng answer sa mga classmate ko at para makatulong din sa kanila kung ano ang meron ako. Ambait ko di ba? Hahahaha. With halo pa.

Pagpasok ko sa room...
Andyan na siya. Naka upo sa kanyang pwesto. Nagsusulat. At tila tumigil ang mundo ko pagkakita ko sa kanya.

"Charm may mga sagot kana sa lahat nang exercises na dapat sagutan? Pa copy naman oh." Di pa nga ako nakapag salita kinuha na ni Mimi ang libro ko. -_- wow.

Umupo ako sa tabi ni Chance dahil malapit ang electricfan dun kaya may rason ako na mapalapit sa kanya.

"Lahat na ba nasagutan mo?" Tanong ni Chance sa akin in a cold tone habang ako ay nakatingin sa iba at tumatawa. Biglang tumigil ang pagtawa ko nang napagtanto kong kinausap niya ako.

"Hmmmm. Medyo yung iba di ko pa nasasagutan ikaw ba? Nasagutan mo na lahat?" Nahihiya kong sagot sa kanya.

"Di pa nga eh."

"Ah okay. Hanapin mo lang sa libro nandiyan lang yung mga sagot"

Tumango lang siya at nag patuloy na sa pag sagot nang sariling libro. Konting usapan lang pero umagamg umaga buo na araw ko. Kahit cold siya nagiinit parin ang nga mukha ko tuwing malapit ako sa kanya.

Dumating na ang mga teacher at pinapasa na sa amin ang mga assignment namin. Ngunit ipapabalik din ito kasi echecheck nang iba mong clasamate ang assignement mo.

So ayun. Hinanap ko ang papel ni Chance kasi baka napunta sa row ko kaso wala eh. Nag check nalang ako. Hayyyy. Nang matapos na nag salita na ang teacher na ibalik na daw sa may-ari nang papel ang assignemnt nila.

Kaso lang tatayo na sana ako nang biglang lumapit sa akin si Chance at ibigay sa akin ang assignement ko. Kaya kinilig nanaman ako nang sobra. Pinicturan ko pa yung pangalan niya kasi may corrected by.

Wala nang klase pagkatapos nang unang subject namin dahil sa busy daw ang faculty. Kaya eto nakatunganga lang sa school walang magawa. Umalis kasi sina Chance. Makapag facebook na nga lang.

Status: What a beautiful day to start.
                 #InspiredDayTuesday

Post!

Pop! (kunwari facebook pop yan na may notification :D pagpasensyahan na si author di marunong sa sounds)

Ice Chiu liked your status.
Ice Chiu commented on your status.

Aba ano kaya to? Lokong to?

Status: What a beautiful day to start.
                 #InspiredDayTuesday

Ice Chiu: Beautiful talaga ang araw di ba Charm? Inspired din kasi ako tulad mo.

Charm Cruz:  paki ko! Torpe ka naman aminin mo na kasi sa crush mo na crush mo siya para tapos ang problema.

Ice Chiu: Wag na masasaktan lang ako. :'( alam ko naman na di niya ako gusto. Iba ang gusto niya. :(( . Ikaw kaya ang umamin tignan natin kung kaya mo.

Charm Cruz: ano naman ang aaminin ko? Huh? Ice? Kawawa ka naman move on na dre.

Ice Chiu: Ikaw kaya mo mag move on sa kanya? At tsaka gusto mo ba talagang ecomment ko dito kung kanino ka aamin? Wag mo akong maliitin madami akong alam.

Charm Cruz: hoy! Wag kang ano. Shattap lang okay? Oh sige na. Gotta go lalakwatsa na ako!

At ayun gumala kami nang mga kaibigan ko sa isang mall. Hinihintay hanggang sa oras nang susunod namin klase.

Grabe! Kaninang umaga ang ganda nang araw ko. Ngayong hapon mukhang masisira ito nang bonngang bongga. Una, nag bigay si maam nang surprise quiz. Nakakasurprize nga ang baba nang score ko eh major pa naman yun! Pangalawa, wala lang. Di na ako pinanapansin ni Chance :(. Pangatlo, di parin kami group mates sa isa pang subject?! Ba't ganun di ata kme destined. Huhuhuhu.

Pagkatapos nang last subject namin napadaan kaming lahat sa isang science exhibision parang ganun. Tapos may manga alive at preserved animals dun.

A tarantula caught my attension. It was color orange and really a huge spider, and surprisingly even it has poison that could probably kill me. I REALLY WANTED TO HAVE ONE! Yaaay. Hehehe.

Habang humahanga ako sa tarantula na nasa aquarium tumabi sakin si Chance.

"Mukhang di ma alis tingin mo diyan sa gagamba ah?" Sabi niya.

"Tol, baka gusto ni Charm nang ganyang pet kaya di maalis tingin niya." Charm nakita mo na ba ang ahas dun?" Sumbat nang gwapong si Ford na pinakaclose ko sa kanilang lahat.

"Waaah. May ahas? Samahan mo ako dun Ford pleeeaaase." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Sinamahan ako ni Ford dun sa may ahas. Nakasunod sa amin si Chance. Nakalimutan ko na siya because i was really exited about the animals na. Na disappoint ako. Anliit nung ahas. Akala ko panaman yung malaki.

"Hahaha. G*go ka Ford akala ko malaki. Yung kaya akong lunukin. Hahahaha" Tawa ni Chance. Ang gwapo niya.

"Ford naman eh! Nakakadisappoint. Tama si Chance!" Dugtong ko.

"Wala naman akong sinabi na malaki ah? Sabi ko may ahas yun lang. Makapanumbat tong dalawang to nakakaoffend." Sagot ni Ford. Nag act pa ang loko na parang nasaktan talaga sa mga sinabi namin.

Nafacinate talaga ako sa mga animals na nandun. Ang gaganda din nung mga isda.

"Charm? Anung gusto mong pet?" Tanong sakin ni Chance.

"Yung tarantula. Hahaha. Di nga hamster."

Lumapit kami sa aquarium na may laman na pagong. At napahugot ako.

"Alam mo ang feelings ni crush para sa akin parang paggong. Ang slow dumating eh"

"Hahahaha. Atleast di ba darating?" Sumbat ni Chance.

Kinuha ko yung pagong sa aquarium ni lift ko siya bale. Di kasi ako takot dun eh kasi nanghuhuli kami nun sa probinsya. Tuwang tuwa sila dahil lumabas sa bahay niya yung pagong. Parang di nahihiya sa ma tao. Hahaha.

Nang tapos ko nang makita ang lahat lumabas na ako dun. Kompleto nanaman araw ko. Hahaha. May improvement na kami. Nag-uusap na kami.

Narinig ko na nagyayayaan na sina Chance na umuwi. Babay crush. Hehe. Thankyou sa pag buo nang araw ko.

So ayun umuwi na kami nang mga barkada ko. Pagkauwi ko sa bahay dating gawi. Laptop tsaka cp ang kaharap.

Bago ako matulog may nag text sa aking unknown number.

0915........
Goodnight thankyou for making my day.

Edi wow. Haha. Baka wrong send lang. Bukas na ako mag rereply dahil antok na talaga ako at pupunta pa akong dreamland may date kasi kami dun ni Chance. Ayyy ambisyosang frog. Good night!













Who's that mysterious texter kaya?? Si Chance na kaya? O iba? Malalaman sa susunod na update!

      - miss author. Xoxo's!

Sana eLike MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon