Dwynette
Sa lahat lahat ng pinagdaanan ko, ito ang masasabi kong pinakamahirap na pagsubok.
Naaalala ko lahat ng nangyari. Ayoko mang alalahanin.. pero paulit-ulit itong tumatakbo sa isipan ko. Simula noong unang pagkikita namin hanggang sa........ BIGLANG BUMAGSAK.
Ang saklap 'di ba? Hindi ko gusto ang pangyayaring ito pero ito na nga ata ang nakatakdang mangyari sakin...sa amin.
Hindi ko naisip na baka anytime bigla na lang siyang mawala. Napaka makasarili ko.
At ngayong nasa piling na siya ng iba.. masakit.
Bakit kasi ganun? Kung kailan alam mo na yung dapat mong gawin saka may dumating na problema... saka siya nawala......
May mali ba akong nagawa?
Oo, meron.
Dapat ba na-appreciate ko agad yung mga ginawa niya?
Oo.
Dapat ba nakinig ako sa mga kaibigan ko noon?
Oo.
Dapat ba pinahalagahan ko siya gaya ng pagpapahalaga niya sakin?
Oo.
Dapat ba hindi ako nagbulag-bulagan?
Oo.
Kung sana hindi ako manhid para makaramdam sa kanya ng ganito, masaya na kami?
Oo.
Sana ako ang kasama mo ngayon at hindi siya.
Kasi hirap na hirap na ako. Miss ko na yung pangungulit mo, yung mga cheesy mong moves at lahat lahat ng pinagsamahan natin....
I miss the times when there was you and I.
BINABASA MO ANG
When There Was You And I
Fiksi RemajaNatapos ang isang relasyon, masakit at mahirap tanggapin. Alam nating lahat iyon. Magiging isang malaking kalokohan lang kung ayaw mo pang bumangon sa katotohanan na wala na talaga. Ngunit ito lang ang sinabi niya... "Ipapagpatuloy ko pa rin."