Choice (Kathniel)

6.9K 49 19
                                    

Alex's POV

Sa lahat lahat ng problemang meron ako, eto na ata ang pinaka malala sa lahat. 

Sa lahat ng tao, bakit kailangang ako pa ang makaranas nito? Naging mabait naman ako diba? 

Siguro nga kailangan ko na lang tong tanggapin... I don't have a choice

Hi, ako nga pala si Alexandria Estoesta. Graduate ng college, at 20 years old. Eto na lang muna ang ibibigay kong impormasyon sa inyo. 

Nandito ako ngayon sa isang burol. Nakaupo ako sa dulo at nakalaylay yung paa dun. Tinitignan ko yung mga ilaw na nanggagaling mula sa bayan. Nilalanghap ko din ang sariwang hangin na nakakapagbigay ng kaginhawaan. 

At habang nag momoment ako dito, may narinig akong sumigaw. 

"AHHHHH!" 

Hindi siya sigaw ng isang natatakot na lalaki kundi sigaw ng isang naiinis na lalaki. At dahil interisado ako, tumayo ako mula sa inuupuan ko at pinuntahan ko kung saan ko narinig yung sigaw. 

At sa nakita ko, isang lalaki na naka hood na grey ang nakatayo sa pinaka dulo ng bangin. Mukhang may balak pa atang magpakamatay tong lalaking to. 

Hindi ko nakikita mukha niya kasi nakatalikod siya at natatakpan ng hood ang mukha niya. 

Nung makita kong ihahakbang na niya ang isang paa niya para tumalon, nagsalita ako. 

"Hi." Yan agad ang nasabi ko. Napatigil siya at napalingon. 

"Si-sino ka?" Nagtatakang tanong niya. 

"Hm, ako si Alex. Ikaw?" Tanong ko naman sa kanya habang papalapit ako sa kanya. 

"Wala ka na dun." Sabi niya ulit. Halatang kakaiyak lang niya. Sumisinghot singhot kasi siya. Pero hindi ko pa din kita yung mukha niya. 

"Anong ginagawa mo?" Hindi ko na maapigilan yung tanong. 

"W-wala kang pakielam!" Sigaw niya sakin. Napangiti ako ng bahagya. Masyado siyang defensive.

"May porblema ba?" Naupo ako sa lapag at tinignan ko siya. Nakatingala ako ngayon sa kanya. Ang layo namin sa isa't isa siguro mga 3 metro pa. 

Natahimik siya sa tanong ko. 

"Alam mo, kung ano man yang problema mo, malalagpasan mo din yan." Sabi ko sakanya. 

"Wala kang alam." Matigas niyang sabi. Ha, kung alam niya lang kung anong pinagdadaan ko. 

"Edi ipaalam mo sakin." Nakangiti kong sabi sa kanya. 

"Ano bang pakielam mo?" Tanong naman niya na halatang mag pagkairita sa boses. 

"Hm, ewan ko. Pero alam mo kasi, hindi sapat na sayangin mo ang buhay mo para sa isang problema. Kaya sa tingin ko, sobrang bigat niyang problema mo. Ang mga ganyang problema, hindi yan sinasarili. Pwede mo naman akong sabihan, nandito lang ako... Makikinig ako at makikidamay sayo." 

Matagal siyang hindi nagsalita. Siguro nagdadalawang isip. 

"May bestfriend ako at girlfriend. At alam mo na yun, typical story. Nalaman ko na lang na may relasyon din pala sila. Habang nakatalikod ako, naglalandian pala sila." 

Narinig kong suminghot nanaman siya. Tumalikod siya sakin at tumingala. 

"Sabi sakin nung ex-girlfriend ko, hindi niya daw ako minahal. Kahit kelan, hindi daw. Napilitan lang daw siyang mahalin ako para mapalapit sa Bestfriend ko. Eh pano ba yan? Minahal ko siya. Mahal ko siya. Masakit din malaman na tinatraydor ka ng dalawang taong mahalaga sayo." 

Napapansin kong punas siya ng punas ng luha. 

Masakit nga yang pinagdadaanan niya. Mahirap at masakit. 

"Oh ngayon, hahayaan mo na ba ko magpakamatay...uhm...Alex?" Tanong niya sakin. 

Tumayo ako at nilapitan siya. 

Hinarap ko siya sakin. Una nagulat siya pero hindi siya nagre-react. Sunod kong ginawa, tinanggal ko yung hood niya mula sa ulo niya. 

Tinignan ko yung dark brown niyang mata na namumula na sa kakaiyak. Nginitian ko siya. 

Bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko. 

"A-anong ginagawa mo?" Gulat niyang tanong. 

"Sa mga ganitong klase ng problema, hindi pagpapakamatay ang kailangan mo, kundi yakap. Isang yakap na magpaparamdam sayo na may kadamay ka." 

Hindi siya umimik ng sandali. Maya maya, naramdaman kong niyakap niya na din ako. Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko at dun siya umiyak ng umiyak .

Alam kong hindi ko siya kilala pero, ito ang kailangan niya eh. At, pareho kaming may problema. So, bakit ko ipagkakait ang isang yakap at kausap sa isang taong nasasaktan? 

Naramdaman ko ding lalo niyang hinigpitan yung yakap niya sakin. Hinagod ko yung likod niya para kumalma siya ng kahit konti. 

Nung bumitaw siya sa yakap, tinanong niya agad ako.

"Bakit mo ginagawa to?" Tanong niya habang nagpupunas ng luha. 

Nginitian ko siya ng bahagya. "Alam ko kasi yung pakiramdam na parang gusto mo na lang takasan lahat ng bagay sa mundo. Lahat ng problema mo tatakasan mo na lang, pero wala tayong choice eh. Kailangan natin tong harapin. At, syempre, ayokong may taong humaharap sa problema niya magisa." Paliwanag ko naman. Nakatingin lang din siya sakin. Sa mga mata ko. 

"Ni hindi mo nga ako kilala." Sabi naman ulit niya. 

"Kailangan ba kilala ko yung tao para lang tulungan ko?" Tanong ko naman sa kanya. 

"Pero paano kasi, kung mamamatay tao pala ko diba? Tapos niyakap mo pa ko? Hindi mo man lang ba naisip yung kapakanan mo?" Tanong naman niya ulit. Hay grabe, ang daldal neto. 

"Sa totoo lang may punto ka. Pero, di ko na kasi naisip yun. Kahit patayin mo pa ko, basta ba nakatulong ako, okay lang." Sabi ko sakanya sabay ngiti. Napailing naman siya. 

"Masyado kang mabait." Sus bumulong pa nadinig ko naman.

"Ehem, oo nga pala. Ako nga pala si Jared." Sabi niya sabay abot ng kamay niya sakin. 

Kinuha ko naman yun at nakipagkamay nga sa kanya. 

"Salamat." Sabi niya at ngumiti. 

Dahil sa ngiti niya, napangiti din ako. 

Dun, umalis na ko. Tumalikod na ko sa kanya at naglakad papu---

"Teka, ikaw alam mo problema ko, pero hindi ko alam problema mo." 

Sabi niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. 

Naramdaman kong nanikip yung dibdib ko at naiiyak ako. 

Hinarap ko siya at nginitian ng malungkot. 

"I'm dying." 

-----------------------------

Hi guys! New story, kathniel ulit to. San suportahan niyo to tulad ng suporta niyo sa Who are you. 

Please comment kung tuloy o hindi. 

VOTE? COMMENT? PLEASE? THAAANKS :***

Choice (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon