Chappy 2.

836 24 8
                                        

Alex's POV

"Jared." Napatayo agad ako ng makita ko si Jared. 

"Pwedeng pumasok?" Tanong niya sakin. 

Tumango na lang ako tapos umupo ulit sa kama ko. 

Tumingin tingin naman si Jared sa kwarto ko. 

"Bakit ka nag walk-out?" I was taken a back with his question. Hindi ko inaasahan yun. 

"Uhm, hindi ko lang kasi matanggap na magagawa yun sakin nila Dad." Sabi ko ng hindi pa din nakatingin sa kanya. 

Umupo siya sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. 

"Uhm, sorry sa tanong ah pero, why don't we try?" Tanong niya. Nanlaki naman mata ko dun.

"WHAT?!" Gulat na tanong ko. 

"3 months Ms. Estoesta." Sabi niya. Grabe, ang pormal. Tsaka, baka di na ko umabot ng 3 months no. 

"W-Wait. Uhm, may itatanong muna ako sayo." Sabi ko sa kanya. 

"Shoot." Sabi niya. Means, sige magtanong ka. 

"Mahal mo pa ba yung ex-girlfriend mo?" Tanong ko. Mukhang siya naman ngayon yung nagulat sa tanong ko. 

"Uhm, maybe. Pero nasaktan lang kasi talaga ko." Sabi niya sabay iwas ng tingin. Sus, maybe mo mukha mo. Halata namang mahal mo pa eh. 

"Sige sabihin nating ganito yung sitwasyon. Pano kung habang nasa middle tayo ng pagiging mag *ehem* fiance, eh balikan ka ng girlfriend mo. Magmamakaawa pa siya sayo. Sasabihin niya sayong mahal ka pa niya at di---" Pinutol niya ko. Ulit. -_- 

"Bakit ba ayaw mo? May mali ba sakin?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Baliw ba tong lalaking to? Ayoko lang naman may gawin kaming ayaw namin diba? 

"Ikaw ba? Gusto mo ba? Yung totoo?" Syempre tatanungin ko din siya. 

"No." WOW ANG PRANKA. Grabe. 

"Oh, edi no din ako. Ayokong may gawin tayong bagay na labag sa loob natin." Paliwanag ko naman sa kanya. 

Nagulat na lang ako ng bilga siyang tumayo. 

"Hindi ko alam na BandGirl ka pala." Sabi niya habang tinitignan lahat ng albums ko. 

"Paramore, All Time Low, The Maine, The Cab, My Chemical Romance..Ano pa bang kulang?" Tanong niya habang nakatalikod. 

Yep, lahat yun albums ko. Fan ako ng mga bandang yan. Fangirl ako no. Haha, di nga lang talaga halata.

"Who's your favorite?" Tanong niya sakin. 

"Paramore. You?" Mabilis ko namang sagot. 

"The Beatles." Omg, legeeeends!

Patuloy na pinagmamasdan yung shelf ko. 

"Nagbabasa ka pala ng John Green?" 

O_O 

"YOU READ BOOKS?!" Gulat kong tanong sa kanya. John Green is a famous book writer or in short, author. 

"Honestly, bookworm ako." Mahinang sabi niya. Seems like parang ikinakahiya niya yun. He shouldn't be ashamed of it. Major turn on---Wait. Ehem. Nevermind. 

Choice (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon